Mayao Silangan Barangay Health Center

Mayao Silangan Barangay Health Center Mayao Silangan Barangay Health Center

𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔! 🏫💉Mga magulang, tagapag-alaga, at mga g**o, handa na ba ang inyong mga anak at mag-aaral...
22/10/2026

𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔! 🏫💉

Mga magulang, tagapag-alaga, at mga g**o, handa na ba ang inyong mga anak at mag-aaral para sa School-Based Immunization (SBI)?

Mula October 12 hanggang December 15, 2026, pabakunahan ang mga batang nasa Grade 1 at 7 laban sa Measles, Rubella, Tetanus at Dipterya.

Gayundin ang mga Grade 4 na babae laban sa human papillomavirus (HPV) at cervical cancer. Kabilang din sa bakunahan ang mga grade 5 na babaeng hindi pa nababakunahan laban sa HPV.

Huwag palampasin ang Bakuna Eskwela para sa proteksyon ng mga bata laban sa iba’t ibang sakit.

Para sa karagdagang impormasyon, magtanong lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.




!

22/10/2026

𝐕𝐥𝐨𝐠𝐊𝐮𝐧𝐚 #𝟔 : 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀-𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀?

Sa pamamagitan ng Bakuna Eskwela, sama-sama nating palakasin ang proteksyon ng mga bata laban sa vaccine-preventable diseases tulad ng measles, rubella, diphtheria, at Human Papillomavirus (HPV). Alamin ang mga tamang impormasyon at detalye patungkol sa School-Based Immunization Program ngayong taon!

Magpabakuna. Maging protektado. Sama-sama para sa kabataang produktibo at ligtas! 💚





Regional Director Adriano Suba-an
Assistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo

Bakit kailangan ng iyong anak na mabakunahan muli sa ilalim ng Bakuna Eskwela kung nakakuha na siya ng bakuna noong infa...
12/10/2026

Bakit kailangan ng iyong anak na mabakunahan muli sa ilalim ng Bakuna Eskwela kung nakakuha na siya ng bakuna noong infant pa siya?

Narito ang kasagutan.




!

12/10/2026

𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔!

Mga nanay, tatay, at tagapag-alaga, protektahan ang ating mga anak laban sa Vaccine-Preventable diseases o mga sakit na puwedeng maiwasan sa tulong ng pagbabakuna.

Simula ngayong October 12 hanggang December 15, 2026, pabakunahan ang mga batang nasa Grade 1 at 7 laban sa measles, rubella, tetanus at dipterya.

Kasama rin sa bakunahan ang mga kababaihang mag-aaral sa Grade 4 upang maprotektahan sila laban sa Human Papillomavirus (HPV) at Cervical Cancer, pati na rin ang mga kwalipikadong mag-aaral sa Grade 5 na hindi pa nakatanggap ng bakuna laban sa HPV.

Huwag palampasin ang Bakuna Eskwela para sa proteksyon ng mga bata laban sa iba’t ibang sakit. Kitakits po tayo sa mga pampublikong paaralan!






Regional Director Adriano Suba-an
Assistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo

🔈 PABATID 🔊
12/10/2026

🔈 PABATID 🔊

TARA, ZUMBA SA BARANGAY NA NAMAN! 🎶❤️Iikot naman kami sa Purok Jasmin!!! Mga ka-barangay, oras na para gumalaw, mag-enjo...
29/09/2026

TARA, ZUMBA SA BARANGAY NA NAMAN! 🎶❤️
Iikot naman kami sa Purok Jasmin!!!

Mga ka-barangay, oras na para gumalaw, mag-enjoy, at alagaan ang ating katawan at isipan!

Hindi kailangan maging magaling sumayaw—ang mahalaga ay sama-sama tayong gagalaw at magsasaya! 💪✨

05/09/2026

𝐓𝐀𝐎𝐒-𝐏𝐔𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒 𝐂𝐀𝐌𝐏𝐀𝐈𝐆𝐍

Sa pagtatapos ng Ligtas Tigdas Campaign, nais naming ipaabot ang isang taos-pusong pasasalamat at pinakamataas na pagpupugay sa bawat Healthcare Worker, Barangay Health Worker, volunteer at partner para sa inyong hindi matatawarang dedikasyon at pagsisikap upang masig**o na ang bawat bata ay mabakunahan at maprotektahan laban sa tigdas at tigdas-hangin.

Ang tagumpay ng kampanyang ito ay tagumpay nating lahat! Dahil sama sama nating pinatunayan na kapag kaligtasan ng bata ang nakataya, walang malayo at walang mahirap na daan.

Maraming Salamat sa inyong pagmamahal at paglilingkod! Kayo ang puso ng Ligtas Tigdas Campaign.




Regional Director Adriano Suba-an
Assistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo

04/09/2026

Minsan ng may nagtanong. Mapupuntahan nyo ba lahat eh ang laki at lawak ng area nyo?

