06/10/2026
🌿 STRENGTHENING BARANGAY PARTICIPATION SA ENVIRONMENTAL AT SANITATION ENFORCEMENT
Ang pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na komunidad ay hindi lamang responsibilidad ng Municipal Government—ito ay shared responsibility ng bawat Barangay at mamamayan. 💚
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng Barangay sa pagmamasid, dokumentasyon, at pag-uulat ng mga environmental at sanitation concerns, mas mabilis na matutugunan at mava-validate ng kinauukulang Municipal Office ang mga insidente.
📸 Para sa mas maayos na pag-report, maaaring i-document ang:
1️⃣ Geotagged photo ng aktwal na concern o violation
2️⃣ Larawan ng ID ng violator, kung maaari at naaangkop
3️⃣ Pangalan ng violator, kung available
4️⃣ Petsa at oras ng insidente
5️⃣ Uri o nature ng concern/violation
6️⃣ Lugar kung saan nangyari ang insidente
📌 Para sa referral:
♻️ SWM at iba pang environmental concerns → MENRO
🐾 Stray dogs/animal-related concerns → MAO
🚽 Sanitation-related concerns → Concerned Municipal Office
🤝 Tandaan: Ang layunin ng Barangay ay hindi ang akuin ang enforcement responsibility, kundi ang tumulong sa pagbabantay, maayos na pagdodokumento, at mabilis na pag-report upang masuportahan ang validation at kaukulang aksyon ng Municipal Government
🌱 BARANGAY + MUNICIPAL GOVERNMENT = Mas mabilis na aksyon para sa mas malinis, ligtas, at maayos na Bacnotan!