30/10/2026
Alhamdulillah sa Resulta ng Bangsamoro’s first elected Parliament inaugural session and sa pag elect ng mga bagong leader.
Mabrouk sa lahat ng nanalo, gayundin sa mga nasa minority at majority . Nawa’y patuloy kayong gabayan ni Allah tungo sa pagkakaisa upang higit ninyong magampanan ang inyong tungkulin bilang mga kasapi ng Parliament.
Nawa’y gampanan nila nang buong husay ang kani-kaniyang tungkulin, Igalang ang desisyon ng bawat isa, sapagkat ito ay para sa ikabubuti ng kanilang nasasakupan.
Nawa’y maging matalino sila sa estratehiya at gamitin ito para sa kapakanan ng mamamayan; magtaguyod ng pagkakaisa at suporta sa isa’t isa.
Ang politika ay isang paligsahan ng talino at estratehiya, ngunit higit sa lahat, ito ay tungkulin ng paglilingkod. Good luck sa lahat ng Members of Parliament — nawa’y patuloy kayong gabayan ni Allah at magtulungan para sa ikabubuti ng Bangsamoro.