19/05/2026
Sagad-sagad ang pasismo ng estado, matingkad na pagpapatunay lamang dito ang pagpaslang ng mga militar sa pangunguna ng 79th Infantry Battalion sa 9 na sibilyan na sina R.J. Ledesma, isang mamamahayag; Alyssa Alano, lider estudyante ng University of the Philippines Diliman; Maureen Keil Santuyo, kabataang aktibista para sa tunay na reporma sa lupa; Errol Wendel, organisador ng mga manggagawang sa agrikulktura; Lyle Prijoles, human rights advocate; Kai Sorem, aktibista at organisador mula sa Anakbayan-US; Roel Sabilo, isang kabataang magsasaka at ang dalawa pang menor de edad mula sa Toboso at Calatrava.
Sa katatapos lamang na Fact Finding Mission na inilunsad sa isla ng Negros, lumitaw ang katotohanan na sinungaling ang mga berdugong militar. Napatunayan na sina RJ, Alyssa, Maureen, Errol, Lyle, at Kai ay hindi kabilang sa yunit ng New People’s Army na nakaengkwentro ng 79th IB sa noong Abril 19, 2026. Taliwas ito sa sinasabi ng mga militar na sila raw ay armado at nakipagpalitan ng bala.
Sa isla ng Negros, walang pakundangan na naglulunsad ang mga militar ng kanilang mga combat operations. Walang pagkilala ang mga militar sa karapatang pantao ng mga sibilyan na siyang naiipit sa armadong tunggalian.
Sa paglala ng krisis pang-ekonomya at kalagayan ng mamamayan sa Negros. Pinasisidhi pa ito ng De Facto Martial Law na umiiral sa isla na siyang malinaw na nagiging tulay para sa mas marami pang paglabag sa karapatang pantao. Isinisiwalat lamang nito ang kawastuhan ng armadong pakikibaka sa ilalim ng bulok na sistema, katulad na lamang ng inilulunsad na pagtatanggol sa karapatang pantao ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa isla ng Negros.
Malinaw at makikita ang pagtanggap ng mamamayan ng Toboso sa presensya ng armadong paglaban mula sa 79th IB na galamay ng pasistang estado sa kanilang pagbibigay ng pagpupugay sa mga nabuwal sa di-makataong pag-atake ng mga militar noong Abril 19. Sampung pulang mandirigma at siyam na sibilyan ang nabawian ng buhay sa kalagitnaan ng operasyong militar ng estado. Umabot pa ng dalawang araw bago narekober ang mga katawan ng napaslang at 634 na indibidwal ang kinakailangan na lumikas dahil sa panganib na dala ng operasyon ng Armed Forces of the Philippines at 18 na bahay ang pinasok nila.
Matibay na pinaninindigan ng ANAKBAYAN-UPLB ang panawagan na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng pagpaslang ng berdugong AFP-PNP. Gayon din na makatuwirang itaguyod ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Patuloy ang ating pagkundena sa hindi makataong pagtrato ng mga militar sa mga sibilyan, mamamyan, at pakikidigma.
15/05/2026
TINGNAN: Mga residente ng Purok 6B, isang buwan nang walang tirahan!
Ngayong linggo ay nagtungo ang ANAKBAYAN - UPLB sa mga residente ng Purok 6B Bambang upang magbigay ng food packs at makamusta ang lagay ng mga residente. Matatandaan na noong ika-14 hanggang ika-16 ng Abril ay nagkaroon ng tahasang pangangamkam sa lupa ang Bambang Land Corporation sa komunidad ng Purok 6B at marahas na pinalayas ang mga residente.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakaalis ang mga residente sa evacuation center dahil sa kawalan ng kongkretong plano ng Lokal na Pamahalaan ng Los Baños na nakabatay sa demokratikong karapatan para sa mga lokal. Hindi na makatarungan ang pananatili ng mga residente sa mainit, siksikan at malamok na lugar ng isang buwan habang nagpapakasasa ang pamahalaan sa de-aircon nilang mga opisina kahit na naghihirap na ang mga residente ng Purok 6B.
