14/09/2026
Muling pinatunayan ng mga kabataang lider mula sa Santiago City ang kanilang husay sa pamumuno at paglilingkod matapos makamit ng Local Youth Development Office (LYDO), mga Sangguniang Kabataan (SK), at youth-led projects ng lungsod ang ibaโt ibang pagkilala sa 7th Philippine Sangguniang Kabataan Awards na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) noong September 13.
Ipinakita ng mga parangal ang patuloy na pagsisikap ng lungsod na palakasin ang youth governance at maghatid ng mga programang tumutugon sa tunay na pangangailangan ng kabataan at komunidad.
Kinilala bilang Most Outstanding LYDO sa Province, Highly Urbanized City, and Independent/Component City category ang Local Youth Development Office โ City of Santiago.
Itinanghal namang Most Outstanding SK Council โ Pederasyon Level ang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Lungsod ng Santiago.
Hindi rito nagtapos ang tagumpay ng dalawang institusyon dahil kapwa rin sila ginawaran ng Hall of Excellence Award matapos makilala bilang outstanding awardees sa loob ng apat na magkakasunod na taonโ2023, 2024, 2025, at 2026.
Ang pagkilalang ito ay patunay sa kanilang mahalagang papel sa pagsusulong at pag-uugnay ng mga programa para sa kabataang Santiagueรฑo.
Nag-uwi rin ng mga parangal ang ilang SK projects mula sa Santiago City sa ibaโt ibang kategorya.
Sa Human Development and Social Welfare, kinilala bilang Most Outstanding SK Projects ang Project ARISE Youth (Advancing Responsible, Informed, Safe, and Empowered Youth) ng SK Patul at SKasama Ka: No Learner Left Behind ng SK Naggasican.
Sa Governance and Civic Participation naman, kinilala ang BYDC (Barangay Youth Development Council) ng SK Rosario dahil sa pagsusulong ng aktibong partisipasyon ng kabataan sa pamamahala at pagpapaunlad ng kanilang barangay.
Nagpakitang-gilas din ang Santiago City sa larangan ng Sustainable Communities and Economic Development. Kinilala ang BINHI: How Youth Planted the Seeds of a Greener Tomorrow ng SK Naggasican at Project YES (Youth Enterprise Support) ng SK Rosario.
Samantala, bukod sa mga pangunahing parangal, umabot din bilang National Finalist ang Project KALSO (Knowledge from Alternative Learning System Provides Opportunity to OSY) ng SK Rosario.
Layunin nitong magbukas ng mga oportunidad para sa mga out-of-school youth (OSY) sa pamamagitan ng Alternative Learning System.
Napabilang din sa mga National Finalist sa kategoryang Outstanding SK Council, Barangay Level ang Sangguniang Kabataan ng Rosario, dagdag na patunay sa patuloy nitong pagsusulong ng makabuluhang programa para sa kabataan.
Higit pa sa mga tropeo at sertipiko ang kahulugan ng mga pagkilalang ito.
Sumasalamin ang mga ito sa lumalakas na kultura ng youth leadership sa Santiago Cityโkung saan ang mga kabataan ay hindi lamang benepisyaryo ng mga programa kundi aktibong katuwang sa pagbuo at pagpapalakas ng kanilang komunidad.
Mula sa pagtulong sa mga mag-aaral at out-of-school youth, hanggang sa pangangalaga sa kalikasan, pagsusulong ng kabuhayan at entrepreneurship, at pagpapalakas ng civic participation, ipinakita ng mga award-winning projects na kayang maging katuwang ng pamahalaan ang kabataan sa pagtugon sa mahahalagang hamon ng lipunan.
Ang mga tagumpay sa na nakamit ng bawat kabataang Santiagueรฑo sa 7th Philippine Sangguniang Kabataan Awards ay isang pagdiriwang sa lahat ng kabataang patuloy na nangunguna, naglilingkod, at kumikilos para sa mas maunlad na kinabukasan ng kanilang lungsod.
By Daniza Caezarie Romero
Photo from Local Youth Development Office (LYDO)
โฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆโฆ
For news and updates, follow us on our official social media accounts.
Facebook: Santiago City Information Office
Website: cityofsantiago.gov.ph
Email: [email protected]
Mobile App: KaisaKa
(Available on App Store and Play Store)