Las Piñeros For Leni 2028

Website

Las Piñeros For Leni 2028 Sa Gobyernong Tapat, Las Piñeros, ANGAT!

The official page of Las Piñeros for Leni.

The page aims to support the Presidency of VP Leni Robredo, the Vice Presidency of Senator Kiko Pangilinan, and the entire TRoPang Angat slate.




Abiso Las Piñeros!
02/11/2026

Abiso Las Piñeros!

PUBLIC ADVISORY:

STRICT IMPLEMENTATION OF FRIENDSHIP STICKER REQUIREMENTS

DATE OF EFFECTIVITY: NOVEMBER 1, 2026

BFRVTHAI will strictly implement the Friendship Sticker requirements under Las Piñas City Ordinance No. 715-06, Series of 2006.

All motorists using Friendship Stickers must cooperate with security personnel by presenting valid identification showing proof of Las Piñas residency.

Motorists coming from City of Bacoor through Gates 10 and 11 who cannot present proof of residency will be directed to use River Drive toward either Zapote or Marcos Alvarez.

The same verification procedure will apply at all other BFRV gates. Motorists seeking entry using Friendship Stickers who cannot present proof of Las Piñas residency will be denied entry into BFRV.

Thank you for your cooperation in keeping our community safe and secure.

FOR STRICT COMPLIANCE.

BFRVTHAI Management

30/10/2026
20/10/2026

Another case of China's threats and intimidation.

Diplomasyang idinadaan sa garapalang pagbabanta.

They are so pathetic in asserting their baseless claims in the WPS that they resort to harassment and hostile acts.

If that list pertains to those who refuse to kowtow to their lies and propaganda, then I will be honored and proud to be on the list. Wala akong balak magpatanggal ng pangalan sa listahan ng mga naninindigan para sa ating soberanya at pambansang dangal.

Tutal may palista-lista pa silang nalalaman, baka gusto nilang ilabas na rin yung listahan naman ng mga tahimik lang sa panggigipit nila, mga sunud-sunuran at mga tagapagtanggol nila?

📸 INQUIRER.net

20/10/2026

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐇𝐈𝐌𝐈𝐊 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍!

Bilang isa sa mga lumagda sa magkasanib na pahayag ng mga mambabatas, naninindigan ako sa ating panawagan: dapat igalang ang soberanya ng Pilipinas at ang dignidad ng bawat Pilipino.

Ang iniulat na tugon ng Chinese Embassy na “You are now on the list” ay hindi katanggap-tanggap na paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga halal na kinatawan ng sambayanang Pilipino. Nararapat itong linawin ng Embahada. Ang ganitong pananalita ay nagpapalala ng tensiyon at maaaring ituring na pagtatangkang manakot at magpatahimik.

Kung ang pagtatanggol sa ating bansa ang dahilan upang mapabilang sa kanilang listahan, hindi ko ikahihiya ang aking paninindigan. Ang pananagutan ko ay sa mamamayang Pilipino. Walang banta o listahan ang makapagpapabago niyan.

Nakikiisa ako sa aking mga kasamahan sa Kongreso at nananawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa Department of Foreign Affairs na matatag na tugunan ang usaping ito, hingin ang opisyal na paliwanag ng Chinese Embassy, at seryosong isaalang-alang ang ating panawagan kaugnay ng pagpapatalsik kay Ambassador Jing Quan.

Bukas tayo sa mapayapang pag-uusap at makabuluhang pakikipagkaibigan sa China. Ngunit ang anumang ugnayan ay dapat nakabatay sa paggalang sa ating kalayaan, mga karapatan, at pambansang interes. Ang pagtutol natin sa pananakot ay hindi pagkapoot sa mamamayang Tsino.

Hindi tayo naghahanap ng gulo. Ipinaglalaban natin ang karapatan ng Pilipinas na mamuhay nang malaya, ligtas, at may dignidad.

Pilipinas ang ating bayan. Pilipino ang ating pinaglilingkuran. At para sa Pilipinas, hindi tayo magpapasindak.

Hindi tayo pasisiil! Salamat sa tapang at paninindigan Congressman Mark Anthony Santos 🇵🇭
20/10/2026

Hindi tayo pasisiil!
Salamat sa tapang at paninindigan Congressman Mark Anthony Santos 🇵🇭

19/10/2026

𝐞𝐍𝐎𝐓𝐀𝐑𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐈𝐒 𝐍𝐎𝐖 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋𝐋𝐘 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋!

