Regional Mobile Force Battalion 5

Regional Mobile Force Battalion 5

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Regional Mobile Force Battalion 5, Government Organization, CAMP BGEN SIMEON A OLA, Legazpi.

11/04/2026

Kaparusahan sa Pagbebenta ng Pekeng Gamot

Sa ilalim ng Republic Act No. 8203 (Special Law on Counterfeit Drugs):

🔴 Pagkakakulong: mula 6 na buwan at 1 araw hanggang 10 taon
🔴 Multa: mula ₱100,000 hanggang ₱500,000


11/04/2026
11/04/2026

4 TIMBOG SA CATANDUANES; 792 LITRO NG GASOLINA NAKUMPISKA SA ENTRAPMENT OPERATION NG PRO 5

Apat na indibidwal ang naaresto habang tinatayang nasa 792 litro ng gasolina ang nasamsam sa magkahiwalay na entrapment operations laban sa ilegal na pagbebenta ng gasolina na isinagawa ng Police Regional Office 5 (PRO 5) nitong Abril 10, 2026 sa probinsya ng Catanduanes.

Sa bayan ng Viga, dakong alas-8:16 ng umaga, naaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Ana” at “Ed” sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit (PIU) bilang lead unit at Viga MPS. Nakumpiska sa naturang operasyon ang humigit-kumulang 642 litro ng petroleum products na may kabuuang halagang Php 53,286.00.

Samantala, dakong alas-10:35 ng umaga, dalawa pang indibidwal ang naaresto sa bayan ng Caramoran sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PIU bilang lead unit, Caramoran MPS, at Bureau of Fire Protection Caramoran.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang plastic bottle na naglalaman ng humigit-kumulang 3.75 litro ng gasolina na ginamit bilang object of sale na may halagang Php 500.00; tatlong bote na may tig-3 litro ng gasolina; isang drum container na naglalaman ng humigit-kumulang 70 litro ng gasolina; at limang galon na naglalaman ng tinatayang tig-4 litro ng gasolina. Sa kabuuan, umabot sa humigit-kumulang 150 litro ng gasolina ang nakumpiska na may kabuuang halagang Php 16,500.00.

Lahat ng naarestong indibidwal ay ipinaalam ang kanilang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine sa wikang kanilang naiintindihan. Sila ay dinala sa himpilan ng pulisya kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1865 o ang ilegal na pagbebenta ng gasolina.

Ayon kay PBGEN Erosito N Miranda, Regional Director, PRO 5, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na pagbabantay ng kapulisan laban sa mga ilegal na gawain na maaaring magdulot ng panganib sa publiko.

“Ang ilegal na pagbebenta at hindi wastong pag-iimbak ng gasolina ay hindi lamang nagdudulot ng seryosong banta sa kaligtasan ng ating mga komunidad, kundi nagkakaroon din ng negatibong epekto sa lokal na ekonomiya, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon upang masugpo ang ganitong uri ng ilegal na aktibidad at mapanagot ang mga lumalabag sa batas,” ayon kay PBGEN Miranda.

Dagdag pa niya, mahalaga ang pakikipagtulungan ng publiko sa pagbibigay ng impormasyon upang agad na matugunan ang mga ganitong uri ng paglabag.

Muling tiniyak ng PRO 5 ang kanilang patuloy na pagsasagawa ng intelligence-driven at law enforcement operations sa ilalim ng PNP Focused Agenda, upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan sa rehiyon.





Philippine National Police
Camarines Norte Police Provincial Office - Pulis Bantayog
Camarines Sur Police Provincial Office - The Home of Kaogma Cops
Albay Police Provincial Office
Catanduanes Police Provincial Office
Naga City Police Office
Masbate Police Provincial Office
Sorsogon Ppo

11/04/2026

CTG MEMBER NAGBALIK-LOOB SA SORSOGON, BARIL AT BALA ISINUKO

Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos ang higit dalawang dekadang pagkakasangkot sa rebeldeng samahan.

Ang pagsuko ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pinagsanib na operasyon ng mga tauhan ng Magallanes MPS ng Sorsogon Police Provincial Office, katuwang ang C**T 2 Intelligence Platoon ng 22nd Infantry Battalion, 9th Infantry Division ng Philippine Army. Naging matagumpay ang boluntaryong pagsuko ng nasabing indibidwal sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na negosasyon at pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad.

