Operations Center Los Baños

Operations Center Los Baños

Share

TRAFFIC • EMERGENCY • RESCUE

05/06/2026

6 Hunyo 2026 | WEATHER UPDATE |

🌤️Ito ang kasalukuyang lagay ng panahon.

🌤️Stay hydrated para manatling malusog ang katawan at aktibo ang pag-iisip.


05/06/2026

6 Hunyo 2026 | LIVE TRAFFIC UPDATE |

🚦Tutok para sa real-time traffic updates upang maging handa ka sa bawat biyahe.

🚦Ingat sa daan, mga ka-biyaheros!


05/06/2026

🎶🙏 MISA AT MUSIKA SA MERCADO 🙏🎶

Isa na namang makabuluhan at masayang aktibidad ang handog ng Bayan ng Los Baños para sa ating komunidad!

Tara na at makiisa sa isang hapon ng pananampalataya, musika at pagkakaisa sa ating paboritong pamilihan.

📅 June 6, 2026
📍 2nd Floor, Batong Malake Public Market

🕓 4:00 PM – Holy Mass
🎵 5:00 PM – Live Performance by Afterclass Band

Sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya habang tinatangkilik ang masiglang himig ng musika.

Dalhin ang inyong pamilya at mga kaibigan para sa isang makabuluhan at masayang pagtitipon para sa buong komunidad.

Tara na at magpasalamat, makinig at magsaya!

Kita-kits sa Paseo de Mercado! 💚





05/06/2026

⚡️𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎‼️

〽️May nakatakdang maintenance activities ang Meralco sa Hunyo 7, 2026 sa ilang lugar sa bayan ng Los Baños, Laguna.

〽️Siguraduhing tingnan kung apektado ang inyong lugar upang makapagplano nang maaga.

Para sa buong detalye:

https://company.meralco.com.ph/news-and-advisories/maintenance-schedule?fbclid=IwY2xjawSPIwVleHRuA2FlbQIxMABicmlkETFDdUxsbm00RDVNUjNDU0Vjc3J0YwZhcHBfaWQQMjIyMDM5MTc4ODIwMDg5MgABHiWQlA4lSSnt4ZWbrjo2rGRKMVs2Qh3dBarU79FSifvppEv7n0gThROldqEH_aem_YWdncwDf7GhWxzJnVeXRmTZ6B3wF&brid=YWdncwFipYYrmWrQIEooOQpwJWjl

03/06/2026

EMERGENCY WATER SERVICE INTERRUPTION

ACTIVITY HOURS/DATE: June 3, 2026 (01:00 PM) hanggang June 3, 2026 (02:00 PM)

AFFECTED AREAS:
Parts of Maahas (from LCC going to Bay, Sto. Domingo except BGH, Maitim

Pinapayuhan ang lahat na mag-imbak ng sapat na tubig upang may pansamantalang magamit sa oras ng aktibidad.

Samantala, kung kayo po ay may mga katanungan at nais ipagbigay alam, maaari kayong tumawag sa aming customer service hotline o di kaya ay mag private message sa aming page.

Maraming salamat po sa patuloy na pangunawa.

Los Banos Office - 09985853723/09190616163
Calauan Office - 09988875310

Photos from POSO Los Baños's post 30/05/2026
Photos from Operations Center Los Baños's post 30/05/2026

Sina 𝐁𝐛. 𝐆𝐞𝐧𝐧𝐲 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚 at 𝐆. 𝐁𝐫𝐲𝐚𝐧 𝐁𝐚𝐝𝐢𝐥𝐥𝐨 ng 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (𝐎𝐩𝐂𝐞𝐧) ay mabilis na tumugon sa isang motorcycle self-accident sa harap ng munisipyo ng Los Baños, Laguna bandang alas-6:15 ng umaga nitong Mayo 30, 2026.

Nagbigay ng kinakailangang first aid ang mga responders upang matiyak ang kaligtasan ng nasugatang mga motorista at maiwasan ang anumang karagdagang panganib sa lugar.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng traffic management ang 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 & 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐎𝐒𝐎)-𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 (𝐒𝐎𝐆) upang mapanatili ang maayos na daloy ng mga sasakyan at maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa paligid ng pinangyarihan ng insidente.





29/05/2026

💧𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎💧

Via Laguna Aquatech

27/05/2026

Ang 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (𝐎𝐩𝐂𝐞𝐧) 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬 ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Eid al-Adha, isang mahalagang okasyon na sumisimbolo ng matibay na pananampalataya, pagsasakripisyo, pagmamahal, at pagtutulungan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa pagpapatibay ng pagkakaisa, paggalang sa bawat isa, at pagsusulong ng kapayapaan sa ating komunidad.

Sa ating mga kapatid na Muslim, hangad namin ang isang mapayapa, masagana, at makabuluhang pagdiriwang kasama ang inyong mga mahal sa buhay. Nawa’y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa buhay.

Eid Mubarak!




25/05/2026

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 ‼️

📢 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄𝐃 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐑𝐔𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍 📢

Via Laguna Aquatech

📍𝐏𝐞𝐭𝐬𝐚 𝐚𝐭 𝐎𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐭𝐢𝐛𝐢𝐝𝐚𝐝:
May 26, 2026, 6:00 AM hanggang May 29, 2026, 6:00 AM

📍 𝐌𝐠𝐚 𝐀𝐩𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐠𝐚𝐫 𝐬𝐚 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬 – 𝐁𝐚𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐤𝐞:
• Palm Drive
• Sacay
• UPCO
• SEARCA
• Marymount
• Sierra Madre
• Sierra Madre Extension
• Maquiling St.
• Mt. Data
• Pulog
• Banaue
• IRRI Staff Housing
• Downhill Drive
• Greenway
• Kanluran Road
• Jose Velasco Avenue

⚠️ 𝐄𝐩𝐞𝐤𝐭𝐨:
Maaaring makaranas ng low water pressure hanggang sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig sa mga nabanggit na lugar.

💧 Pinapayuhan ang lahat na mag-imbak ng sapat na tubig para sa pansamantalang paggamit habang isinasagawa ang aktibidad.

📞 Para sa mga katanungan at iba pang concern, maaari po kayong tumawag sa aming customer service hotline o magpadala ng private message sa aming page.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pang-unawa at kooperasyon.

📱 𝐇𝐨𝐭𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐍𝐮𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬:
Los Baños Office – 0998-585-3723 / 0919-061-6163
Calauan Office - 09988875310

Want your business to be the top-listed Government Service in Los Baños?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Los Baños
4030