Sangguniang Kabataan ng Majada - Labas

Call Contact the organization

Sangguniang Kabataan ng Majada - Labas LIKE AND SUPPORT

🏆🎮 HANDA KA NA BA, KABATAAN NG MAJADA LABAS? 🎮🏆Ihanda ang inyong mga squad at ipakita ang tibay, galing, at lakas ng sam...
25/08/2026

🏆🎮 HANDA KA NA BA, KABATAAN NG MAJADA LABAS? 🎮🏆

Ihanda ang inyong mga squad at ipakita ang tibay, galing, at lakas ng samahan! 🔥💪

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at suportahan ang Majada Labas ML Tournament – Season 2: Sagupaan 2026 bilang bahagi ng ating Linggo ng Kabataan 2026! 🎉

⚔️ Tibay at lakas matira ay siyang matibay!
Sama-sama nating ipakita na ang tunay na panalo ay hindi lamang nasusukat sa puntos, kundi sa sportsmanship, pagkakaibigan, at pagkakaisa ng kabataan. 🤝💙

📅 Tournament Date: August 29, 2026
📝 REGISTRATION PERIOD
📌 Mula August 25 hanggang August 27, 2026 lamang!

8 TEAMS ONLY
6 Players each team

🏆 PRIZE POOL
🥇 Champion — ₱7,000
🥈 2nd Place — ₱5,000
🥉 3rd Place — ₱3,000

🔥 Kaya ano pang hinihintay ninyo? Bumuo na ng inyong team, magparehistro, at ipakita ang inyong galing sa larangan ng Mobile Legends!

Makilahok. Makipagkaibigan. Makipagsagupaan. Ipakita ang galing! 🎮🏆

Matapos ang masusing deliberasyon at pagsusuri, buong kagalakan na binabati ng Sangguniang Kabataan ng Majada Labas ang ...
20/08/2026

Matapos ang masusing deliberasyon at pagsusuri, buong kagalakan na binabati ng Sangguniang Kabataan ng Majada Labas ang mga mag-aaral na napabilang sa EduKatulong College Students Financial Assistance Program! 💚

Ang programang ito ay patunay ng aming patuloy na pangako na suportahan at bigyang-halaga ang edukasyon ng ating mga kabataang Majada Labas.

📌 PAYOUT DETAILS
📅 August 23, 2026 (Sunday)
⏰ 3:00 PM onwards
📍 SK Office, Majada Labas

Congratulations, EduKatulong Scholars! 📚✨ Ipagpatuloy ninyo ang inyong pagsisikap at pangarap. Ang inyong tagumpay ay tagumpay rin ng ating komunidad! 💪

The Sangguniang Kabataan Majada Labas is pleased to announce the submission of requirements for EDUKA-TULONG. This progr...
11/08/2026

The Sangguniang Kabataan Majada Labas is pleased to announce the submission of requirements for EDUKA-TULONG. This program aims to extend educational assistance and support to our fellow youth pursuing higher education. 🎓✨

📅 Submission Date: August 16, 2026
⏰ Time: 1:00 PM onwards
📍 Venue: Majada Labas Barangay Hall
👤 Point Person: SK JM Albaira

📌 Requirements:
• Voters Certificate dated 2026
• Registration Form
• Original / Certified True Copy of Grades (Previous Term)
📄 Important Reminder: Please bring scanned copies along with the original copies of all necessary requirements. Make sure that all documents are complete, clear, and properly organized before submission.


“Ano nabang Balita SK?"Inaanyayahan ang Katipunan ng Kabataan Majada Labas sa darating na ika 2 ng Agosto, 3:00 pm para ...
30/07/2026

“Ano nabang Balita SK?"

Inaanyayahan ang Katipunan ng Kabataan Majada Labas sa darating na ika 2 ng Agosto, 3:00 pm para sa ikaunang taunan ng KK Assembly sa Brgy Majada Labas Covered Court.

Matatalakay natin dito ang patungkol sa TRANSPARENCY at ACCOMPLISHMENT REPORT para sa kalahating taon ng 2026.

Hindi din tayo magpapahuli para sa mga papremyong maipamimigay para lamang sainyo! Atin din bigyang pansin ang mga nangyayari sa ating komunidad. Ang inyong partisipasyon ay mahalaga, makipag talakayan, makialam, makinig at bumoses!


📢 ANUNSYO | EDUKA-TULONG REGISTRATIONMagandang araw, Kabataan ng Majada Labas!Dahil sa technical issues na naranasan sa ...
26/07/2026

📢 ANUNSYO | EDUKA-TULONG REGISTRATION

Magandang araw, Kabataan ng Majada Labas!
Dahil sa technical issues na naranasan sa Google Forms, ang Eduka-Tulong Registration ay isasagawa na ONSITE sa araw ng Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly sa Agosto 2, 2026.

📌 Mga kailangang dalhin:
✅ Certificate of Registration (COR) para sa Academic Year 2026–2027
✅ Voter Certification na may petsang 2026

Inaanyayahan namin ang lahat ng interesadong kabataan na dumalo sa KK Assembly at ihanda ang mga kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang proseso ng inyong pagpaparehistro.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa. Kita-kits sa Agosto 2!

📣 MAGANDANG ARAW, MGA KABATAAN!Bilang paghahanda para sa nalalapit na 4th Mayor Ross H. Rizal Inter-Barangay Basketball ...
03/07/2026

📣 MAGANDANG ARAW, MGA KABATAAN!

Bilang paghahanda para sa nalalapit na 4th Mayor Ross H. Rizal Inter-Barangay Basketball & Volleyball Tournament 2026, ang ating Sangguniang Kabataan ay magsasagawa ng Basketball at Volleyball Tryouts upang mabuo ang opisyal na koponan na kakatawan sa ating barangay.