Sagot : Sa dami ng boundary namin at mga kalapit Brgy, kahit nasaan pa sila pupuntahan namin sila. Sa ilalim ng tulay, dam, irrigation, basurahan, palayan, putikan, burol, eskinita, patag man o hindi ang daan ay handa kaming suungin ang bawat sulok ng barangay.

KAYA NAMAN!
HETO NA ANG BAWAT KWENTO NG AMING PAGLALAKBAY.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng Ligtas Tigdas: Measles- Rubella Supplemental Immunizatio...
04/09/2026

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng Ligtas Tigdas: Measles- Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) and Vitamin A Supplementation.

Hindi po naging madali ang ating paglalakbay, lalo na sa kabila ng pabago-bagong panahon, layo ng bawat Purok at mga maling impormasyong kumakalat tungkol sa bakuna, pinili pa rin ng maraming magulang na alamin ang tamang impormasyon at ipagkatiwala ang kalusugan ng kanilang mga anak sa ating mga health workers.

Ang inyong dedikasyon, tiwala, at pakikiisa ang naging inspirasyon namin upang ipagpatuloy ang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga chikiting.

Maraming salamat po sa ating Sangguniang Barangay MayaoSilangan, sa pangunguna ng ating Kapitan, Kap. Ricardo J. Lafuente, sa walang humpay na suporta na ipinagkaloob ninyo sa buong buwan na isinasagawa ang MR SIA. Sa bawat Kagawad na umalalay at sinamahan kami sa aming araw araw na pagbabakuna, Kgwd Cristal Abustan, Kgwd Dennis Ranillo Daleon, Kgwd Babyln Daleon, Kgwd Laila Mindanao at Sec Edel , maraming maraming salamat po. Sa bawat Barangay Staff, kay Treas Daleon Rafa na naging susi sa bawat araw araw naming pagbabakuna at kay Kuya Angelo Abadilla at Kuya Nonelon na handa kaming ihatid at sunduin kahit nasaang sulok man kami ng Barangay. Sa mga Purok Leaders at Brgy Coordinator na aming naging kamay sa paggalugad ng mga bata, maraming salamat po.

Sa aming mga nakasama na mga Nurses at Midwife na galing sa iba't-ibang Barangay, Red Cross at sa BFP, lubos na pasasalamat sa inyong pagbayani sa aming Barangay upang maisagawa at mapagtagumpayan ang ganitong programa.

Taos-puso din pong pasasalamat sa ating mga Barangay Health Alliance (BHA), para sa inyong sipag, tiyaga, at malasakit sa buong panahon ng pagpapatupad ng Ligtas Tigdas (MR SIA).

At higit sa lahat, sa mga magulang, lolo, lola, tito, tita at sa mga guardians, maraming maraming salamat po. Kayo po ang isa sa mga dahilan kung bakit naging matagumpay ang programang ito. Maraming salamat po sa pagtitiwala at pakikipagtulungan.

Ang bawat ngiti, bawat pagpunta, at bawat batang nabakunahan ay patunay ng ating pagkakaisa para sa mas ligtas na komunidad.

Mula sa aming puso, maraming maraming salamat po. Lubos po naming ipinagmamalaki ang inyong suporta at malasakit para sa kalusugan ng ating mga anak.




MR SIA 2026SALAMAT SA TIWALA, SALAMAT SA PAGPILI NG PROTEKSYON 🩷Sa bawat magulang na nagbukas ng puso at nagtiwala sa at...
28/08/2026

MR SIA 2026

SALAMAT SA TIWALA, SALAMAT SA PAGPILI NG PROTEKSYON 🩷

Sa bawat magulang na nagbukas ng puso at nagtiwala sa ating Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA), maraming maraming salamat po.

Alam namin na hindi madali ang magdesisyon kapag ang kalusugan ng inyong mga anak ang pinag-uusapan. May mga pangamba, may mga tanong, at may mga takot. Ngunit sa kabila ng lahat, pinili ninyo ang isang bagay na higit na mahalaga—ang proteksyon para sa inyong mga anak.

Ang bawat batang dumaan sa ating bakunahan ay hindi lamang isang bilang sa ating programa. Sila ay mga anak na minamahal, mga pangarap na nais nating ingatan, at mga kinabukasang nais nating mapanatiling ligtas.

Maraming salamat po, mga Nanay at Tatay, sa inyong tiwala. Salamat sa paghawak ng kamay ng inyong mga anak at paghatid sa kanila sa ating vaccination activity. Ang inyong pakikiisa ang naging lakas ng ating kampanya.
Hindi lamang po bakuna ang inyong ipinagkaloob sa kanila—kundi isang dagdag na proteksyon, isang pagpapakita ng pagmamahal, at isang hakbang tungo sa mas ligtas na bukas.

Sa lahat ng nagpabakuna at nakiisa sa MR SIA, maraming maraming salamat po. Dahil sa inyo, mas nagiging ligtas ang ating mga chikiting at ang buong komunidad. 🙏🫰🩷




Address

Lucena

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayao Silangan Barangay Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share