Ing Talasuyu Syal JearBon Banal Jerusalem

Ing Talasuyu Syal JearBon Banal Jerusalem Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ing Talasuyu Syal JearBon Banal Jerusalem, Government Official, Lubao.

SERBISYUNG JERUSALEM
"Metung yamu pu ing goal ku- Ing magsilbi kung tapat at tutu kareng bawat Teresian
✔️SERBISYUNG ATIU KING PUSU
✔️SERBISYUNG PANTE-PANTE
✔️SERBISYUNG ATIN RESULTA
✔️SERBISYUNG ATIN MALASAKIT
🆘09815969060 Emergency Response

18/09/2026

𝐌𝐠𝐚 𝐀𝐫𝐚𝐥

kapag may lumalapit, buksan ang pinto at makinig. Kaya kahit saan tayo magpunta, gusto natin maging taong madaling lapitan at laging handang tumulong.

18/09/2026

BULLYING: KILALANIN, PIGILAN, AT AGAPAN!

Sa panahon ngayon, napakahalaga na matuto tayong kumilala sa bullying at maunawaan ang emosyon ng ating mga kabataan. Hindi lahat ng batang tahimik ay okay. Hindi lahat ng batang biglang nagbabago ng ugali ay simpleng “phase” lamang. Minsan, may pinagdadaanan sila na hindi nila kayang sabihin.

Ang Recognizing Bullying and Emotional Support ay mahalaga upang mas maagang makita ang mga senyales ng pang-aapi, panunukso, pananakot o anumang uri ng bullying—at higit sa lahat, upang maipadama sa ating mga anak na may nakikinig, may nakakaunawa at may handang tumulong.

👨‍👩‍👧 MAGULANG – maging mapagmatyag, makinig at huwag maliitin ang nararamdaman ng anak.

👩‍🏫 TEACHERS – maging gabay at tagapagtanggol ng mga bata sa loob ng paaralan.

🏘️ BARANGAY – maging katuwang sa pagprotekta sa ating mga kabataan at pagbuo ng ligtas na komunidad.

👮 LAW ENFORCEMENT AT COMMUNITY PARTNERS – tumulong sa tamang pag-aksyon at pagprotekta sa mga batang nangangailangan ng suporta.

Dahil ang pagprotekta sa ating mga kabataan ay hindi lamang responsibilidad ng isang tao. Responsibilidad nating lahat.

Bilang inyong lingkod, naniniwala ako na kapag nagtulungan ang Barangay, paaralan, mga g**o at mga magulang, mas magiging matatag ang ating mga anak at mas magiging ligtas ang ating komunidad.

Huwag nating hintaying lumala ang problema bago tayo kumilos. Makinig tayo. Magmalasakit tayo. Kumilos tayo.

Bawat bata ay may karapatang lumaki nang ligtas, minamahal at nirerespeto.

Stronger Parents. Stronger Children. Stronger School Community.

COMMITTEE UPDATE: Ocular Inspection sa Canal Project ng Pamunuan ng SGBilang bahagi ng ating mandato sa Committee on Agr...
18/09/2026

COMMITTEE UPDATE: Ocular Inspection sa Canal Project ng Pamunuan ng SG

Bilang bahagi ng ating mandato sa Committee on Agriculture, personal nating tinignan at sinuri ang kasalukuyang ipinagagawang kanal sa ilalim ng pamunuan ng SG.

Patuloy tayong makikipag-ugnayan sa pamunuan ng SG upang matiyak na ang imprastraktura ay nagagamit nang wasto, ligtas, at may direktang benepisyo sa ating sektor ng agrikultura.

SITUATIONAL REPORT: MABILIS NA AKSYON SA NINAKAW NA METRO NG TUBIG 📢Bilang inyong Committee on Peace and Order & Public ...
12/09/2026

SITUATIONAL REPORT: MABILIS NA AKSYON SA NINAKAW NA METRO NG TUBIG 📢

Bilang inyong Committee on Peace and Order & Public Safety, agarang tinugunan ng ating tanggapan ang ulat hinggil sa insidente ng pagnanakaw ng metro ng tubig (NAWASA) sa ating nasasakupan.

