06/07/2026
GOOD NEWS, Lianeños!
Mayroon na namang mas maraming pagkakataon para makapagparehistro sa National ID!
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Batangas, extended ang National ID Caravan sa Lian. Magpapatuloy ang pagbibigay ng National ID services tuwing Lunes, mula July hanggang September 2026.
Venue:
2nd Floor, Old Conference Room, Lian Municipal Hall
Oras:
9:00 AM - 4:00 PM
Schedule:
Tuwing Lunes hanggang September 2026
Available services:
• National ID (PhilSys) Registration
• Pagi-issue ng e-PhilID (paper o digital version)
Paalala: Hindi kabilang sa mga serbisyong ito ang updating o pagbabago ng impormasyon sa National ID.
Sino ang maaaring magparehistro?
• Lahat ng Filipino citizens, anumang edad
• Para sa batang edad 1-4, demographic information at litrato lamang muna ang kukunin.
• Full biometrics (fingerprints at iris scan) ay kukunin kapag 5 taong gulang na.
• Walang expiry ang National ID, maliban kung may kailangang i-update.
Mga kailangang dokumento:
Primary documents (kahit isa lamang):
• Valid Philippine Passport
• Valid UMID (SSS/GSIS)
• Valid Driver's License
• PSA Birth Certificate kasama ang isang valid government ID na may pangalan, litrato, at pirma o thumbmark
Kung walang primary document, maaaring magdala ng secondary documents tulad ng:
• PSA o Local Civil Registry Birth Certificate
• Certificate of Foundling
• Senior Citizen ID, PWD ID, Solo Parent ID, 4Ps ID, Employee ID, School ID, Barangay ID, at iba pang valid IDs na may litrato, buong pangalan, petsa ng kapanganakan, pirma o thumbmark, at address
Iba pang paalala:
• Para sa mga matagal nang registered ngunit wala pang natatanggap na National ID, e-PhilID o paper ID lamang ang maaaring maibigay.
• Para sa nawala o hindi na mabasang National ID, maaaring mag-request ng e-PhilID, subject sa system availability.
Samantalahin ang pinalawig na National ID Caravan. Magparehistro na at kunin ang inyong National ID nang mas malapit at mas maginhawa dito sa Lian.