12/09/2026
๐ฑ ๐ช๐โ๐ฅ๐ ๐๐๐๐, ๐๐ฎ๐ฌ๐! ๐ฑ
After so many months of being inactive, nakakatuwang makabalik ulit ang Kinaragan Youth Association sa mga gawaing para sa kabataan. At mas masaya dahil ang pagbabalik na ito ay nagsimula sa isang makabuluhang pagkakataon na makinig, matuto, makibahagi, at muling dalhin ang boses ng kabataan ng Kinaragan. โค๏ธโ
Noong September 11, 2026, nakiisa ang Kinaragan Youth Association sa Root of Peace: Limay Youth Summit 2026, na inorganisa ng LAYA Inc. sa Limay Sports Complex.
Kinatawan ang KaYA nina President John Rick Cunanan, Treasurer Mary Rose Villare, at Board Member Regie Caรฑeso. Sinamahan din kami ni Ms. Kervy Lyn Naco, kabataan mula sa Barangay Duale.
Dumalo rin sa nasabing summit sina Ms. Jhaira Ocampo, LYDC Officer, Konsi Manny Ambrocio , Ms. Elaine Mercado , at Ms. Iszhi Patac of PGSO Limay, kasama ang iba pang youth leaders, representatives, at advocates mula sa ibaโt ibang sektor at komunidad sa Limay.
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng summit ang pagkakataong marinig ang mga talakayan tungkol sa kalagayan, partisipasyon, at papel ng kabataan sa ating komunidad.
Nagbahagi si Hon. Ivan Ricafrente, Municipal Councilor of Mariveles, bilang resource speaker sa paksang โFrom Participation to Policy: Strengthening Youth Leadership in Local Governance.โ Binigyang-diin dito kung paano maaaring umangat ang partisipasyon ng kabataan mula sa simpleng pakikilahok tungo sa aktwal na pagbuo at pagsusulong ng mga polisiya para sa komunidad.
Tinalakay naman ni Mr. Enrique Beren, Secretary General of Young Bean Network, ang State of the Youth of Limay, na nagbigay-daan upang mas mapag-usapan ang mga tunay na sitwasyon, pangangailangan, at hamon na kinakaharap ng kabataan sa bayan.
Nagbahagi rin si President Jeffrey Reyes of LAYA Inc. tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mga espasyong nagbibigay pagkakataon sa kabataan na magsalita, makinig, makipag-ugnayan, at maging mas aktibong bahagi ng kanilang komunidad.
Hindi lang ito simpleng pagtitipon. Para sa KaYA, isa rin itong paalala kung bakit tayo nagsimulaโupang maging bahagi ng mga usapin, proyekto, at desisyong may direktang epekto sa ating kapwa kabataan.
Matapos ang ilang buwang pananahimik, unti-unti tayong bumabalik. Mas handang makinig, mas handang matuto, at mas handang kumilos para sa Kinaragan at sa kabataan ng Limay.
Maraming salamat sa LAYA Inc. sa pagbibigay ng espasyo para marinig ang ibaโt ibang boses ng kabataan, pati na rin sa mga speakers, guests, organizers, at youth delegates na naging bahagi ng makabuluhang summit na ito.
Balik-galaw. Balik-boses. Balik-serbisyo para sa kabataan.
๐ฑ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐ฌ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฌ๐! โโค๏ธ