Dahil sa banta nito sa seguridad at suplay ng tubig ng ating mga kababayan, mabilis tayong nakipag-ugnayan sa pamunuan ng Lubao Water District upang maitala ang insidente at agad na mapalitan ang nawalang metro.

Patuloy po ang ating pakikipagtulungan sa mga lokal na awtoridad upang imbestigahan ang pangyayaring ito at maiwasan ang mauulit na insidente. Hinihimok po natin ang lahat na maging mapagmatyag sa ating kapaligiran.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na kooperasyon para sa isang ligtas at maayos na Barangay Santa Teresa 1st,! 🤝

10/09/2026

Lurang Sitio Silindro

08/09/2026

Luid ya ing Pampanga
Ing pulosa na Totoy Bato

matapos makatanggap ng ulat mula sa ilang mga residente ukol sa isang butas sa lupa na lumitaw may dalawang (2) linggo n...
06/09/2026

matapos makatanggap ng ulat mula sa ilang mga residente ukol sa isang butas sa lupa na lumitaw may dalawang (2) linggo na ang nakararaan, Ang kuwento at obserbasyon ng mga residente na ang tubig-ulan ay direktang pumapasok at nawawala sa lumitaw na butas ay isang napakapanganib, ang inyong (komite sa Kapayapaan, Kaayusan, at Kaligtasan ng Publiko) ay MABILIS AT AGAD NA NAKIPAG-UGNAYAN sa ating MDRRMO (Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office) ng Lubao upang masuri, masiyasat, at maaksyunan ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.

"Lubao: The Cradle of Kapampangan Civilization."Sa kanyang mga sulat, pinatunayan ni Dr. Rodrigo Sicat na ang salitang "...
05/09/2026

"Lubao: The Cradle of Kapampangan Civilization."

Sa kanyang mga sulat, pinatunayan ni Dr. Rodrigo Sicat na ang salitang "Lubao" ay nagmula sa sinaunang salitang “lubo” na ang ibig sabihin ay mababa, maputik, at bahain.

Kasaysayan ng Paglubog: Binigyang-diin niya na ang pagiging bahain ng Lubao ay hindi bagong isyu. Bago pa man dumating ang mga Kastila noong 1571, ang mga katutubong Kapampangan ay natuto nang mamuhay at makiangkop sa palubog at mababang lupain.

Noong 1572: Itinala ng mga Kastila na unang itinayo ang parokya sa Barrio Santa Catalina.

Pagkalipas ng 30 taon: Sa mga lumang dokumento ng mga Augustinian, hayagan nilang itinala na napilitan silang ilipat ang simbahan sa kasalukuyan nitong lokasyon sa Barangay San Nicolas dahil sa “yearly floods” (taunang pagbaha) at “persistent flooding issues” (patuloy na suliranin sa pagbaha). Kung hindi lubog o bahain ang lupa, hindi mag-aaksaya ng pondo at lakas ang mga Kastila na gibain at ilipat ang isang estratehikong sentro.

❤️❤️❤️“Sa kabila ng mga hamon at puna, hindi matatawaran ang inyong walang-pagod na pagtulong sa bawat Kapampangan. Mara...
05/09/2026

❤️❤️❤️
“Sa kabila ng mga hamon at puna, hindi matatawaran ang inyong walang-pagod na pagtulong sa bawat Kapampangan. Maraming salamat, Gov. Nanay at Vice Gov. Delta, sa serbisyong may puso at agarang aksyon para sa lalawigan.”

“Ang tunay na pinuno ay sinusubok sa gitna ng unos at kritisismo. Saludo kami sa inyong katatagan at patuloy na pag-aalaga sa Pampanga. Mabuhay po kayo!”

Address

Lubao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ing Talasuyu Syal JearBon Banal Jerusalem posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share