Konsehal Aldous B. Perez

Konsehal Aldous B. Perez

Share

The Official page of Councilor Aldous Perez of the Municipality of Los Baños, Laguna. Ally of the people. Champion of good governance.

15/05/2026

Buong puso po tayong nakikisaya sa ating mga kababayan sa Barangay Anos para sa kapistahan ng kanilang patron, si San Isidro Labrador!

Nawa’y matularan nating lahat ang sipag ni San Isidro upang ang ating mga itinanim na kabutihan sa lupa ay umani ng mga biyaya sa ating buhay sa kalangitan.

Hangad po natin ang tuloy-tuloy na pagsulong ng Barangay Anos!


13/05/2026

Sa ating mga kababayan sa Barangay Maahas at mga deboto ng Mahal na Birhen ng Fatima, maligayang kapistahan po sa inyong lahat!

Patuloy ang ating pananalangin sa pamamagitan ng Mahal na Ina para sa biyaya ng Panginoon sa inyong barangay. Nawa, patuloy tayong makasulong nang magkakasama tungo sa ating mga pangarap.

Mabuhay ang Barangay Maahas!


12/05/2026

Eksaktong isang taon po ngayon, ipinagkatiwala ng ating mga kababayan ang kanilang boto sa atin noong Halalan 2025.

Hindi po tayo nakakalimot.

Hindi po tayo nakakalimot sa lahat ng mga tumaya, tumulong, at nagmahal sa atin.

Hindi po tauo nakakalimot sa ating pangakong labanan ang katiwalian at unahin ang ating bayan.

Hindi po tayo nakakalimot sa mandatong maging lingkod-bayan para sa lahat ng Los Banense anuman ang kanilang kulay, paniniwala, at pinanghahawakan.

Sa ating mga kababayan: Isang taon na ang nagdaan at walang araw na hindi ko po ipinaaalala sa aking sarili na kayo ang nagluklok sa akin sa puwestong ito kaya dapat ko itong suklian ng matapat at makataong pamamahala—upang balang araw, sa oras na isauli ko po ito sa inyo, ay taas-noo po akong makahaharap sa inyo dahil ginawa ko po nang marangal at mahusay ang trabahong iniatas n’yo sa akin.

Malayo pa, pero malayo na rin!

Patuloy ang ating pagsisikap.


11/05/2026

Thought for today: “The arc of the moral universe is long but it bends towards justice.”

May mga panahon mang tila mailap ang hustisya o mabagal ang usad nito, o ‘di kaya’y pakiramdam natin ay hindi napapanagot ang mga dapat managot, pero ipinapaalala sa atin ng batas na may nakatakdang araw para sa lahat ng ito.

Hindi magwawakas, mananaig din ang katarungan.


Photos from Konsehal Aldous B. Perez's post 11/05/2026

Dumalo at pinangunahan po ng inyong lingkod ang lingguhang pagtataas ng watawat ngayong Lunes kasama ang Pamahalaang Barangay ng Baybayin.

Sa ngalan ni Mayor Neil Nocon, Vice Mayor Marlo Alipon, mga kasamahang konsehal, at ng buong Pamahalaang Bayan ng Los Baños, nag-iwan po tayo ng mahalagang paanyaya sa mga kapuwa natin kawani ng pamahalan: Simulan natin ang linggong ito na may ngiti at pag-asa. Paglingkuran natin ang ating mga kababayan nang may dangal, husay, at malasakit.

Sa ating mga boss—ang mamamayan ng Los Baños, ang inyo pong munisipyo ay naririto, bukas, umaagapay, at naglilingkod. Tuloy po kayo.




📸: MGLB-PIO

10/05/2026

Happy sa ating mga nanay, tumatayong nanay, at may puso ng isang nanay!

Walang kasing halaga ang papel na ginagampanan n’yo sa ating lipunan. Sa inyong pagmamahal at pag-aaruga kami lahat humuhugot ng determinasyon para magpatuloy—at walang hanggang pasasalamat ang aming alay sa inyo para rito.

Sa ating trabaho sa konseho, patuloy nating bibigyang halaga ang inyong kontribusyon.

Mabuhay kayong lahat!


03/05/2026

Maligayang kapistahan sa mga mahal nating kababayan sa Barangay Mayondon!

Paghugutan n’yo sana ng lakas bilang isang pamayaman ang ating Mahal na Patrona, si Nana Puring. Nawa’y sa tulong ng kan’yang mga panalangin at pagmamahal ay patuloy n’yong madama ang pagpapala ng Panginoon!

Pasasalamat din po sa buong Pamahalaang Barangay ng Mayondon, Pamunuan ng Kapilya ng La Purissima Concepcion, mga safety officers, volunteers, at lahat ng mga nagtulong-tulong para sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito.

Mabuhay ang Barangay Mayondon.


01/05/2026

Madaling kilalanin ang mga kung parangal lang ng bibig ang pag-uusapan, pero sa araw na ito, tinatanong tayo: Hanggang saan natin sila kinikilala? Hanggang saan nila tayo kasama?

Ngayong , idinidiin natin ang matagal na nating paniniwala: Ang tunay na pagkilala sa mga bayaning manggagawa ay hindi natatapos sa pagkilala at pasasalamat sa kanila tuwing unang araw ng Mayo. Ito ay higit dapat na tumatawid sa ating pakikilahok sa panawagang bigyan sila ng nakabubuhay na sahod, tindigan ang kanilang karapatan, at tiyaking mayroon silang seguridad sa paggawa.

Kasama tayo ng manggagawang Pilipino hindi lang ngayong May 1 kundi araw-araw—sa loob at labas ng konseho—nagsusulong ng kanilang buhay at kabuhayan, dahil tayo ay bansang nabuo dahil sa kanila.

Isang mapagpalayang Araw ng Manggagawa po sa inyong lahat! Tuloy ang ating laban.


28/04/2026

Paalam at salamat sa tapat na pagkakaibigan, Kapitan Esbby Maningas ng Barangay Mayondon.

Kapitan, kaibigan, pareng Essby: Salamat sa iyong pagmamahal sa aming pamilya at sa hindi matatawaran mong puso para sa iyong barangay. Mga SK pa lamang tayo, alam ko na agad kung nasaan ang pangarap mo—nasa Barangay Mayondon, sa piling ng mga kababayan mo—at alam kong masaya mo itong tinupad hanggang sa huli. Salamat at saludo para rito!

Ipinaabot ko po at ng aming pamilya’t tanggapan ang aming taos-pusong pakikiramay sa mahal sa buhay at kababayab ni Kapitan Essby.

Rest in peace, Kapitan Essby! Los Baños will surely miss you in the field of public service! You may be gone from this life but never from the hearts of those you served.


Photos from Konsehal Aldous B. Perez's post 27/04/2026

Sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ngayong araw, mariing tinutulan ng inyong lingkod ang 24% tariff increase na nilalayong ipataw ng LARC sa ating mga kababayan.

Bagaman kinikilala natin ang posisyon ng pamunuan ng LARC sa tariff increase na ito, hindi natin maaaring ipagsawalang bahala ang katotohanan na ang mga kababayan natin ay humaharap sa isang krisis ngayon. Hindi ito ang tamang panahon para sa pagtataas ng taripa, lalo’t higit dahil patuloy ang reklamong natatanggap ng LARC hinggil sa kanilang serbisyo.

Ipinaabot po natin ang ating pakiusap sa LARC na tulungan tayong alalayan ang ating mga kababayan, lalo na sa panahong ito.


Want your business to be the top-listed Government Service in Los Baños?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Los Baños
4030