Niñel Pedro

Niñel Pedro Promoting good governance & believing that we can bring out the best from our fellow Lucenahins!

LOVE IS IN THE AIRMuli tayong naging kinatawan ni Mayor Mark Alcala, ngayon naman sa Kasalang Bayan na idinaos sa Quezon...
12/10/2026

LOVE IS IN THE AIR

Muli tayong naging kinatawan ni Mayor Mark Alcala, ngayon naman sa Kasalang Bayan na idinaos sa Quezon National High School.

Taos pusong pagbati sa mga magkasintahang piniling gawing opisyal ang kanilang pagmamahalan. Nawa'y patuloy niyong piliin ang isa't isa, araw-araw.

Tandaan na pag-ibig ay hindi lamang nasusukat sa matatamis na salita, kundi sa pangakong mananatili sa bawat panahon at pagsubok.

Muli tayong naging kinatawan ni Mayor Mark Alcala sa pagdalo sa Barangay Assembly.Nasaksihan natin ang ulat ng Sanggunia...
09/10/2026

Muli tayong naging kinatawan ni Mayor Mark Alcala sa pagdalo sa Barangay Assembly.

Nasaksihan natin ang ulat ng Sangguniang Barangay ng Ibabang Talim sa pamumuno ni PB Mary Ann Zeta.

Mahalaga ang ganitong pagtitipon upang maiparating ang mga programa, maipahayag ang pangangailangan ng mga mamamayan, at mapag-usapan ang mga hakbang para sa ikabubuti ng pamayanan.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Lucena sa mga barangay upang suportahan ang mga programang tumutugon sa pangangailangan ng bawat komunidad.

Sa sama-samang pagkilos ng mga lingkod-bayan at mamamayan, mas napapalakas ang paghahatid ng serbisyo sa mga .

Muli tayong naging kinatawan ni Mayor Mark Alcala. At sa pagkakataong ito naman ay sa pagdalo sa Barangay Assembly ng Ba...
05/10/2026

Muli tayong naging kinatawan ni Mayor Mark Alcala. At sa pagkakataong ito naman ay sa pagdalo sa Barangay Assembly ng Barangay 2.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Lucena at ng mga barangay upang mas mapalapit ang serbisyo sa bawat .

Nakahahangang marinig ang mga programa at proyektong naisulit sa kanilang nasasakupan ng sangguniang barangay sa pangunguna ni PB Enrico delos Rios.

Ang mga pagkilalang natanggap nila ay sumasalamin sa patuloy nilang pagsisikap para sa kanilang pamayanan.

Nakasama rin natin si City Anti-Drug Abuse Division Supervising Administrative Officer Ms Francia Malabanan na tumalakay sa Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA Program.

Sa sama-samang pagkilos, mas napapalakas ang serbisyo, programa, at pag-unlad para sa bawat barangay.

Nakipagsaya tayo sa Family Day ng Jubilee Ministries in Christ Church. Isang araw ng tawanan, kwentuhan, at pagbabahagi ...
04/10/2026

Nakipagsaya tayo sa Family Day ng Jubilee Ministries in Christ Church. Isang araw ng tawanan, kwentuhan, at pagbabahagi ng masasayang sandali kasama ang bawat pamilya.

Salamat sa mainit na pagtanggap at sa pagkakataong makasama kayo. Sa simpleng pagsasama-sama, nabubuo ang mga kwentong nagiging alaala ng buong pamilya.

Maligayang Teachers’ Day!Mataas na pagpupugay sa tinagurian nating pangalawang magulang na nagsisilbing ilaw at gabay ng...
04/10/2026

Maligayang Teachers’ Day!

Mataas na pagpupugay sa tinagurian nating pangalawang magulang na nagsisilbing ilaw at gabay ng bawat kabataan hindi lamang sa loob ng silid-aralan.

Higit pa sa kaalaman ang inyong ibinabahagi dahil sa ibinibigay niyong pag-asa, inspirasyon, at malasakit.

Dito naman tayo sa Barangay Ibabang Dupay !Sa mainit na creamy champorado at kwentuhan, mas nakikilala natin ang isa’t i...
03/10/2026

Dito naman tayo sa Barangay Ibabang Dupay !

Sa mainit na creamy champorado at kwentuhan, mas nakikilala natin ang isa’t isa.

02/10/2026

Ang unang linggo ng Oktubre ay Filipino Elderly Week, inaaalay natin ang buong linggong ito para sa ating mga minamahal na lolo't lola.

Happy Filipino Elderly Week.

Balik tayo sa Barangay Market View upang makiisa sa espesyal na araw na inilaan para sa mga pamilya, magulang, at mga ba...
30/09/2026

Balik tayo sa Barangay Market View upang makiisa sa espesyal na araw na inilaan para sa mga pamilya, magulang, at mga bata.

Maraming salamat sa PTA ng Lucena East 1 Elementary School sa imbitasyon upang makasama sa pagdiriwang ng Family Day.

Isang masayang pagkakataon ang muling makasama ang ating mga kabarangay at makibahagi sa selebrasyon ng pagkakaisa at samahan ng bawat pamilya.

Isang karangalan ang maging bahagi ng isang espesyal na araw para sa mga batang nagsimula ng kanilang paglalakbay sa pan...
30/09/2026

Isang karangalan ang maging bahagi ng isang espesyal na araw para sa mga batang nagsimula ng kanilang paglalakbay sa pananampalataya.

Bilang kinatawan ni Mayor Mark Alcala, naging bahagi tayo ng Binyagang Bayan sa Barangay Silangang Mayao kung saan nasaksihan natin ang pagtanggap ng mga bata sa Sakramento ng Binyag, kasama ang kanilang mga magulang at mahal sa buhay.

Nawa’y samahan sila ng Diyos sa bawat hakbang, bigyan ng mabuting kalusugan at gabayan tungo sa isang buhay na puno ng pagmamahal at pag-asa.

TULOY-TULOY LANG!Mga bata at kanilang mga magulang  naman sa Purok Parang, Barangay Market View ang nakapiling natin at ...
28/09/2026

TULOY-TULOY LANG!

Mga bata at kanilang mga magulang naman sa Purok Parang, Barangay Market View ang nakapiling natin at nakasalo sa mainit at masarap na creamy champorado.

Address

Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Niñel Pedro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category