🗓 Petsa: Hulyo 4, 2026 (Sabado)
🕓 Oras:
🏀 4:00pm onwards - Basketball Men’s

🗓 Petsa: Hulyo 5, 2026 (Linggo)
🕓 Oras:
🏐 4:00 PM – 6:00 PM – Women’s/Girls Division
🏐 6:00 PM – 8:00 PM – Men’s/Boys Division

Inaanyayahan namin ang lahat ng interesadong manlalaro na lumahok sa tryouts at ipakita ang kanilang husay, disiplina, at dedikasyon sa basketball at volleyball.

Paalala: Magsuot ng angkop na sports attire at magdala ng sariling tubig upang manatiling hydrated sa buong tryout.

Salamat!

TGIF: Thank God, It's the LAST Friday of June: BALIK-ESKWELA NA!Sa ikalawang pagkakataon, inilulunsad ng Sangguniang Kab...
26/06/2026

TGIF: Thank God, It's the LAST Friday of June: BALIK-ESKWELA NA!

Sa ikalawang pagkakataon, inilulunsad ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Majada Labas ang programang EDUKATULONG para sa ating mga kolehiyong mag-aaral.

Mas pinalawak at mas pinaigting pa natin ang programang ito dahil magkakaroon tayo ng mas maraming college student beneficiaries ngayong taon. Isa itong patunay na kaagapay ninyo kami sa pagharap sa mga hamon at gastusin ng edukasyon.

Patuloy naming isusulong ang mga programang makatutulong sa kabataang Majada Labas upang mas maging abot-kamay ang dekalidad na edukasyon para sa lahat.

📩 Para sa mga karagdagang katanungan, maaari kayong mag-message sa aming page o direktang makipag-ugnayan sa Committee Head on Education, SK JM Albaira.


�
�

📢 PAALALA AT PAKIKIISAAlinsunod sa inilabas na memorandum ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba, ipinapaalam po na ang Liyab...
11/04/2026

📢 PAALALA AT PAKIKIISA

Alinsunod sa inilabas na memorandum ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba, ipinapaalam po na ang Liyab 2026 ay pansamantalang ipagpapaliban.

Ito ay bilang pakikiisa sa layunin ng lungsod na makapagtipid sa enerhiya at mapagtuunan ng pansin ang mga mas mahahalagang pangangailangan ng ating komunidad, lalo na sa usapin ng kaligtasan at kahandaan.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at patuloy na suporta sa mga hakbang na isinasagawa para sa kapakanan ng lahat.

Maraming salamat po.

Ang pinakahihintay na tagisan ng lakas, galing, at determinasyon ng kabataan ay muling magliliyab! 🔥Isang tradisyong tao...
16/03/2026

Ang pinakahihintay na tagisan ng lakas, galing, at determinasyon ng kabataan ay muling magliliyab! 🔥
Isang tradisyong taon-taon na humuhubog sa kakayahan, disiplina, at talento ng kabataang atleta ng Majada Labas.

Majada Labas, humanda na!
Makisama at makiisa sa pinakamalaki, pinakamasaya, at mas pina-level up na liga ngayong taon!

Ito na ang pagbabalik ng apoy ng kompetisyon, pagkakaisa, at tunay na sportsmanship.

LIYAB 3.0: Ang Huling Pasiklab!

Marapat na basahing mabuti ang mga detalye Kabataang Majada Labas.

Para sa inyong iba pang katanungan, mangyari lamang po na imessage ang ating page o makipag-usap sa mga SK Councilors na in charge sa inyong bawat purok.

- SK Chairperson - Leo Jade Nones
https://www.facebook.com/leojade1234
- Purok 1/Carmel Village - Arbie Lim
https://www.facebook.com/arbie.lim.77?mibextid=uzlsIk
- Purok 2/Allegro Homes/Alexandra - Justine Perez
https://www.facebook.com/jejeyperezz
- Purok 3 - Mark Arlan Rodriguez
https://www.facebook.com/arlan.fehvew?mibextid=uzlsIk
- Purok 4/Rivera Homes/Gran Avila/Boracay- Miggy Albaira
https://www.facebook.com/profile.php?id=100004081552944&mibextid=uzlsIk
- Purok 5 - Ericha Albaira
https://www.facebook.com/erichamaealbairab?mibextid=uzlsIk
- Purok 6 - Cedric Hernandez
https://www.facebook.com/jancedric.hernandez?mibextid=uzlsIk
- Purok 7 - Mon Joseph Fajardo
https://www.facebook.com/monjoseph.fajardo.1?mibextid=uzlsIk
- SK Secretary - Francesca Eidrise Logo
https://www.facebook.com/franscesca.eidrise?mibextid=uzlsIk
- SK Treasurer - Jaydelynn Mallonga
https://www.facebook.com/jaydee.mallonga?mibextid=uzlsIk


Tinig ng Kabataan, halina’t ating pakinggan! 🗣️✨Inaanyayahan ang lahat ng kabataan ng Barangay Majada Labas na makilahok...
27/12/2025

Tinig ng Kabataan, halina’t ating pakinggan! 🗣️✨

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan ng Barangay Majada Labas na makilahok sa Katipunan ng Kabataan 2025, kung saan mabibigyan ng boses ang bawat isa at mapapakinggan ang mga panukala at usaping mahalaga para sa ating komunidad.

Bukod sa pakikilahok, magkakaroon din ng pagkakataon na manalo ng mga exciting raffle prizes. Sama-sama nating palakasin ang pagkakaisa at bumuo ng isang mas aktibo, responsable, at progresibong komunidad para sa kabataan.



Address

Majada Out, Calamba City
Laguna
4027

Telephone

+639914798552

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Majada - Labas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan ng Majada - Labas:

Shortcuts

Share