Halos isang buwan na ang nakaraan mula nung naganap ang ating Chinese New Year Online Raffle kung saan may limang (5) maswerteng nanalo (isa sa bawat bayan sa Distrito Tres) ng 60-Second Grocery Hakot Challenge!
Personal na sinamahan nila Mayor Joelle Mathea Panganiban ng Bayang ng Angadanan, pati na din ang ilang miyembro ng Team JTP - Distrito Tres, ang mga nanalo sa Robinson's Alicia para sa Hakot Challenge. Sabay-sabay po nating panuorin ang maigsing video ng naganap na hakot challenge!
Para po sa ating limang lucky winners, sana'y napasaya kayo ng ating munting aktibidad. Sana'y magamit ninyo at ang inyong mga pamilya ang mga premyong inuwi ninyo!
Talagang masayang nakapagbahagi ng blessings para sa mga kababayan at ka-Distrito natin, lalo na po sa panahon ngayon.
Makakaasa po kayo na tuluy-tuloy ang mga programa at ang SERBISYONG DABEST PARA SA ATING MINAMAHAL NA KA-DISTRITO TRES!
Cong. Bentot Panganiban
Public servant
Sa mga kababayan po natin mula sa Distrito Tres ng Probinsya ng Isabela (Angadanan, Alicia, Cabatuan, San Mateo, at Ramon) na kasalukuyang nasa Middle East at UAE, kamusta po kayong lahat?
Kung may maitutulong po ang ating opisina sa inyo at wag pong mahiyang magmessage.
Patuloy po tayong mag-ingat at pinagdarasal po namin sa Distrito Tres ang inyong kaligtasan.
03/03/2026
Narito po ang mga winners ng ating Chinese New Year Raffle!
Para po sa pag-claim ng premyo, nakikiusap po tayo sa mga maswerteng nanalo na kung maaari ay paki-message po ang ating page ng inyong contact details.
May ilan na pong nagmessage at nagsend ng kanilang mga detalye at kasalukuyan pa po nating kinukumpleto ang lahat ng winners.
Magsisimula po mamayang hapon (3:00pm) ang pagsend ng G-Cash sa ating mga CASH PRIZE WINNERS.
Para po sa mga nanalo ng 60 Seconds Grocery Hakot Challenge, paki-intay lamang po ang instructions ng ating Team kung saan at kailan gaganapin ito. ๐๐ผ
Muli, CONGRATULATIONS po sa ating lahat! ๐
02/03/2026
Magkita-kita po tayo ng 8:45pm ngayong gabi para sa ating online roleta! ๐๐ผ
Habang nag-iintay po tayo, ito po ang mga premyo na pwede nating mapanalunan!
02/03/2026
Happy birthday to the โchillestโ governor of Isabela, Gov. Rodito Albano. May God bless you always๐๐๐โฆ
Mula sa ika-3 Distrito ng Isabelaโฆ
28/02/2026
Matapos ang halos isang linggo, nakumpleto din natin ang listahan ng lahat ng makakasali sa ating Chinese New Year Raffle!
Suma-total, may 2,670 raffle entries tayo mula sa Angadanan, Alicia, Cabatuan, Ramon, at San Mateo.
Abangan ang mga papremyo at winners ng online roleta sa Lunes (March 2, 2026) ng 8:00pm!
Kita kita po tayo! ๐๐ผ
ANGADANAN GAKIT ARENA!
19/02/2026
Bilang Year of the Horse ngayon at sakto namang ito ang Chinese Zodiac ng inyong abang lingkod, sama-sama nating salubungin ang swerte dito sa Distrito Tres!
Magkakaroon tayo ng konting kasiyahan at pa-raffle para sa mga kababayan natin mula sa Alicia, Angadanan, Cabatuan, Ramon, at San Mateo!
