12/03/2026
📢 PAANYAYA SA BARANGAY ASSEMBLY
Ang Pamahalaang Barangay ng Pulo ay magdaraos ng Barangay Assembly para sa Unang Semestral ng taong 2026 at taos-pusong inaanyayahan ang lahat ng residente ng ating barangay na makiisa at dumalo sa mahalagang pagtitipong ito.
Layunin ng Barangay Assembly na maipabatid sa ating mga kabarangay ang mga nagawa, kasalukuyang programa at proyekto, gayundin ang mga plano ng Pamahalaang Barangay para sa patuloy na kaunlaran, kapayapaan, at kaayusan ng ating komunidad. Ito rin ay pagkakataon upang marinig ang inyong mga mungkahi, opinyon, at mga katanungan tungkol sa mga usaping pangbarangay.
📅 Petsa: Marso 22, 2026 (Linggo)
⏰ Oras: 1:00 ng Hapon
📍 Lugar: New Barangay Hall Purok Ilang-ilang Brgy. Pulo Infanta, Quezon
Ang inyong presensya at pakikilahok ay mahalaga upang sama-sama nating mapag-usapan ang mga bagay na makakatulong sa pag-unlad ng ating barangay.
Kaya’t inaasahan po namin ang inyong pakikiisa at pagdalo. Maraming salamat po!