02/10/2026
🦟 2ND MISTING ACTIVITY | MARFORI EXTENSION
Patuloy ang Barangay Silangan, Calauan, Laguna sa pagpapatupad ng mga hakbang upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga residente laban sa pagdami ng lamok at panganib ng Dengue.
Isinagawa ang ikalawang misting activity sa Marfori Extension sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Rural Health Unit (RHU) ng Calauan.
Nakiisa rin sa aktibidad si Kagawad Mark Joseph V. Velecina, Committee on Health, sa paggabay at pakikipag-ugnayan upang matiyak ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng misting operation sa lugar.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Hon. Ma. Gelaine V. Camargo, bilang bahagi ng patuloy na programa ng Barangay Silangan para sa Dengue Prevention and Control.
📢 PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE:
Ang misting ay isang karagdagang hakbang lamang sa pagkontrol ng lamok. Patuloy nating isagawa ang 4S Kontra Dengue:
🔎 Search and Destroy – Hanapin at alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
🛡️ Self-Protection Measures – Gumamit ng kulambo, mosquito repellent at magsuot ng angkop na damit.
🩺 Seek Early Consultation – Magpakonsulta agad kung may mga sintomas ng dengue.
📣 Support Fogging/Misting – Makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagsasagawa ng nararapat na mosquito-control activities.
Ang pag-iwas sa Dengue ay responsibilidad nating lahat. Sama-sama nating panatilihing malinis, ligtas at malusog ang ating komunidad.
Barangay Silangan — Sama-sama para sa Dengue-Free Community!