Basahin at sundin lamang ang mechanics at instructions para makasama at makasali sa ating Raffle Draw! ๐๐ผ
๐ I-FOLLOW ang ating Official page: Cong Bentot Panganiban
๐ I-LIKE at i-SHARE ang post na ito at gamitin ang
๐ I-COMMENT dito sa ating COMMENTS SECTION ng post na ito ang iyong BUONG PANGALAN, BARANGAY, at BAYAN mula sa Ikatlong Distrito ng Isabela. Wag kalimutan mag-tag na LIMANG (5) facebook friends mula sa Ikatlong Distrito na hindi pa naka-follow dito sa ating Official Page.
Example:
Juan Dela Cruz
Brgy. Fugaru, Angadanan
1, 2, 3, 4, 5
TANDAAN:
๐ Lahat ng participants na makakasunod sa kumpletong mechanics ay ang mga magiging OPISYAL NA KALAHOK sa gagawing Online Raffle Draw
๐ Maaaring i-Share at makilahok sa ating Chinese New Year Raffle Draw hanggang 22 FEBRUARY 2026 (Linggo)
Abangan kung kailan gaganapin ang ating online Raffle Draw! ๐๐ผ
HAPPY CHINESE NEW YEAR!! Sanaโy may dalang swerte sa ating lahat sa Distrito Tres ng Isabela ang Year of the Fire Horse!
02/02/2026
Paalala po sa lahat ng mga minamahal nating mga taga-Distrito Tres! ๐๐ผ
Para sa kaligtasan ng ating mga kabataan.
Paalala po para sa lahat ng mga magulang at mga kabataan sa Bayan ng Angdanan:
Napapadalas po ang mga aksidente (motor at sasakyan) kung saan involved ang mga menor de edad.
Ang lagi pong report mula sa PNP Angadanan o Barangay Officials ang mga naaaksidente ay walang helmet, walang lisensya, walang OR/CR ang sasakyan o motor, o kaya ay pinayagan ng magulang.
Pinapaalala po natin na may mga NATIONAL LAWS (RA No. 4136 at PD No. 603) kung saan pinagbabawal po ang pagmamaneho ng mga Menor de Edad.
Dahil po dito, mas hihigpitan po ng Angadanan Traffic Management and Transportation Unit - ATMTU ang pagbabantay, pagsunod, at pag-implementa sa mga batas na ito.
Tandaan din po natin, hanggang underaged o menor de edad ang mga nagmamaneho, ANG MGA MAGULANG ANG MAY RESPONSIBILAD SA KANILA.
Maraming salamat po!
Local Government Unit of Angadanan
21/01/2026
NAGKAKAISANG SUPORTA PARA SA DISTRITO TRES
Buong puso nating ipakita ang ating suporta sa mga kandidata ng District 3 habang silaโy humaharap sa entablado ngayong Grand Coronation Night ng Queen Isabela 2026 sa Queen Isabela Park.
๐ ALICIA
Christine Jane Alvarado
๐ ANGADANAN
Adassah Shen Zuela
๐ CABATUAN
Almira Rivera
๐ RAMON
Princess Margareth Valdez
๐ SAN MATEO
Eleni Athina Domingo
Ang bawat palakpak, sigaw, at presensya ninyo ay lakas at inspirasyon para sa kanila habang ipinagdiriwang natin ang ganda, kultura, at pagkakaisa ng ating mga bayan.
Sama-sama nating ipagmalaki ang District 3!
02/01/2026
Masaganang Bagong Taon po sa lahat. Naway ang bagong taon 2026 ay magdala at magdulot ng kasaganaan, kaginhawan, pagkakaisa, pagmamahalan, kapayapaan, at mabuting kalusugan sa lahat ng pamilyang Isabeleรฑoโฆ. Patnubayan po tayo ng Poong Maykapal๐๐๐
25/12/2025
Merry Christmas Distrito Tres mula sa aming buong pamilya! ๐
Sanaโy lagi nating piliin ang pagmamahal at pagiging liwanag ng isaโt isa!
Kahit na maraming pagsubok ang dumaan ngayong 2025, puno ng pag-asa at pasasalamat ang puso ko dahil kasama ko ang aking Pamilya ngayong araw. โค๏ธ
Maligayang Pasko po sa ating lahat mula sa aming buong pamilya! ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Isabela
