Qur'an Academy Western Mindanao PH QAWM

Call

Qur'an Academy Western Mindanao PH QAWM a place to love the Quran and be among the best of creation...

Alhamdulillah! Matagumpay na naisagawa ang interview ng ikalawang batch ng ating mga mag-aaral. Nawa’y maging matagumpay...
13/11/2026

Alhamdulillah! Matagumpay na naisagawa ang interview ng ikalawang batch ng ating mga mag-aaral. Nawa’y maging matagumpay ang bawat isa sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral. آمِينَ.🤲🏻✨

17/10/2026

Saksihan natin ang pagkhatam ng Qur’an ni Al-Hafidz Wajer Baddai Putal, ang ikalawang nag-khatam sa QAWM.
بَارَكَ اللّٰهُ فِيهِ وَزَادَهُ عِلْمًا وَإِيمَانًا.
Nawa’y pagpalain siya ni Allah at dagdagan ng kaalaman at pananampalataya.

آمين🤲🏻

Alhamdulillah, Mubarak sa ating Al-Hafidz Wajer Baddai Putal! Nawa’y pagpalain ka pa ni Allah sa iyong pag-aaral ng Qur’...
17/10/2026

Alhamdulillah, Mubarak sa ating Al-Hafidz Wajer Baddai Putal! Nawa’y pagpalain ka pa ni Allah sa iyong pag-aaral ng Qur’an at gawin kang isang mabuting ‘Hafidz seaman sa hinaharap.

آمين يا رب العالمين 🤲

16/10/2026

Alhamdulillah! Nasaksihan natin ang pag-khatam ng Qur’an ni Al-Hafidz Hashim Hamja. Nawa’y patatagin pa siya ni Allah sa pag-aaral at pagsasabuhay ng Qur’an.

آمين يا رب العالمين🤲🏻

Alhamdulillah, Mubarak sa ating Al-Hafidz Hashim Hamja! Nawa’y pagpalain ka pa ni Allah sa iyong pag-aaral ng Qur’an at ...
16/10/2026

Alhamdulillah, Mubarak sa ating Al-Hafidz Hashim Hamja! Nawa’y pagpalain ka pa ni Allah sa iyong pag-aaral ng Qur’an at gawin kang isang mabuting ‘Alim sa hinaharap.

آمين يا رب العالمين 🤲

12/10/2026

Alhamdulillāh! 🤍 Matagumpay na nakapasa sa pagsusulit ang ating mga mag-aaral at sumailalim sa interview para sa next level ng Hafidz Course. Nawa’y gabayan at pagpalain sila ni Allah. آمِين

Alhamdulillāh! Isang hakbang na naman tungo sa mas mataas na antas ng pag-aaral ng Qur’an.Matapos ang 3 hanggang 6 na bu...
12/10/2026

Alhamdulillāh! Isang hakbang na naman tungo sa mas mataas na antas ng pag-aaral ng Qur’an.

Matapos ang 3 hanggang 6 na buwang paghahanda para sa Ḥifẓ al-Qur’an Course, matagumpay na naipasa ng ating mga mag-aaral ang pagsusulit at sumailalim sila sa panayam (interview) bilang bahagi ng proseso ng pag-akyat sa susunod na antas.

Nawa’y patatagin sila ni Allah sa paghahanap ng kaalaman, pagmememorya ng Kanyang Banal na Aklat, at pagsasabuhay ng mga aral nito.

اللَّهُمَّ وَفِّقْهُمْ وَثَبِّتْهُمْ وَاجْعَلْهُمْ مِنْ أَهْلِ الْقُرْآنِ

O Allah, pagkalooban Mo sila ng tagumpay, patatagin Mo sila, at gawin Mo silang kabilang sa mga taong nagmamalasakit at namumuhay ayon sa Qur’an.

QAWM — Qur’an Academy Western Mindanao PH

Assalamu'alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.Alhamdulillah, sa biyaya ni Allah at sa tulong ng mga mabubuting puso, 15 ...
10/10/2026

Assalamu'alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh.

Alhamdulillah, sa biyaya ni Allah at sa tulong ng mga mabubuting puso, 15 mag-aaral ang naging Hafiz ng Qur'an ngayong taon. Subalit hindi rito nagtatapos ang ating misyon. May panibagong hanay ng mga batang sabik na tahakin ang landas ng pagmememorya ng Banal na Qur'an.

Inaanyayahan namin ang inyong mabuting puso na maging bahagi ng dakilang gawaing ito. Ang inyong Sadaqah, maliit man o malaki.
Sinabi ng Propeta ﷺ:
"Kapag namatay ang anak ni Adan, napuputol ang lahat ng kanyang gawain maliban sa tatlo: patuloy na kawanggawa (ṣadaqah jāriyah), kapaki-pakinabang na kaalaman, o mabuting anak na nananalangin para sa kanya."
(Sahih Muslim)

Nawa'y gawin ni Allah ang bawat tulong bilang Ṣadaqah Jāriyah na patuloy ninyong aanihin ang gantimpala sa mundo at sa Kabilang-buhay.
Kung hindi kayo makapagbigay, malaking tulong na rin ang inyong pag-share ng post na ito upang makarating sa mas maraming taong nais gumawa ng kabutihan.
Jazakumullahu khayran sa inyong suporta at mga panalangin. Nawa'y tanggapin ni Allah ang inyong kabutihan at pagpalain ang inyong kabuhayan. Āmīn. 🤲

MAG-ENROLL SA QAWM  IKA-2nd SEMESTRE!Naghahanap ka ba ng paaralang hindi lamang nagtuturo ng kaalaman, kundi humuhubog d...
08/10/2026

MAG-ENROLL SA QAWM IKA-2nd SEMESTRE!

Naghahanap ka ba ng paaralang hindi lamang nagtuturo ng kaalaman, kundi humuhubog din ng Qur’an, pananampalataya, magandang asal, disiplina, at tamang pamumuhay bilang isang Muslim?

Sa Qur’an Academy Western Mindanao (QAWM), sama-sama nating pagyamanin ang kaalaman, palalimin ang pag-unawa sa Qur’an at Sunnah, at ihanda ang sarili para sa mas magandang kinabukasan.

📖 Qur’an at Tajwid
🕌 Islamic Studies
🌙 Arabic Language
🤝 Character Building
🏫 Maayos at makabuluhang learning environment

Bukas ang QAWM para sa mga seryosong nagnanais matuto at magsikap.

📍 Maasin, Zamboanga City 7000
📞 0915 690 4437
📘 Facebook: Qur an Academy Western Mindanao PH QAWM

Mag-enroll na at maging bahagi ng pamilya ng QAWM.
Dito, ang pag-aaral ay hindi lamang paghahanda para sa mundo—kundi paghahanda rin para sa Ākhirah.

Jumuʿah Mubārak (Sadiq Mosque)🕌“Sama-sama sa pagsamba, at sama-sama sa pagkakapatiran.”الحمد لله على نعمة الإسلام والأخو...
12/09/2026

Jumuʿah Mubārak (Sadiq Mosque)🕌

“Sama-sama sa pagsamba, at sama-sama sa pagkakapatiran.”

الحمد لله على نعمة الإسلام والأخوّة.

Address

Maasin
Maasin
7000

Telephone

+639953539950

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Qur'an Academy Western Mindanao PH QAWM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category