22/09/2026
KABATAAN on Martial Law at 54: Sa panunupil at pangungurakot, ang sagot ay paniningil at pagpapanagot
Today, September 21, 2026, marks the 54th anniversary of the declaration of Martial Law under late dictator Ferdinand Marcos Sr. As protests mount nationwide, not only to commemorate the declaration but also to decry the corruption of the current Marcos Jr. administration, House Assistant Minority Leader and Kabataan Rep. Atty. Renee Co states: "Sa paggunita natin sa ika-54 na taon mula noong idineklara ang Batas Militar ni Marcos Sr., inaalala natin ang malawakang paglabag sa karapatang pantao at ang malaganap na korapsyon noon at nagpapatuloy hanggang ngayon."
Rep. Renee added: "Inaasahan natin ang pagbaha ng panawagan para sa pananagutan at hustisya, dahil hanggang ngayon pati ang pamilyang Marcos ay hindi pa rin napapanagot. Ginagamit nila ang posisyon at kapangyarihan upang makatakas sa mga ikinaso sa kanila, habang hindi pa nila naisasauli ang kanilang nakaw na yaman."
As the Philippine National Police prepare for the protests by deploying thousands of officers to secure the rallies and set up defensive barriers around key areas with Malacañang itself being shut down, Rep. Renee hits back: "Handang-handa ang mga pulis na panatilihin kuno ang kapayapaan at kaayusan sa mga kilos-protesta, ngunit sa oras ng pagpapanagot sa mga kurakot, biglang nananahimik. Hindi nakakagulat na habang bitbit ng mamamayang ninakawan ang kanilang mga placard at panawagan, bitbit naman ng mga pulis ang kanilang mga batuta at kalasag para ipagtanggol ang rehimeng Marcos Jr."
"Hindi mapipigilan ng hanay ng pulis, hile-hilerang barbed wire, concrete barrier o kahit pa ng tear gas at mga pamalo ang galit ng libo-libong kabataang ninanakawan ng kinabukasan. Babaha sa lansangan ang sigaw ng kabataan at taumbayan: 'Never Forget Corruption! Never Again to Impunity!'" # # #
@54