27/10/2026
๐๐๐๐๐ฌ๐ฆ๐๐ฆ ๐ฃ๐๐ง๐๐๐ก๐ง๐ฆโ ๐๐๐ฌ: ๐๐๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ฆ๐จ๐ ๐๐ฆ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐ฆ๐๐ฆ
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Dialysis Patientsโ Day, isinagawa ang pamamahagi ng cash assistance sa 47 nating kababayang sumasailalim sa dialysis, bilang regular na programa ng ating Pamahalaang Bayan upang makatulong sa kanilang mga gastusin at sa patuloy na gamutan.. Nagbigay rin ang pamunuan ng San Antonio Dialysis Center ng karagdagang tulong kabilang ang cash assistance, bigas, at tray ng itlog para sa mga pasyente. Personal itong dinaluhan ang ating Punong Bayan, Mayor Erick M. Wagan na nagbigay ng makabuluhang mensahe sa ating mga kababayan. Kasama rin sina Gng. Geneveve Gonzales, MSWDO at si Mayora Grace D. Wagan, Municipal Administrator, katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman, bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng Pamahalaang Bayan sa pangangailangan ng mga kababayang nangangailangan ng tulong medikal.
Bilang karagdagang suporta, hinihikayat ng kinatawan mula sa San Antonio Dialysis Center ang mga kababayang sumasailalim sa dialysis na alamin ang mga serbisyong maaari nilang matanggap sa kanilang pasilidad. Kabilang sa mga benepisyong iniaalok nito ang AV Fistula Medical and Cash Assistance, allowance kada dialysis session, patient service assistance, buwanang bigas at itlog, libreng karagdagang dialyzer lampas sa saklaw ng PhilHealth, libreng quarterly ECG, welcome kit para sa mga bagong pasyente, at birthday cake taun-taon. Layunin ng mga serbisyong ito na makapagbigay ng dagdag na suporta sa mga pasyente sa gitna ng kanilang patuloy na gamutan. Para sa mga interesadong makinabang sa mga nasabing benepisyo, maaaring direktang makipag-ugnayan sa San Antonio Dialysis Center upang malaman ang mga kinakailangan at kondisyon para sa bawat serbisyo.