Councilor Iris Joyce Agojo

Councilor Iris Joyce Agojo

Delen

Kayo po ang aking #1 na Inspirasyon,
Kaya’t patuloy akong Aaksyon! Para sa Kabataan, Mamamayan at Bayan 💜🤙🏻

Photos from Councilor Iris Joyce Agojo's post 07/06/2026

Today, we celebrate not only your 1st Birthday but also God's love and blessings in your life. May you grow surrounded by faith, joy, kindness, and endless love from our family and loved ones. 💙💙💙

Happy 1st Birthday & Welcome to the Christian World, Lucas Angelo B. Jimenez!

Love,
Tito Ninong AJ & Tita Ninang Iris

Photos from Councilor Iris Joyce Agojo's post 03/06/2026

June 3, 2026

Dumalo tayo sa Regular Session ng Sangguniang Bayan kung saan tinalakay sa Ikalawang Pagbasa ang mga panukalang ordinansa na naglalayong mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng ating mga mamamayan. Kabilang dito ang mga ordinansang may kaugnayan sa pagsusulong ng drug-free workplace, pagbabawal sa pag-inom ng alak at iba pang nakalalasing na inumin sa mga pampublikong lugar, pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad, at pagbabawal sa pagiging topless o kalahating hubad sa mga pampublikong lugar sa ating bayan.

Tinalakay rin ang Committee Report ng Committee on Ordinances and Legal Matters kaugnay ng kahilingan para sa isang resolusyon na magbibigay ng kapangyarihan sa ating Punong Bayan, Hon. Lyndon M. Bruce, upang maisagawa at malagdaan ang mga kinakailangang legal na dokumento para sa Deed of Donation ng nakalaang lupa para sa itatayong Multi-Purpose Gymnasium at Road Right of Way sa Barangay Molinete.

Matapos ang sesyon ay nagsagawa rin ng Joint Committee Meeting upang higit pang mapag-aralan at mapag-usapan ang iba pang mahahalagang usapin na makatutulong sa pag-unlad ng ating bayan.

Sa kabila ng mga gawain sa pamahalaan, naglaan din tayo ng oras upang makiramay sa pamilya ng yumao sa Sitio Lubluban at Brgy. Balakilong. Nakibahagi rin tayo sa pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ni Inay Nene sa Sitio Daang Balayan at sa unang kaarawan ni Ryle Dyawne sa Brgy. Poblacion 5.

Bumisita rin tayo at nakipag kamustahan sa ating kababayang may karamdaman.

02/06/2026
01/06/2026

STAY SAFE & ALERT, EVERYONE! 🌧

Naglabas ng Thunderstorm Advisory ang PAGASA kung saan inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Bulacan, Zambales, at Bataan sa loob ng susunod na dalawang oras.

Mas mabigat na buhos ng ulan ang nararanasan na rin sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Quezon, at Rizal. Sa Batangas, apektado ang Nasugbu, Laurel, Calaca, Lemery, Taysan, at Lobo. | BChannel News

Photos from Councilor Iris Joyce Agojo's post 30/05/2026

Narito ang ilan sa mga naging gawain natin noong Mayo 29, mula sa pagbisita at pag-abot ng tulong sa ating kababayang nasunugan, pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-66 na kaarawan ni Tatay Selying, pakikiramay sa mga naulilang pamilya sa As-is at Balakilong, pagdalo sa awarding ceremony ng basketball tournament sa Brgy. Buso-Buso, hanggang sa pakikiisa sa pag-iisang dibdib nina Caren at Joshua.

Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala at pagkakataong makasama kayo sa mahahalagang sandali ng inyong buhay. Ang bawat pagbisita, pakikiisa, at paglilingkod ay bahagi ng ating hangarin na maging mas malapit sa ating mga kababayan at patuloy na makapaghatid ng serbisyong may malasakit. 💜🤍💚

Photos from Councilor Iris Joyce Agojo's post 30/05/2026

Another semester completed with my amazing students. Thank you for the hard work, growth, and memories we shared. Proud of you all! 🤍

25/05/2026

The search begins for individuals, organizations, and businesses who embody Success, Integrity, Credibility, and Reputation.

Philippines Choice Awards 2026 proudly opens its doors to honor outstanding Filipinos who inspire hope, create impact, and set the standard of excellence in their respective fields.

