15/10/2026
๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ง ๐ก๐ ๐ ๐ข๐ก๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ก๐ ๐๐ง ๐ฅ๐๐๐จ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฆ๐ข๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ ๐๐ง ๐๐ก๐จ๐ ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐ง๐, ๐ค๐จ๐๐ญ๐ข๐ก, ๐๐๐ก๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐ฆ๐๐ก!
Upang higit na mapangalagaan ang kapakanan at moral na integridad ng kabataang Infantahin, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang isang Public Hearing ukol sa panukalang ordinansang iniakda ni PPSK President Tim Borreo โ ang โ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐๐ป๐๐บ๐ฎ๐ป ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ป๐ณ๐ฎ๐ป๐๐ฎ, ๐ค๐๐ฒ๐๐ผ๐ป.โ
Layunin ng nasabing panukala na magpatupad ng mas pinalakas at mas organisadong mekanismo sa pagsubaybay (monitoring) at regulasyon sa lahat ng mga establisimiyento, bar, at inuman sa nasasakupan ng bayan ng Infanta. Sa pamamagitan nito, tiniyak ng Sangguniang Bayan na mahigpit na maipagbabawal ang pagpasok at pagbenta ng alak sa mga indibidwal na wala pa sa legal na edad (17 taong gulang pababa).
Ang konsultasyon ay aktibong dinaluhan ng mga pangunahing katuwang sa lipunan at pamahalaan, kabilang ang:
Mga May-ari at Tagapamahala (Operators) ng mga lokal na bar at inuman, Kinatawan ng Philippine National Police (PNP), Focal Person on Youth mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Kinatawan ng Business Permits and Licensing Section (BPLS), Mga Kagalang-galang na Konsehal na pawang Miyembro ng Committee on Sports and Youth Development.
Naging makabuluhan at mabunga ang palitan ng kuro-kuro, kung saan nagpahayag ng buong suporta ang mga negosyante at kinatawan ng ibaโt ibang sektor. Pinagtibay sa lebel ng Komite ang kolektibong layunin na magtulungan ang sektor ng negosyo, kapulisan, at pamahalaang lokal upang lumikha ng mas ligtas, maayos, at protektadong kapaligiran para sa kabataan ng Infanta.