Konsehal Miko Centeno Pelegrina

Konsehal Miko Centeno Pelegrina

Share

Third-Termer Municipal Councilor of Los Baños, Laguna #SerbisyongEpektibo #ParaSaBayan

Photos from Konsehal Miko Centeno Pelegrina's post 03/06/2026

42nd Regular Session

Sa unang Lunes at unang araw ng buwan ng Hunyo, isinagawa ang ika-42nd Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Los Baños.

Patuloy nating ginagampanan ang ating tungkulin sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga ordinansa, resolusyon, at iba pang mahahalagang usapin na may direktang epekto sa kapakanan ng ating mga kababayan at sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.

Kasabay ng pagsisimula ng panibagong buwan ay ang panibagong pagkakataon upang higit pang paigtingin ang ating paglilingkod at pagsusulong ng mga programang tunay na makatutugon sa pangangailangan ng bawat Los Bañense.

Tuloy-tuloy nating isabuhay ang para sa bayan.




Photos from Konsehal Miko Centeno Pelegrina's post 02/06/2026

Maraming salamat po sa tiwala na ipinagkaloob sa inyong lingkod upang pangunahan ang pagpupulong ng Municipal Development Council (MDC) nitong nakaraang buwan ng Mayo.

Dahil sa isang mahalagang tungkuling kinailangang gampanan ni Mayor Neil Andrew N. Nocon, ako po ay nabigyan ng pagkakataong magsilbing Presiding Officer sa nasabing pagpupulong kung saan tinalakay ang mahahalagang programa, proyekto, at mga hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.

Isang karangalan ang maging bahagi ng prosesong ito kasama ang ating mga konsehal, mga pinuno ng iba't ibang tanggapan, barangay officials, at mga kinatawan ng iba't ibang sektor ng komunidad.

Muli, maraming salamat sa tiwala. Patuloy tayong magsusulong ng maayos, responsable, at makabuluhang paglilingkod para sa bawat Los Bañense.





02/06/2026

Maraming salamat sa Sangguniang Panlalawigan ng Laguna!

Aprubado na po ang ating akdang ordinansa sa pamamagitan ng Resolution No. 482, S. 2026:

Ordinance No. 2026-2476
“Establishing the Los Baños Breastfeeding Support Center and Human Milk Depot Ordinance.”

Taos-puso po tayong nagpapasalamat kay Hon. Maria Jamina Katherine B. Agarao, Chairperson ng Committee on Health, at sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang masusing pagrepaso at pag-apruba sa ordinansang ito.

Ang pagkakatatag ng Los Baños Breastfeeding Support Center at Human Milk Depot ay isang mahalagang hakbang upang higit pang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga sanggol, mga ina, at mga pamilyang Los Bañense. Kaakibat nito ang pagsusulong ng karapatan sa kalusugan at pagpapalakas ng mga programang sumusuporta sa maternal at child health sa ating bayan.

Maraming salamat din sa lahat ng naging bahagi ng pagbuo at pagsasabatas ng ordinansang ito. Patuloy nating isusulong ang mga programang may konkretong pakinabang para sa ating mga kababayan.





01/06/2026

Honor and Excellence.

Sa unang Lunes at unang araw ng buwan ng Hunyo, muli nating pinapaalalahanan ang ating mga sarili na ang tunay na paglilingkod ay nangangailangan ng dangal sa pagkilos at kahusayan sa pagtupad ng tungkulin.

Nawa’y magsilbing gabay ang mga pagpapahalagang ito sa bawat hakbang na ating ginagawa para sa ating mga kababayan. Patuloy nating isulong ang serbisyong may integridad, malasakit, at kahusayan.

Ito ang diwa ng para sa bawat Los Bañense.




31/05/2026

Huling araw ng buwan ng Mayo.

Maraming salamat sa bawat pagkakataong makapaglingkod, makinig, at makiisa sa ating mga kababayan sa nakalipas na buwan. Bawat araw ay panibagong pagkakataon upang maisulong ang mga programang makatutulong sa ating mga Los Bañense at maipakita ang tunay na malasakit sa serbisyo publiko.

Sa pagpasok ng buwan ng Hunyo, dala natin ang panibagong sigla, pag-asa, at mas matibay na paninindigan na patuloy na maglingkod nang tapat at mahusay para sa ating bayan.

Maligayang pagdating, Hunyo. Tuloy-tuloy ang .



29/05/2026

Bilang bahagi ng pagpapalalim ng pananampalataya at pagkakaisa ng ating komunidad, isinasagawa ang Banal na Misa tuwing huling Biyernes ng bawat buwan. 🙏

Sama-sama po tayong maglaan ng oras para sa panalangin, pasasalamat, at gabay ng Poong Maykapal.



28/05/2026

Ngayong National Flag Day, muli nating ginugunita ang makasaysayang unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas noong 1898 matapos ang tagumpay sa Battle of Alapan. 🇵🇭

Nawa’y magsilbing paalala ang ating pambansang watawat ng katapangan, kalayaan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan na patuloy nating isinasabuhay bilang mga Pilipino at bilang mga Los Bañense.

Mabuhay ang watawat ng Pilipinas! 🇵🇭





28/05/2026

𝗡𝗢𝗪 𝗛𝗔𝗣𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚! | May 28, 2026

Hatid ng Public Employment Service Office (PESO):

𝐀𝐁𝐀𝐍𝐓𝐄 𝐋𝐎𝐒 𝐁𝐀Ñ𝐎𝐒: 𝐓𝐑𝐀𝐁𝐀𝐇𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀’𝐘𝐎

8:00 AM – 2:00 PM
Municipal Activity Area

Para sa ating mga kababayang naghahanap ng trabaho at bagong oportunidad, tara na at makiisa sa ating job fair ngayong araw!




27/05/2026

Eid Mubarak!

Sa pagdiriwang ng Eid Al-Adha, nakikiisa tayo sa ating mga kapatid na Muslim sa paggunita ng pananampalataya, sakripisyo, pagkakawanggawa, at pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang diwa ng Eid Al-Adha upang lalo pa nating palalimin ang pagmamalasakit sa kapwa, pagkakaisa sa komunidad, at paglilingkod para sa kabutihan ng lahat.

Maligayang pagdiriwang ng Eid Al-Adha sa ating mga kapatid na Muslim. Nawa’y pagpalain kayo at ang inyong mga pamilya ng kapayapaan, kalusugan, at kasaganaan.







26/05/2026

Isang taos-pusong pagbati sa Bayan ng Los Baños at sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) – Los Baños sa pagkakamit ng Ideal Level of Functionality sa 2025 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment!

Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, malasakit, at dedikasyon ng ating lokal na pamahalaan, mga katuwang na ahensya, at iba't ibang sektor ng komunidad upang matiyak ang kapakanan, kaligtasan, at proteksyon ng bawat batang Los Bañense.

Bilang Chairperson ng Committee on Social Welfare, Senior Citizens and PWDs, nakikiisa tayo sa pagpupugay sa MSWDO-Los Baños at sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang higit pa nating mapalakas ang mga programang nagtataguyod ng karapatan at maayos na kinabukasan ng ating mga kabataan.

Mabuhay ang mga batang Los Bañense at mabuhay ang Los Baños!





Want your business to be the top-listed Government Service in Los Baños?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Los Baños Municipal Hall, Manila S Road, Corner Jamboree Rd
Los Baños
4030