PIA Ilocos Norte

Call Website Contact the organization

PIA Ilocos Norte Ilocos Norte Information Center

Temporary Office: 2/F ABC Building, Brgy. 3 Laoag City, Ilocos Norte

08/10/2026
08/10/2026
TINGNAN: Tampok sa naganap na Lakbay Palay 2026 ang iba’t ibang makinaryang pang-agrikultura na maaaring makatulong sa p...
08/10/2026

TINGNAN: Tampok sa naganap na Lakbay Palay 2026 ang iba’t ibang makinaryang pang-agrikultura na maaaring makatulong sa pagpapahusay at pagpapabilis ng mga gawain sa pagsasaka nitong Huwebes, Oktubre 8, 2026 sa Brgy. Tabug, Lungsod ng Batac, Ilocos Norte, sa pangunguna ng Department of Agriculture–Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice).

Ipinakilala sa aktibidad ang iba’t ibang makinarya, teknolohiya, at kagamitang pang-agrikultura, gayundin ang mga produkto at inobasyong binuo ng farmer cooperatives at associations.

Sa pamamagitan ng Tekno Klinik, nagkaroon ang mga magsasaka ng pagkakataong makita at malaman ang gamit ng mga makinarya at teknolohiyang maaaring makatulong upang maging mas episyente, produktibo, at moderno ang kanilang pagsasaka.

08/10/2026

MAKABAGONG AGRIKULTURA, TAMPOK SA LAKBAY PALAY 2026

Binigyang-diin ni Joshua Garcia Vergara, kasapi ng 4-H Club mula sa San Carlos City, Pangasinan, ang mahalagang papel ng makabagong teknolohiya at inobasyon sa sektor ng agrikultura sa kaniyang pagdalo sa Lakbay Palay 2026 nitong Huwebes, Oktubre 8.

Ayon kay Vergara, malaking tulong ang Department of Agriculture (DA) at ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa mga kabataan at magsasaka patungkol sa mga makabagong paran at hindi lamang sa tradisyunal na pagsasaka.

Isa sa mga teknolohiyang pumukaw sa kaniyang interes ay ang vermicomposting sa Palayamanan. Ipinakita nito na ang mga residue o mga bagay na akalang patapon na sa sakahan ay maaari pang pakinabangan at gamiting muli upang mapangalagaan ang kapaligiran.

Pinunto rin niya na sa kabila ng pagkahumaling ng karamihan sa social media ngayon, isang malaking hamon para sa mga kabataan ang ma-engage sa agrikultura, linangin ang sariling lupa, at pahalagahan ang sakripisyo ng mga lokal na magsasaka.

✍🏻Z. Paguyo



  sa ilang bahagi ng Ilocos Norte bukas, Oct.9, 2026, mula 5:00AM - 10:00AM, dahil sa isasagawang operasyon ng National ...
08/10/2026

sa ilang bahagi ng Ilocos Norte bukas, Oct.9, 2026, mula 5:00AM - 10:00AM, dahil sa isasagawang operasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Narito ang mga detalye ⬇

08/10/2026

WATCH: The Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Batac, in collaboration with local leaders and agricultural officers, hosted the 2026 Lakbay Palay at Barangay Tabug, Batac City, Ilocos Norte, on October 08, 2026.

The initiative united farmers from various parts of the Ilocos Region to explore live field demonstrations, showcase trials, and technical discussions, granting participants direct access to modern agricultural solutions, best practices in nutrient and seed management, and expert guidance aimed at boosting crop yields.

The government continues to empower local agricultural communities through shared knowledge, cutting-edge farm machinery, and high-yielding rice varieties toward a more productive and resilient farming sector.

✍🏻Z. Paguyo



𝐋𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐂 𝐂𝐈𝐓𝐘Isinagawa ang Lakbay Palay Wet Season 2026 ng Department of Agriculture–Philip...
08/10/2026

𝐋𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐂 𝐂𝐈𝐓𝐘

Isinagawa ang Lakbay Palay Wet Season 2026 ng Department of Agriculture–Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice), ngayong Huwebes, Oktubre 8, 2026 sa Brgy. Tabug sa lungsod ng Batac, Ilocos Norte.

Pinangunahan ito ni Director I Mary Ann U. Baradi ng PhilRice Batac Station at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba pang tanggapan ng gobyerno, mga science researchers specialists, gayundin ng mga adult at youth farmers mula sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos Region.

Sa temang, "PhilRice’s Best: Handa Laban sa El Niño,” tampok sa aktibidad ang field tour, exhibits, Tekno Klinik, at plenary sessions na nagpakilala ng mga teknolohiya, makinarya, at mga programang makatutulong sa mga magsasaka sa pagharap sa El Niño, climate variability, at water-related risks.

Tinalakay rin ang mga karanasan at hamon ng mga magsasaka sa pamamagitan ng Testimonials at PalayTalakayan, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng teknolohiya at kahandaan para sa mas produktibo, matatag at sustenableng rice sector.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga magsasaka sa pagharap sa El Niño at iba pang climate-related challenges sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya at angkop na farming practices.

08/10/2026
07/10/2026

𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐕𝐎𝐈𝐂𝐄𝐒 𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐓𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐍 𝐒𝐓𝐀𝐓 𝐒𝐏𝐄𝐀𝐊𝐒 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐄𝐓𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍

The Stat Speaks Competition was one of the highlights during the opening of the 37th National Statistics Month celebration in Laoag City, Ilocos Norte on Oct. 5.

Student participants transformed statistics into meaningful stories on the future of Philippine tourism, anchored on the theme, “Tuklas Pilipinas: Statistics as Beacon Towards Inclusive, Resilient, and Sustainable Tourism."

The competition featured how data can go beyond numbers and become a powerful tool for understanding communities, preserving cultural heritage, strengthening resilience, and advancing inclusive growth.

More than a contest, Stat Speaks provided a platform for the youth to demonstrate how evidence-based insights can help shape better decisions and more sustainable tourism development.

🎥✍C. Acosta

Address

Laoag City
2900

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63777705166

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PIA Ilocos Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PIA Ilocos Norte:

Shortcuts

Share