LTO Lucena District Office

Website

LTO Lucena District Office Linking
Technology and
Order

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐, ๐๐”๐Œ๐€๐๐€๐“๐ˆ ๐๐† ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐”๐๐€๐๐† ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐Š๐€๐˜ ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐… ๐€๐’๐„๐‚. ๐Œ๐€๐‘๐Š๐”๐’ ๐•. ๐‹๐€๐‚๐€๐๐ˆ๐‹๐€๐ŽMainit na pagbati ang ip...
12/10/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐, ๐๐”๐Œ๐€๐๐€๐“๐ˆ ๐๐† ๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐”๐๐€๐๐† ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐Š๐€๐˜ ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐… ๐€๐’๐„๐‚. ๐Œ๐€๐‘๐Š๐”๐’ ๐•. ๐‹๐€๐‚๐€๐๐ˆ๐‹๐€๐Ž

Mainit na pagbati ang ipinaaabot ng LTO CALABARZON kay Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao sa kanyang unang anibersaryo bilang pinuno ng Land Transportation Office (LTO).

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, isinusulong ng LTO ang 7-Point Reform Agenda, na nakatuon sa pagpapahusay ng serbisyo publiko, pagpapalakas ng integridad at pananagutan, pagpapatupad ng anti-corruption measures, digitalization, at mas pinaigting na road safety enforcement.

Kaisa ang LTO CALABARZON, sa pangunguna ni Regional Director Elmer J. Decena, sa pagsusulong ng Bagong LTO sa Bagong Pilipinas na naglalayong maghatid ng mas mahusay, makabago, transparent, at maaasahang serbisyo para sa bawat Pilipino.

Maligayang unang anibersaryo sa LTO, Chief Asec. Markus V. Lacanilao!

๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ ๐——๐—ข c๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ง๐—ข๐——๐—” ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐˜‚๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บPagbilao, Quezon- Under the guidance of Department of Transportation Acting Secret...
12/10/2026

๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ ๐——๐—ข c๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ง๐—ข๐——๐—” ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐˜‚๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ

Pagbilao, Quezon- Under the guidance of Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez and the leadership of LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, the TODA Rescue Program for members of the Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) is continuously being implemented throughout the CALABARZON Region.

Spearheaded by LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena, this program forms part of the agencyโ€™s sustained commitment to enhancing community preparedness in times of road crashes and other related incidents among TODA members and their communities.

On 10 October 2026, the LTO Lucena District Office, headed by its Chief of Office Estela Umali-Loverez, together with the District Law Enforcers, successfully conducted the TODA Rescue Program at the Senior Citizen Bldg, Pagbilao, Quezon, in collaboration with the Pagbilao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) and the Local Government of Pagbilao.

This program provided fifty-seven (57) TODA members with training on basic emergency response, enhancing their preparedness to assist during road incidents and emergencies.

The activity reflects the LTOโ€™s dedication to advancing road safety awareness and building stronger partnerships with communities.




๐Ÿ‘ต๐Ÿ‘ด ELDERLY FILIPINO WEEK 2026 ๐Ÿ’™Nakikiisa ang LTO Lucena District Office sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026 nga...
07/10/2026

๐Ÿ‘ต๐Ÿ‘ด ELDERLY FILIPINO WEEK 2026 ๐Ÿ’™

Nakikiisa ang LTO Lucena District Office sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026 ngayong Oktubre 1โ€“7, na may temang:

โ€œNakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.โ€

Bilang pakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito, ngayong Oktubre 6, ang mga kawani ng LTO Lucena District Office ay naghatid ng munting handog na bigas sa mga drayber at road users sa Lungsod ng Lucena.

Sa simpleng paraan, naipapakita natin ang ating pagmamalasakit, paggalang, at pagpapahalaga sa ating mga nakatatandaโ€”mga indibidwal na patuloy na may mahalagang papel at ambag sa ating pamilya, komunidad, at lipunan. ๐Ÿ’™







WORK SUSPENSION ADVISORY:Please be guided that in view of Memorandum Circular No. 136, s. 2026 issued by the Office of t...
26/09/2026

WORK SUSPENSION ADVISORY:

Please be guided that in view of Memorandum Circular No. 136, s. 2026 issued by the Office of the President on 16 September 2026, declaring the fourth Monday of September of every year as โ€œKainang Pamilya Mahalagaโ€ Day, work at the LTO LUCENA DISTRICT OFFICE shall be suspended from 1:00 PM on Monday, 28 September 2026.



๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐ ๐๐‹๐€๐“๐„ ๐“๐‘๐€๐‚๐Š๐„๐‘: ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐’ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐ƒ๐€๐‹๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†-๐‚๐‡๐„๐‚๐Š ๐๐† ๐ˆ๐๐˜๐Ž๐๐† ๐๐‹๐€๐Š๐€Hindi na kailangang manghula kung saan kukuni...
21/09/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐ ๐๐‹๐€๐“๐„ ๐“๐‘๐€๐‚๐Š๐„๐‘: ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐’ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐ƒ๐€๐‹๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†-๐‚๐‡๐„๐‚๐Š ๐๐† ๐ˆ๐๐˜๐Ž๐๐† ๐๐‹๐€๐Š๐€

Hindi na kailangang manghula kung saan kukunin ang inyong license plate! Sa pamamagitan ng LTO CALABARZON Plate Tracker, madali nang malaman kung saan available ang inyong plaka at kung saang tanggapan ito maaaring i-claim.

Paano gamitin ang LTO CALABARZON Plate Tracker?

๐Ÿญ. ๐™‹๐™๐™ˆ๐™๐™‰๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™’๐™€๐˜ฝ๐™Ž๐™„๐™๐™€ ๐™Š ๐™„-๐™Ž๐˜พ๐˜ผ๐™‰ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™Œ๐™ ๐˜พ๐™Š๐˜ฟ๐™€
Bisitahin ang ๐—น๐˜๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ.๐—ฝ๐—ต o i-scan ang QR code na kalakip ng post na ito.

๐Ÿฎ. ๐™„๐™‡๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™” ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™‡๐˜ผ๐™๐™€ ๐™‰๐™๐™ˆ๐˜ฝ๐™€๐™
I-enter ang inyong plate number sa Plate Tracker at i-submit ang inyong entry.

๐Ÿฏ. ๐™๐™„๐™‰๐™‚๐™‰๐˜ผ๐™‰ ๐™†๐™๐™‰๐™‚ ๐™‰๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐˜ผ๐™‰ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™„๐™‰๐™”๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™‡๐˜ผ๐™†๐˜ผ
Makikita kung saang LTO office o releasing agency matatagpuan ang inyong license plate.

๐Ÿฐ. ๐™„-๐˜พ๐™ƒ๐™€๐˜พ๐™† ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜พ๐™Š๐™‰๐™๐˜ผ๐˜พ๐™ ๐™‰๐™๐™ˆ๐˜ฝ๐™€๐™
Makikita rin ang landline number ng kaukulang tanggapan para maaari kayong makipag-ugnayan at makapag-confirm ng impormasyon bago pumunta.

๐Ÿฑ. ๐™‹๐™๐™ˆ๐™๐™‰๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™Š๐˜พ๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰
Kapag nakumpirma na ang impormasyon, magtungo sa nakatalagang releasing location upang kunin ang inyong license plate.

ISANG PLATE NUMBER. ISANG SEARCH. ALAM MO NA KUNG SAAN KUKUNIN.

Gamitin ang LTO CALABARZON Plate Tracker at gawing mas madali ang paghahanap ng inyong license plate.



19/09/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐ ๐๐€๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‚๐Ž๐€๐’๐“๐€๐‹ ๐‚๐‹๐„๐€๐-๐”๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐ โ€” Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr., at sa gabay nina Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at Land Transportation Office (LTO) Chief Atty. Markus V. Lacanilao, patuloy na isinusulong ng ahensya ang pagpapanatili ng malinis, ligtas, maayos, at responsableng pampublikong espasyo bilang bahagi ng pagsusulong ng mas maayos na serbisyo publiko.

Sa pangunguna ni Regional Director Elmer J. Decena, nakiisa ang LTO CALABARZON sa International Coastal Clean-Up 2026, bilang bahagi ng sama-samang pagkilos upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa mga komunidad.

Sa isinagawang aktibidad, nagtungo ang mga kawani ng LTO sa ibaโ€™t ibang panig ng CALABARZON upang magsagawa ng clean-up activities sa kani-kanilang mga nakapaligid na dagat sa kanilang lugar.

Hindi lamang nakatuon ang aktibidad sa paglilinis, kundi maging sa pagsusulong ng disiplina at malasakit sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga kawani, ipinakita ng LTO CALABARZON ang kahalagahan ng pakikilahok ng bawat isa sa pagpapanatili ng malinis at maayos na komunidad.