Nomination Process:
1️⃣ Submit your nomination via Google Form (official entry for voting)
2️⃣ Provide your programs, projects, or advocacy
3️⃣ Qualified nominees will undergo a video interview

📩 Submit your nominations now and be part of a prestigious celebration of excellence!

Voting System (Engagement-Based)
👍 Like = 1 Vote
🔁 Share = 2 Votes

Theme: “Inspiring Hope Through Success, Integrity, and Credibility.”

Nomination form
https://forms.gle/p6oSfUT9w1L9AbM6A





Photos from Councilor Iris Joyce Agojo's post 21/05/2026

Pormal nang sinimulan ngayong araw ang pamamahagi ng Basic Learning Materials para sa ating mga mag-aaral alinsunod sa Municipal Ordinance No. 10, Series of 2025.

Kasama sina Mayor Lyndon Bruce, Vice Mayor Brandon Bruce, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa patuloy na pagsuporta sa edukasyon at kapakanan ng kabataan ng ating bayan.

Layunin ng programang ito na matiyak na may sapat na pangunahing gamit sa pag-aaral ang bawat estudyante upang makatulong sa kanilang pagkatuto at paghahanda para sa bagong pasukan. Naniniwala tayo na ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang pundasyon tungo sa mas maunlad na kinabukasan.

Patuloy po nating suportahan ang mga programang nagbibigay halaga sa edukasyon at kinabukasan ng bawat batang Laureleño. 💜💚🤍

Photos from Councilor Iris Joyce Agojo's post 19/05/2026

Isang makabuluhan at masayang araw po ang ating naging pagdalo sa ginanap na 5th Regular Session ng PCL Batangas Federation dito sa Bayan ng Laurel sa pangunguna ni Board Member Kaye Briones, kasama ang ating mga kapwa lingkod-bayan at mga miyembro mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas.

Nagpapasalamat po tayo sa pagkakataong maging bahagi ng isang pagpupulong na naglalayong mas mapalakas pa ang serbisyo publiko at pagkakaisa ng mga lokal na opisyal para sa ikauunlad ng ating mga bayan.

Kasabay rin nito ang masayang pagdiriwang ng kapistahan sa Brgy. Bugaan West bilang pagpupugay kay San Isidro Labrador. Maraming salamat po sa lahat ng mga kaanak, kaibigan, at kababayan na bumisita at nakisaya sa aming tahanan. Ang inyong pagdalo at pakikiisa ay tunay na nagbibigay saya at inspirasyon sa aming pamilya. Viva San Isidro Labrador! 🙏✨

Nakiisa rin tayo sa ginanap na Binibining Bugaan 2026 kung saan tayo ay nagkaroon ng pagkakataong makapagbigay ng mensahe para sa ating mga kabataan at kababaihan. Isa rin pong karangalan ang maging sponsor ng korona para sa mga nagsipagwaging kandidata. Tunay na kahanga-hanga ang talento, talino, at kumpiyansa ng bawat kandidata na naging bahagi ng nasabing patimpalak.

Noong Lunes naman ay muli tayong dumalo sa regular session ng Sangguniang Bayan kung saan tayo ay nag-ulat ng mga bagay at usaping nairefer sa ating komite bilang bahagi ng ating responsibilidad sa patuloy na pagseserbisyo sa ating bayan.

Matapos nito ay bumisita rin tayo sa ginagawang Bayanihan sa Sitio Salipit kasama sina Vice Mayor Brandon Bruce at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Nakakatuwang makita ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa para sa kapakanan ng bayan. Ang ganitong diwa ng bayanihan ay patunay na mas marami tayong magagawa kapag sama-sama tayong kumikilos para sa ikabubuti ng ating bayan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, pagmamahal, at tiwala. Patuloy po tayong magseserbisyo nang may malasakit, sipag, at puso para sa bawat Laureleño. 🤍💜💚

16/05/2026

Overthinking steals peace and adds fear. Instead of carrying everything alone, bring it to God in prayer. Trust that He is already in control and able to carry what’s heavy on your heart.

Happy and Blessed Sunday! 🫶🏻✨

Wilt u dat uw bedrijf hét hoogst genoteerde Overheidsdienst in Philippine wordt?

Klik hier om uitgelicht te worden.

Plaats

Website

Adres


Philippine