Nananawagan ang ANAKBAYAN - UPLB, kasama ang mga residente ng Purok 6B, ng agarang aksyon para sa pabahay mula sa lokal na pamahalaan ng Los Baños, lalo na ang pagkalampag kay Mayor Nocon na harapin ang kanyang mga residente sa halip na pumanig sa ganid na korporasyon na tumanggal ng bahay at buhay ng mga taga-Purok 6B at bantang pangangamkam pa ng lupa sa Purok 1A Tadlac.
Karapatan sa panirikan, ipaglaban!
Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo!
13/05/2026
ALERT!
Sa kasalukuyan ay may nangyaring putukan ng baril sa loob ng Senado at hanggang ngayon ay patuloy pa ring umiilag si Bato Dela Rosa sa batas kahit may issued warrant of arrest na laban sa kanya. Kamakailan din lamang ay naganap ang pagpalit ni Alan Cayetano kay Sotto bilang Senate President sa parehas na oras ng pag-approve ng kongreso sa impeachment laban kay Sara Duterte.
Ang mga anomalyang ito ay lantarang manipestasyon ng pagpanig ng estado, hindi para sa sambayanang Pilipino, kundi para sa mga ganid at gahamang nasa posisyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanagot sa kanilang pandarambong sa kaban ng bayan at sa pagyurak sa karapatang pantao. Sa gitna ng lumalalang krisis sa langis at presyo ng batayang bilihin, nagagawa pa rin nitong gumawa ng gulo para lang proteksyunan ang naghaharing-uri habang ang masang inaapi at ginigipit ay pinapabayaan at mas lalong pinapahirapan.
Ipinapakita at pinapatunayan lang ng estado ngayon na hindi na ito katiwa-tiwala dahil ang tanging layunin lang nito ay mapanatili sa kapangyarihan ang mga mapang-api sa masang nagtataguyod sa sambayanan. Kaya naman sa panahong ito, malawak ang lansangan para sa laksa-laksang hanay ng masa para lansagin, hukumin, at pabagsakin ang mga mapagsamantala at pasistang elemento ng estado, lalo na sina Marcos Jr. at Sara Duterte.
Marcos Jr. at Sara Duterte, patalsikin!
06/05/2026
𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗮𝘁𝗿𝗼, 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗯𝗮𝗸𝗮, 𝗮𝘁 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗹𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗼! 🔥✊
Sa gitna ng mga hamon na kinahaharap ng kabataan at mga estudyante ngayon, malinaw ang pangangailangan natin ng mga lider na hindi lamang nakaupo, kundi masikhay na kumikilos at walang takot na nakikibaka para sa interes ng sangkaestudyantehan at sambayanan.
Isa sa kanila si Tatine Montano, militante at masikhay na miyembro ng Anakbayan UPLB.
Sa panahon ng kaniyang paglilingkod sa Anakbayan, ipinamalas niya ang kaniyang ubos-lakas na paglilingkod sa masa. Hindi siya kailanman nangimi sa harap ng mga laban: mula sa pagtataguyod ng karapatan ng mga estudyante, hanggang sa pagtindig para sa mga isyung pambansa. Hindi lamang siya nakisangkot—siya mismo ay kumilos, nagpapakita ng husay sa pag-oorganisa, tapang sa pagtatanggol ng mga estudyante, at lalim ng pag-unawa sa mga isyung kinakaharap ng ating bayan.
Ngayon, sa kaniyang pagtakbo bilang SAKBAYAN CHE SC College Representative to the USC, dala niya ang parehong alab, prinsipyo, at kasanayan. Hindi ito magiging bago para kay Tatine: ang mismong sipag, tapang, at pagmamalasakit na pinatunayan niya sa Anakbayan ay tiyak na makikita sa kanyang paglilingkod sa CHE Student Council. Hindi lamang siya magiging tagasunod ng nakasanayan—magiging lider siya ng pagbabago, representante ng mga estudyante, at tunay na tagapagtanggol ng demokratikong karapatan sa loob ng kolehiyo hanggang sa labas ng unibersidad.
