05/10/2026
๐ท PARA SA MAGBABABOY AT BUONG SWINE INDUSTRY NG LOOC: KOMPREHENSIBONG ORDINANSA, APRUBADO NA!
LOOC, ROMBLON โ Isang mahalagang hakbang para sa lokal na industriya ng baboy ang ginawa ng Bayan ng Looc matapos maaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Romblon ang Municipal Ordinance No. 017, Series of 2026.
Layunin ng ordinansa na magkaroon ng mas maayos at patas na sistema sa pagpasok, paggalaw, pagbebenta at marketing ng live swine at pork products, kasama ang mas maayos na monitoring at data management ng industriya.
Hindi lamang hog raiser ang sakop ng layunin nito. Mahalaga ang bawat player sa swine industryโmula sa magbababoy, trader at vendor, hanggang sa consumer.
Dahil sa isang maayos na industriya, walang dapat maiwan at walang dapat lamang. Kailangang maprotektahan ang kabuhayan ng magbababoy, magkaroon ng patas na oportunidad ang traders at vendors, at mapangalagaan din ang kapakanan at interes ng mga mamimili.
Sa gitna ng mababang presyo ng baboy at mataas na gastos sa produksyon, ang ordinansang ito ay naglalatag ng mga mekanismo para sa mas organisado, transparent, patas at responsableng swine industry sa Looc.
-Protektado ang producer.
-Patas ang kalakalan.
-Panatag ang consumer.
๐ Sa swine industry ng Looc, bawat player ay mahalaga.
(Ang ordinansa na ito ay isinulong ng Committee on Agriculture ng Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni SBM Jimwel Ecleo Soriano bilang Chairperson, SBM Brenda Victoriano, Vice-Chairperson, Members: SBM Michael Francisco, SBM Benjie Galindez, SBM Dianson Taytay na kung saan ay sinuportahan ng mayorya ng Sangguniang Bayan ng Looc at Aprubado ng Punong Bayan, Atty. Lisette Medina Arboleda). Basahin ang boung ordinansa, i-clink lamang ang link sa ibaba:
https://drive.google.com/drive/folders/1UCPTOVfAYZpSD5dcaPeIVXU6vd9UkJHj?usp=sharing
SEKSYON ###VIII. PAGKAKABISA
Ang Ordinansang ito ay magkakabisa sa ika-21 ng Oktubre 2026, matapos ang labinlimang (15) araw mula sa petsa ng publikasyon o paglalathala nito noong ika-5 ng Oktubre 2026, alinsunod sa mga umiiral na batas, tuntunin, at regulasyon.
!