โ€œAng pangangalaga sa ating kapaligiran ay bahagi rin ng ating tungkulin bilang lingkod-bayan. Sa simpleng paglilinis at pagpapanatili ng kaayusan, naipapakita natin ang disiplina, malasakit, at pananagutan na nais nating makita sa bawat komunidad. Nawaโ€™y magsimula sa bawat isa sa atin ang pagkilos tungo sa isang mas malinis, ligtas, at maayos na CALABARZON,โ€ ani ni RD Decena

Patuloy namang hinihikayat ng LTO CALABARZON ang mga kawani at publiko na makiisa sa mga programang nagtataguyod ng pangangalaga sa kapaligiran, disiplina, at responsableng pagiging bahagi ng komunidad.

Para sa ahensya, ang tunay na serbisyo publiko ay hindi lamang nasusukat sa mga serbisyong naihahatid sa loob ng tanggapan, kundi maging sa aktibong pakikilahok sa mga gawaing may direktang ambag sa kapakanan ng komunidad.

Malinis na kapaligiran, ligtas na komunidad, at mas maayos na serbisyo publiko.





๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐ŽIpinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang magiging offline ang system ng ahensya...
14/09/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang magiging offline ang system ng ahensya at maaaring magkaroon ng pansamantalang pagkaantala ng pagproseso ng mga transaksyon ngayong araw, Setyembre 14, 2026, bilang bahagi ng isinasagawang transition mula sa Stradcom LTO-IT System patungo sa Land Transportation Management System (LTMS).

Humihingi ang LTO ng pang-unawa ng publiko sa anumang abalang maaaring idulot ng pansamantalang pagkaantala. Magbibigay ang ahensya ng karagdagang abiso sa sandaling maging maayos na ang sistema at maaari nang ipagpatuloy ang mga transaksyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ ๐…๐ž๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ง๐ โ€œ๐๐จ๐ง๐ ๐›๐จ๐ง๐ โ€ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐จ๐ฌ ๐‰๐ซ.!Buong-pusong pagbati mula sa Land Transportation Office (...
13/09/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ ๐…๐ž๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ง๐ โ€œ๐๐จ๐ง๐ ๐›๐จ๐ง๐ โ€ ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐จ๐ฌ ๐‰๐ซ.!

Buong-pusong pagbati mula sa Land Transportation Office (LTO), sa pangunguna ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

Sa pagdiriwang ng inyong kaarawan, hangad namin ang patuloy na paggabay at pagpapala sa inyong paglilingkod sa bayan, gayundin ang lakas at tibay sa pagtupad ng inyong mga tungkulin para sa sambayanang Pilipino.

Kaisa ninyo ang buong pamilya ng LTO sa patuloy na pagsusulong ng isang mas mahusay, episyente, at makataong serbisyo publiko para sa sambayanang Pilipino.

Maligayang kaarawan, Pangulong Marcos!

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐”๐๐€๐ƒ ๐๐† ๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐€๐“ ๐’๐€ ๐‹๐“๐Œ๐’; ๐๐€๐†๐†๐€๐Œ๐ˆ๐“ ๐๐† ๐’๐“๐‘๐€๐ƒ๐‚๐Ž๐Œ ๐‹๐“๐Ž-๐ˆ๐“ ๐’๐˜๐’๐“๐„๐Œ, ๐ˆ๐‡๐ˆ๐‡๐ˆ๐๐“๐Ž ๐๐€...
12/09/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐”๐๐€๐ƒ ๐๐† ๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐€๐“ ๐’๐€ ๐‹๐“๐Œ๐’; ๐๐€๐†๐†๐€๐Œ๐ˆ๐“ ๐๐† ๐’๐“๐‘๐€๐ƒ๐‚๐Ž๐Œ ๐‹๐“๐Ž-๐ˆ๐“ ๐’๐˜๐’๐“๐„๐Œ, ๐ˆ๐‡๐ˆ๐‡๐ˆ๐๐“๐Ž ๐๐€

Iniutos ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, sa lahat ng kinauukulang tanggapan ng ahensya ang agarang paghinto sa paggamit ng LTO-IT System ng STRADCOM sa mga ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด transaksyon at ang mahigpit na pagpapatupad ng ๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐—ธ๐—น๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด Land Transportation Management System (LTMS).

Ang direktiba ay alinsunod sa kautusan ng Office of the Ombudsman na naglalayong ihinto ang paggamit ng LTO-IT System ng STRADCOM at tiyakin ang paggamit ng LTMS sa mga transaksyon ng ahensya.

Sa ilalim ng Memorandum No. MVL-2026-207 at Memorandum No. MVL-2026-208, ipinag-utos ang agarang paghinto sa paggamit ng LTO-IT System sa Enhanced Driverโ€™s License System (EDLS) Pilot Sites at sa 42 designated Temporary Offsite Printing Offices (TOPOs).