Nakilala ang rebel returnee sa alyas na “John.” Ayon sa kanyang pahayag, siya ay na-recruit ng isang indibidwal na kilala sa alyas na “Ka Leo” noong Marso 2000 at sumailalim sa ideolohikal at militar na pagsasanay na isinagawa ng mga miyembro ng CTG sa Magallanes, Sorsogon. Nagsilbi rin siya bilang Vice Team Leader ng SPL ng KSSI sa ilalim ng KLG 2 mula Marso 2000 hanggang Abril 2003.

Kasabay ng kanyang pagsuko, isinuko rin niya ang isang caliber .38 revolver na walang serial number at tatlong (3) bala ng nasabing baril.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Magallanes MPS ang nasabing indibidwal habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa kanyang aplikasyon sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) program ng pamahalaan. Samantala, ang isinukong baril ay nasa pangangalaga rin ng Magallanes MPS para sa kaukulang disposisyon, at isasailalim sa pagsusuri ng Provincial Forensic Unit sa Sorsogon City.

Ayon kay PBGEN Erosito N Miranda, Regional Director, PRO 5, ang boluntaryong pagsuko ng dating rebelde ay patunay ng patuloy na tagumpay ng whole-of-nation approach ng pamahalaan laban sa insurhensiya na nakapaloob pa rin sa PNP Focused Agenda.

“Ang pagbabalik-loob ng ating kababayan ay nagpapakita na epektibo ang ating pinaigting na kampanya kontra kriminalidad. Patuloy naming hinihikayat ang iba pang naliligaw ng landas na magbalik sa gobyerno upang makapagsimula ng panibagong buhay kasama ang kanilang pamilya,” ani Miranda.

Dagdag pa niya, mananatiling bukas ang pamahalaan sa pagtanggap at pagtulong sa mga nais magbagong-buhay, habang patuloy namang paiigtingin ang operasyon laban sa mga grupong patuloy na lumalabag sa batas.





Philippine National Police
Camarines Norte Police Provincial Office - Pulis Bantayog
Camarines Sur Police Provincial Office - The Home of Kaogma Cops
Albay Police Provincial Office
Catanduanes Police Provincial Office
Naga City Police Office
Sorsogon Ppo
Masbate Police Provincial Office

11/04/2026

Mag-ingat sa pagbili ng pekeng gamot!

Ang paggamit ng hindi rehistrado, peke, o expired na gamot ay maaaring magdulot ng malubhang panganib sa kalusugan at maaaring hindi epektibo sa paggagamot.

🔴 Bumili lamang sa lisensyadong botika at awtorisadong tindahan
🔴 Siguraduhing may rehistrasyon mula sa FDA ang gamot
🔴 Iwasan ang pagbili sa online sellers na hindi mapagkakatiwalaan
🔴 Suriin ang label, expiration date, at packaging ng produkto

📢 Tandaan: Ang murang gamot ay hindi laging ligtas. Ang iyong kalusugan ay hindi dapat isugal.

Kung may duda, huwag gamitin at agad i-report sa kinauukulan.


11/04/2026

On April 11, 2026, RMFB 5 intensifies police presence at the Daraga Albay.


11/04/2026

On April 11, 2026, RMFB 5 intensifies police presence at the Legazpi City


11/04/2026

On April 11, 2026, RMFB 5 intensifies police presence at the entrance/exit of Bicol International Airport.


11/04/2026

On April 11, 2026, RMFB 5 intensifies police presence along the coastal areas of Legazpi City, Albay as part of Ligtas SUMVAC 2026.


11/04/2026

On April 11, 2026, RMFB 5 intensifies police presence through bicycle patrol in Legazpi City and Daraga, Albay.


10/04/2026

IWAS BUDOL

1. Huwag magdala ng malaking halaga ng pera.
2. Iwasang magsuot ng mamahaling alahas na mainit sa mata ng katawan.
3. Iwasan makipag-usap sa hindi kakilala.
4. Huwag tatangap ng kahit ano mula sa estranghero.


10/04/2026

ANTI-KIDNAPPING

1.Avoid routines-Change travelling route and regular schedule.
2.Never open the front door or gate unless you know who knocking or who wants to enter
3.Make friends with your neighbors
4.Secure your home, properly by locking doors, windows, and installing safety devices if possible.
Keep emergency contact numbers accessible at all times.
5.Avoid walking alone in isolated or poorly lit areas.
6.If you feel threatened, attract attention immediately by shouting or seeking help.
7.Be cautious when talking to stranger


Want your business to be the top-listed Government Service in Legazpi?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Culinary Team

Attire

Address

CAMP BGEN SIMEON A OLA
Legazpi
4500