Starting today, October 19, 2026, you can have your electronic documents notarized with just a click—making notarization more convenient, accessible, and hassle-free.

You may avail of eNotarization by registering with the first batch of 𝐒𝐂-𝐀𝐜𝐜𝐫𝐞𝐝𝐢𝐭𝐞𝐝 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐨𝐧𝐢𝐜 𝐍𝐨𝐭𝐚𝐫𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐚𝐜𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 (𝐄𝐍𝐅𝐬)—𝐓𝐰𝐚𝐥𝐚, 𝐐𝐋𝐞𝐠𝐚𝐥, and 𝐍𝐨𝐭𝐚𝐫𝐢𝐳𝐞𝐈𝐓. Registration portals of the ENFs may be accessed at https://sc.judiciary.gov.ph/enotarization/registration-portal/.

After registration, you may choose the 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐨𝐧𝐢𝐜 𝐍𝐨𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 (𝐄𝐍𝐏) from the list of the Commissioned ENPs posted at https://sc.judiciary.gov.ph/enotarization/commissioned-enps/.

For the instructional videos on how to use the ENFs, you may visit https://sc.judiciary.gov.ph/enotarization/enfs-instructional-videos/.

For queries or concerns, you may send them via the Electronic Notary Services Helpdesk Form through this link https://tinyurl.com/mpu5tzzv.

19/10/2026

𝗦𝗼𝗯𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝘀𝗶 𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗺𝗼𝘁, 𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗹𝘂𝗸𝘁𝗼𝘁. Kahit anong pagtitipid, kulang pa rin ang sahod para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng marami nating kababayan.

𝗠𝗮𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗶𝗹𝗶 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘂𝘂𝗻𝗮𝗵𝗶𝗻: pagkain sa hapag, baon ng mga anak, pamasahe, kuryente, tubig, o mga bayaring hindi na puwedeng ipagpaliban. Araw-araw silang nagsisikap at nagtatrabaho, pero sa kabila ng lahat ng pagod at sakripisyo, kulang pa rin ang naiuuwi nilang sahod para sa pamilya.

Kaya mahalagang kumilos na ang pamahalaan upang mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin, magkaroon ng mas maraming maayos at regular na trabaho, at matiyak na sapat ang sahod ng ating mga manggagawa para buhayin ang kanilang pamilya.

𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗮𝗿𝗮𝘄-𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗺𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗶𝘁𝗮𝘁𝗮𝘄𝗶𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝗮𝗿𝗮𝘄-𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻. Ang hangarin natin ay isang Pilipinas kung saan ang bawat nagtatrabaho ay may sapat na kita para matugunan ang pangangailangan ng pamilya at mamuhay nang matiwasay. ❤️🔥🇵🇭

Ngayong araw, nakibahagi tayo sa Liberals Assembly ng Liberal Party of the Philippines at ML Partylist. Tinalakay sa pag...
18/10/2026

Ngayong araw, nakibahagi tayo sa Liberals Assembly ng Liberal Party of the Philippines at ML Partylist. Tinalakay sa pagtitipon ang iba’t ibang isyung kinakaharap ng ating bansa, lalo na ang mga sektor na kinakatawan ng Mamayang Liberal (ML). Naging pagkakataon din ito upang pag-usapan ang direksyon ng Partido at kung paano pa mapapalawak ang mga sektor na ating paglilingkuran.

Sa ating lungsod, abangan po ang mga sectoral consultation na gaganapin sa mga susunod na araw, gayundin ang orientation at oath-taking ng mga bagong kasapi ng Partido Liberal.

Ikaw ba ay bahagi ng isang sektor, tulad ng PWDs, senior citizens, at iba pa, at nais mong maging bahagi ng ML Partylist at ng Partido Liberal? Bukas ang ating kilusan sa mga nagnanais makiisa, makilahok, at maging bahagi ng makabuluhang pagbabago para sa ating mga komunidad.

Abangan ang mga susunod na anunsyo at samahan kami sa pagsusulong ng isang mas makatao, makatarungan, at inklusibong lipunan!

Laban Liberal! 👆🏻🎗️🌸

18/10/2026

Address

Las Piñas

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Las Piñeros For Leni 2028 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share