04/09/2026
๐ Puhunan para sa Bagong Pagkakataon: 20 Benepisyaryo ng 4Ps sa Brgy. Cumba, Lian, Nakatanggap ng โฑ400,000 na Suporta para sa Cattle Farming
Isang panibagong hakbang tungo sa mas matatag na kabuhayan ang nasaksihan ngayong September 4, 2026, matapos makatanggap ng โฑ400,000 na puhunan ang 20 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Barangay Cumba, Lian, Batangas para sa kanilang Cattle Farming Project sa ilalim ng Dream Builders SLP Association.
Ang livelihood assistance ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD, bilang bahagi ng mga programang naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga pamilya na magkaroon ng mas matatag at pangmatagalang pagkakakitaan.
Pinangunahan ang aktibidad nina DSWD SLP Provincial Coordinator Mr. Alvin Libao, PDO II-SLP Mr. John Jacob Amil, at LGU-SLP Focal Person Princess Dimapilis, kasama si PDO IIโMunicipal Link Christian Cabrera.
Malugod namang pinaunlakan ng Tanggapan ng Punong Bayan ng Lian ang awarding ng Seed Capital Fund (SCF), sa pamamagitan ni Mr. Elizaldy Lainez, Assistant to the Municipal Mayor.
Ang Dream Builders SLP Association ay isa sa mga organisadong samahan sa bayan ng Lian na patuloy na nakatatanggap ng suporta at intervention mula sa pamahalaan upang mapalakas ang kanilang kabuhayan at kakayahang pang-ekonomiya.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Batangas SLP Provincial Coordinator Mr. Alvin Libao ang mga miyembro ng samahan na gamitin nang wasto ang ipinagkaloob na puhunan at patuloy na magtulungan.
โPaghusayan ninyo at palaguin ang inyong association, at higit sa lahat, tulungan ninyo ang inyong mga sarili.โ
Ang Sustainable Livelihood Program ay isa sa mga mahahalagang intervention ng DSWD na nagbibigay ng pagkakataon sa mga benepisyaryo na mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng skills development, livelihood assistance, at pag-oorganisa ng mga samahan.
Para sa mga benepisyaryo ng 4Ps, ang ganitong uri ng suporta ay hindi lamang dagdag na puhunan ito ay pagkakataong makapagsimula, makapagpalago ng kabuhayan, at sama-samang makapagbuo ng mas matatag na kinabukasan.
๐ Mula sa tulong tungo sa kakayahan. Mula sa puhunan tungo sa pangarap.