21/10/2026
Nitong Martes, nagbahagi tayo ng kaalaman sa ating programang Barangay Dagdag Kaalaman (BDK) sa Barangay Plaridel, Lipa City, kung saan tinalakay ang tamang proseso ng pagsita at paghuli ng mga tanod, mga usaping may kaugnayan sa VAWC, at ang pagpapatupad ng umiiral na ordinansa laban sa maingay na tambutso.
Patuloy nating isinusulong ang kaalaman sa batas para sa isang ligtas at maayos na komunidad.