29/10/2026
𝐌𝐠𝐚 𝐞𝐥𝐞𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬 𝐨𝐟 𝐏𝐚𝐫𝐥𝐢𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨, 𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐮𝐩𝐨, 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟑𝟎, 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝟕 𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐞𝐫𝐢𝐨𝐝
Pormal nang manunungkulan, bukas, October 30 ang walumpong Members of Parliament ng Bangsamoro kung saan isasagawa ang inaugural session at paghalal ng Chief Minister at Speaker.
Ating kilalanin ang mga elected Members of Parliament. Anong political parties ang kanilang kinabibilangan? At hanggang kailan sila manunungkulan?
Unahin natin ang 40 party representatives.
May 16 representatives ang Bangsamoro Federalist Party o BFP.
Kabilang dito sina Suwaib Oranon, Abdulwahid Pandita Halil, Akmad Alon Brahim, Dan Asnawie, Abunawas Lampatan Maslamama, Johari Compania Abu, Camid Usman Gandamra Jr., at Karwin Hadjula Hamjani.
Kasama rin sina Kitem Kadatuan Jr., Michael Midtimbang, Suraija Reina Sanbihi Hataman, Ma-arouph Candao, Alindatu Pagayao, Zulfikar-Ali Bayam, Jaafar Apollo Mikhail Matalam, at Junalyn Gayak-Sumlay.
Samantala, 15 naman ang party representatives ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP.
Sila sina Ahod Balawag Ebrahim, Mohagher Iqbal, Ali Solaiman, Eduard Guerra, Ibrahim Ali, Said Salendab, Mohammad Yacob, Amir Balindong, John Anthony Lim, Haber Asarul, Sha Elijah Dumama-Alba, Nordjiana Lucman Dipatuan-Ducol, Raissa Jajurie, Said Shiek, at Ali Salik.
Walo naman ang representatives ng BARMM Grand Coalition o BGC.
Kabilang dito sina Mamintal Raki-in Adiong III, Amer Zaakaria Rakim, Abdulrahman Rubbil Sangki Mangudadatu, Datu Bimbo Quesada Sinsuat, Hanie Ain Bud, Abdel Razi A***s Amin, Sittie Aisah Lucman Pansar, at Amilbahar Saddalani Mawallil.
May isa namang representative ang Raayat Democratic Party — si Jose Lorena.
Sa District Representatives
Bukod sa party representatives, may 32 elected district representatives ang Bangsamoro Parliament.
Sa Basilan, kabilang sina Rima Hasim Hassan ng BFP, Paisal Awal Sali ng UBJP, Abrar Hataman ng BFP, at Jimael Salam Datumanong Salliman ng BFP.
Sa Cotabato City, sina Sheriff Manimbayan Abas ng UBJP, Naguib Sinarimbo ng BFP, at Tomanda Antok ng BFP.
Sa Lanao del Sur, siyam ang district representatives.
Sila sina Princess Pala Amera Lanto-Gandamra, Hamza Epie Gauraki, Abdul Rauf Abedin Adiong, Lampa Indar Pandi, Arimao Asum, Hosni Macapodi, Ali-Usman Mindalano, Ahmad Amir Balindong, at Rashdi Adiong.
Anim sa kanila ang mula sa SIAP at tatlo sa UBJP.
Sa Maguindanao del Norte, kabilang sina Prince Khalid Pembayabaya Tomawis, Ibrahim Ibay, Abdulraof Macacua, Abdulnasser Maliga Abas, at Ishak Mastura.
Apat ang mula sa BFP at isa sa UBJP.
Sa Maguindanao del Sur, sina Tawakal Midtimbang ng UBJP, Sadjid Andre Sinsuat Ampatuan ng BFP, Ali Sangki ng Al Ittihad-UKB, DJ Parok Mangudadatu ng BFP, at Rafsanjani Pendatun Ali ng BFP.
Sa Special Geographic Area o SGA, sina Mansor Ebrahim at Elaysa Enalang, na kapwa mula sa UBJP.
At sa Tawi-Tawi, sina Julbert Que ng BFP, Hadjimar Matba ng Progresibong Bangsamoro Party, Rhosatina Sulayman Matolo-De Asis ng BFP, at Nur-Mahadil Ahaja ng BFP.
Sa Sectoral Representatives
May walo ring sectoral representatives sa Parliament.
Para sa settler communities, sina Yul Adelfo De Veyra Olaya at Mary Ann Arnado.
Para sa traditional leaders, si Marjanie Macasalong.
Para sa women, si Aida Silongan.
Para sa Ulama, si Muhammad Nadzir Ebil.
At para sa youth, si Sulffy Villaflores Abbas.
Lahat sila ay affiliated sa UBJP.
Samantala, sina Leticio Datuwata at Jo Genna Martin Jover ang kumakatawan sa non-Moro Indigenous Peoples, na walang nakalistang political party affiliation.
Gaano katagal manunungkulan ang mga bagong elected MPs?
Magsisimula ang kanilang termino, bukas, Oktubre 30, 2026, alas-12 ng tanghali, at magtatapos sa Hunyo 30, 2031.
Ibig sabihin, may apat na taon at walong buwan silang manunungkulan bilang unang elected Members of Parliament.
Sa panahong ito, responsibilidad nilang gumawa ng regional laws, mag-apruba ng budget, at magsagawa ng oversight sa mga programa ng Bangsamoro Government.
Sila rin ang maghahalal ng Chief Minister at Speaker, na parehong nangangailangan ng majority vote o hindi bababa sa 41 boto mula sa 80-member Parliament.
Sila ang mga kinatawang magdedesisyon sa mahahalagang batas, budget, programa, at political leadership ng Bangsamoro sa mga susunod na taon.
Pero tandaan: ang pagiging elected Member of Parliament ay hindi lamang isang posisyon. Ito ay mandato at responsibilidad sa mga mamamayang kanilang kinakatawan.
Kaya mahalagang kilalanin sila, alamin ang kanilang mga tungkulin, at subaybayan kung paano nila tutuparin ang kanilang mandato.