Kaya naman maalab ipinababatid ang suporta ng Anakbayan-UPLB sa pagtakbo ni Justine "Tatine" Montano sa pagtakbo bilang SAKBAYAN CHE SC College Representative to the USC.
03/05/2026
TINGNAN | ANAKBAYAN - UPLB NAKIISA SA MAYO UNO 2026
Sa bawat hampas ng maso ng isang manggagawa, babakbakin nito ang kadenang pumoposas sa diwa niyang gutom para sa tunay na kalayaan.
Nitong Mayo 1, 2026, nakiisa ang Anakbayan UPLB sa pagdiriwang ng mapulang ika-123 na Araw ng Kilusang Paggawa. Kasama ang laksa-laksang hanay ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan, patuloy na ipinaglalaban ang batayang karapatan sa nakabubuhay na sahod, sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin, sa pagpapatalsik sa inutil at pasistang na rehimeng Marcos-Duterte, at sa pagpapabagsak sa ganid na imperyalistang US.
Ngunit hindi sa araw na ito nagtatapos ang pakikipaglaban ng masang anakpawis. Hangga't patuloy ang lumalalang krisis sa langis na pinagsasamantalahan ng mga gahamang burgesyang kumprador at mga burukrata kapitalista, at sa madugong pamamasista ng estado, hindi kailanman mauupos ang lumalagablab na apoy ng pag-aklas.
Mabuhay ang mga marangal at magigiting na manggagawa!
Sumali sa Anakbayan - UPLB! Magregister sa:
http://tinyurl.com/abuplb-24-7
30/04/2026
𝗞𝗮𝗺𝗶 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗲𝘅𝗰𝗶𝘁𝗲𝗱 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝗨𝗻𝗼 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀? 𝗙𝗚𝗗 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝘀𝘀 𝗢𝗿𝘆𝗲, 𝗔𝗻𝗼 𝗧𝗮𝗿𝗮? 𝗧𝗔𝗥𝗔!
Ang Mayo Uno ay araw ng pagkakaisa at pakikibaka ng uring manggagawa—ang pangunahing pwersa sa paglikha ng yaman at sa pagsusulong ng tunay na pagbabago sa lipunan. Sa kabila nito, nananatiling mababa ang sahod, laganap ang kontraktwalisasyon, at pinapasan ng mamamayan ang mataas na presyo ng bilihin dulot ng mga patakarang pabor sa naghaharing uri.
Sa ganitong kalagayan, lalong mahalaga ang papel ng manggagawa, kasama ang kabataan, sa pag-oorganisa at kolektibong pagkilos para igiit ang batayang karapatan ng mamamayang sinasamantala at isulong ang isang lipunang sosyalista.
Maglulunsad din ang Anakbayan UPLB ng 𝗙𝗼𝗰𝘂𝘀𝗲𝗱 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 𝗗𝗶𝘀𝗰𝘂𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 tungkol sa kalagayan ng mga manggagawa at kabataan sa rehiyon ng Timog Katagalugan na susundan ng isang 𝗠𝗮𝘀𝘀 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ngayong Mayo Uno!
�Makiisa sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Manggagawa!
📍 𝙆𝙊𝙉𝘿𝙐𝙆𝙏𝘼�
🕘 9:00 AM — YS Decentralized Program @ Olivarez�
🕑 2:00 PM — Regional Program @ Crossing Calamba
Kasama ang iba’t ibang sektor, ipaglaban natin ang karapatan para sa sahod, trabaho, at makatarungang paggawa!
- 𝗜𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼 𝗮𝗻𝗴 ₱𝟭,𝟮𝟬𝟬 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗟𝗶𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗪𝗮𝗴𝗲!�
- 𝗪𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮𝗸𝘁𝘄𝗮𝗹𝗶𝘀𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻!�
- 𝗧𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗩𝗔𝗧 𝗮𝘁 𝗲𝘅𝗰𝗶𝘀𝗲 𝘁𝗮𝘅 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝘀!�
- 𝗜𝗯𝗮𝘀𝘂𝗿𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗢𝗶𝗹 𝗗𝗲𝗿𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗟𝗮𝘄!�
Kabataan, Pag-aralan ang Lipunan! Paglingkuran ang Sambayanan!