Saklaw din ng direktiba ang pagproseso ng Certificate of Stock Report (CSR) at New Registration of Motor Vehicles, Motor Vehicle Renewal of Registration, lahat ng Driverโ€™s License transactions, at Miscellaneous Transactions.

Kabilang sa mga transaksyon sa Driverโ€™s License na sakop ng direktiba ang renewal, new application, duplicate o replacement, at change of information.

Ang lahat ng nasabing transaksyon ay dapat nang eksklusibong iproseso sa LTMS.

Inatasan din ni Asec. Lacanilao ang mga kinauukulang tanggapan na makipag-ugnayan sa mga kaukulang opisina ng LTO Central Office upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na transition, kabilang ang kinakailangang system configuration, user access, at iba pang operational requirements.

Anumang system limitation, technical issue, o operational difficulty na mararanasan sa panahon ng transition ay dapat agad i-report sa Management Information Division (MID) upang mabigyan ng agarang kaukulang aksyon.

โ€œPatuloy nating inaayos at pinapahusay ang mga sistema ng LTO upang maging mas mabilis, maayos, at maaasahan ang ating serbisyo. Ang paglipat sa LTMS ay mahalagang bahagi ng ating pagsisikap na magkaroon ng mas episyenteng proseso at mas mahusay na serbisyo para sa ating mga motorista,โ€ ayon kay Asec. Lacanilao.

Binigyang-diin ng LTO Chief na mahigpit na ipatutupad ang mga direktibang ito upang matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na paglipat sa LTMS, kasabay ng pagpapanatili ng episyente at maaasahang serbisyo sa publiko.

11/09/2026

๐Ÿ๐Ÿ ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐๐€๐’๐€๐Š๐Ž๐“๐„ ๐’๐€ ๐‚๐€๐‹๐“๐„๐— ๐’๐‹๐„๐— ๐Œ๐€๐Œ๐๐‹๐€๐’๐€๐ ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐€โ€™๐“ ๐ˆ๐๐€๐๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐†

๐๐ขรฑ๐š๐ง, ๐‹๐š๐ ๐ฎ๐ง๐š โ€” Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga batas at regulasyon sa kalsada, 12 sasakyan ang nasakote ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa ibaโ€™t ibang paglabag sa Caltex Southbound, South Luzon Expressway (SLEX), Mamplasan, Biรฑan, Laguna nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 10.

Isinagawa ang enforcement operation bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ R. Marcos Jr. na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan, sa gabay nina Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

Personal na pinangunahan ni Assistant Secretary Lacanilao ang operasyon bandang alas-8 ng gabi kung saan ilang motorista ang kanyang pinara matapos makitang gumagamit ng hindi awtorisado o improvised na mga plaka, bukod pa sa iba pang paglabag sa mga umiiral na batas, alituntunin at regulasyon sa transportasyon.

Katuwang sa operasyon ang LTO CALABARZON sa pangunguna ni Regional Director Elmer J. Decena kung saan ipinadala ang mga kawani ng LTO Cabuyao District Office upang magsagawa ng kaukulang inspeksyon at dokumentasyon sa mga nahuling sasakyan. Inisyuhan din ang mga motorista ng kaukulang Temporary Operatorโ€™s Permits (TOPs).

Sa kabuuan, 12 TOPs ang inilabas para sa apat na motorsiklo at walong iba pang motor vehicle.

Sa naturang bilang, walo ang impounded, habang kinumpiska naman ang mga plaka ng apat na iba pang sasakyan dahil sa mga paglabag sa umiiral na regulasyon.

Kabilang sa mga naitala ang mga paglabag sa Sections 2A, 2B, 2D at 2E ng Joint Administrative Order No. 2014-01, gayundin ang paglabag sa Memorandum Circular No. MVL-2026-5314.

Ayon sa LTO, bahagi ito ng patuloy na pagpapaigting ng enforcement operations laban sa mga sasakyang hindi sumusunod sa mga itinakdang requirements at regulasyon, partikular sa paggamit ng tamang plaka at pagsunod sa mga kondisyon para sa legal na paggamit ng mga motor vehicle.

Patuloy namang hinihikayat ng ahensya ang mga motorista na tiyaking updated ang kanilang rehistro at kumpleto ang mga kinakailangang dokumento at kagamitan ng kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang paglabag at mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada.





Address

Lucena Grand Central Terminal
Lucena
4300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Lucena District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share