𝗦𝗨𝗠𝗔𝗣𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗔𝗞𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗨𝗣𝗟𝗕
http://tinyurl.com/abuplb-24-7
http://tinyurl.com/abuplb-24-7
http://tinyurl.com/abuplb-24-7
24/04/2026
ALERT!
Mariing kinukundena ng ANAKBAYAN UPLB ang pagbisita at panghaharas ng mga elemento ng Hands-off Our Children Movement (HOOC) at BUKLOD Federal sa pamilya ng pinaslang na Iskolar ng Bayan na si Alyssa Alano. Kabilang sa mga nagpakilalang bumisita sina Anabelle Sabado, Monique Espina, Erica Alonte, at Yakelin/Jaquelin Romeo—mga indibidwal na konektado sa mga grupong kilalang prente ng NTF-ELCAC sa red-tagging at saywar laban sa mga aktibista at kanilang pamilya.
Sa gitna ng pagdadalamhati, tahasang isinagawa ang intimidasyon laban sa pamilya. Hindi ito hiwalay sa pasistang opensiba ng estado sa Negros, kung saan noong Abril 19 ay pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Battalion ng AFP ang Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental—na nagresulta sa malawakang pagbakwit at pagkasawi ni Alyssa, at 18 pang mga indibidwal.
Sa halip na panagutin ang mga salarin, lalo pang pinapalawak ang panunupil sa pamamagitan ng harassment at red-tagging laban sa pamilya at komunidad ng mga biktima. Malinaw na bahagi ito ng koordinadong atake ng NTF-ELCAC upang patahimikin ang mga naghahanap ng hustisya.
Hindi tayo mananahimik. Sa harap ng pasismo, mas lalong tumitibay ang paninindigan ng kabataan na ipagpatuloy ang militanteng landas na tinahak ni Alyssa—ang pagyakap sa laban ng masang api, ang walang pag-iimbot na paglilingkod sa sambayanan, at ang paglubog sa mga komunidad ng mga maralita at magsasaka upang alamin ang tunay na kalagayan nila sa kabila ng presensya ng AFP—ang tunay na mga terorista sa kanayunan.
PANAGUTIN ANG 79TH IB AFP AT NTF-ELCAC!
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!
HUSTISYA PARA SA NEGROS 19!
17/04/2026
KABATAAN, RAMDAM MO NA BA ANG INIT NG IYONG GALIT?
Krisis noon, krisis pa rin ngayon, mula sa pagsirit ng presyo ng langis at batayang bilihin hanggang sa sunud-sunod na serye ng demolisyon sa mga komunidad ng maralita at maging pagpapahirap sa mga manggagawa at estudyante dahil sa 4-day work week at 100% online classes ng CHED. Sa gitna ng mga samu't saring suliranin na kinakaharap natin ay nananatiling kulang, malabo at reaksyunaryo ang nagiging tugon ng estado sa ilalim ng rehimeng US-Marcos-Duterte. Kasabay nito, ang ordinaryong mamamayang Pilipino ang tumatanke ng bigat ng pasanin ngayon habang si Marcos Jr. ay patuloy na nagpapakatuta sa interes ng kapitalistang dayuhan, malalaking korporasyon at mga lokal na naghaharing uri.
Hindi kailanman makukuha sa simpleng simpatiya ng estado ang pag-alwan sa hirap na danas ng sambayanang Pilipino. Kaya naman inaanyayahan ang lahat na sumali sa ikakasang Regional Day of Action, ngayong araw ika-17 ng Abril, oras 4 ng hapon sa Olivarez Plaza, upang mariin na ipanawagan ang matagal nang hinaing ng mamamayang Pilipino at ang pagpapatalsik sa ganid na rehimeng US-Marcos-Duterte!
Oil Price Hike, tutulan!
Oil Deregulation Law, ibasura!
VAT at Excise tax, tanggalin!
Demolisyon, huwag pahintulutan!
Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo!
Marcos Jr., Duterte, patalsikin!