Barangay Mangalit, Mabalacat City, Pampanga

Barangay Mangalit, Mabalacat City, Pampanga

Share

• PAMISAN-METUNG
• PAMIKALUGUD
• PAMANANTABE

Photos from Barangay Mangalit, Mabalacat City, Pampanga's post 05/06/2026

📚🎒 BAYANIHANG BULILIT 2026 | BRIGADA ESKWELA SA DAY CARE CENTER 🎒📚

Sa diwa ng bayanihan at pagtutulungan para sa edukasyon ng ating mga kabataan, matagumpay na isinagawa ang Bayanihang Bulilit 2026 - Brigada Eskwela sa ating Day Care Center sa pangunguna ni Madam Delila Valenzuela.

Buong pusong nakikiisa ang Barangay Mangalit sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Cristian John T. Lindo, kasama sina Kagawad Hon. Reggie P. Esguerra at Barangay Secretary Ms. Rinalyn R. Capid, sa pagsuporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating mga mag-aaral.

Lubos din nating pinasasalamatan ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Mangalit sa pangunguna ni Hon. Justin C. Gargaritano at ng buong SK Council sa kanilang paghahanda at pamamahagi ng mga school supplies para sa ating mga enrollees sa Day Care Center.

Ang simpleng pagtutulungan at malasakit na ito ay malaking hakbang upang mabigyan ng maayos at masiglang simula ang pag-aaral ng ating mga kabataan. Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan ng Barangay Mangalit.

Photos from Barangay Mangalit, Mabalacat City, Pampanga's post 03/06/2026

🏆✨ BARANGAY MANGALIT – ISA SA MGA BEST BARANGAY 2026! ✨🏆

Isang karangalan para sa buong Barangay Mangalit na mapabilang sa mga kinilala sa programang Building Excellence in Service and Transparency (BEST) 2026. Ang pagkilalang ito ay patunay ng ating sama-samang pagsisikap na maitaguyod ang mahusay, tapat, at transparent na pamamahala para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng ating barangay.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa DILG Mabalacat City, lalo na kay Ma’am Diane Lorin Tolentino, CLGOO, sa kanyang walang sawang paggabay at suporta upang maisakatuparan ang mga pamantayan ng mabuting pamamahala at pananagutan sa serbisyo publiko.

Lubos din po naming pinasasalamatan ang ating Punong Barangay, Hon. Cristian John T. Lindo, sa kanyang mahusay na pamumuno; ang ating masipag na Barangay Secretary, Ms. Rinalyn R. Capid; at ang ating Barangay Treasurer, Mrs. Edraline M. Dizon, sa kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng maayos at transparent na pamamahala ng pondo ng barangay.

Kasama rin sa tagumpay na ito ang ating mga masisipag na miyembro ng Sangguniang Barangay:

• Hon. Angelita M. Sibal
• Hon. Reggie P. Esguerra
• Hon. Ysmael D. Gargaritano
• Hon. Eduardo B. Dizon
• Hon. Danilo D. Sicat
• Hon. Onofre S. Tulabut
• Hon. Jason C. Angeles
• Hon. Justin C. Gargaritano (Sk Chairperson)

Gayundin ang ating mga kawani:
• Barangay Clerk – Ms. Charmagne Abby Baylon
• Barangay Bookkeeper – Mrs. Milrose Manalang

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa mga opisyal at kawani ng barangay kundi para sa buong mamamayan ng Barangay Mangalit. Patuloy tayong magtulungan tungo sa mas maunlad, mas maayos, at mas transparent na pamayanan.

💙💛 Sama-sama para sa Serbisyong May Integridad, Transparensiya, at Kahusayan!





Photos from Barangay Mangalit, Mabalacat City, Pampanga's post 03/06/2026

📚🤝 BRIGADA ESKWELA 2026 | MANGALIT ELEMENTARY SCHOOL (MES)

Nagpapaabot po ng taos-pusong pasasalamat ang Pamahalaang Barangay ng Mangalit sa lahat ng mga g**o, magulang, volunteers, stakeholders, at mga mamamayan na nakibahagi sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026 sa Mangalit Elementary School (MES).

Kaisa ng Barangay Mangalit Council sa pangunguna ni Hon. Cristian John T. Lindo at si SK Chairperson Hon. Justin C. Gargaritano sa patuloy nating ipinapakita ang diwa ng bayanihan upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang ating paaralan para sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan.

Isang malaking karangalan din ang pagbisita ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., Congressman ng Unang Distrito ng Pampanga, bilang pagpapakita ng kanyang suporta sa edukasyon at sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating mga mag-aaral at paaralan.

Sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan, mas lalo nating napapalakas ang pundasyon ng edukasyon para sa kinabukasan ng ating kabataan.

Maraming salamat po at mabuhay ang diwa ng Brigada Eskwela!






Photos from Sangguniang Kabataan-Barangay Mangalit's post 03/06/2026

Salamat Sangguniang Kabataan of Barangay Mangalit Heade by Hon. Justin Canasa Gargaritano. Mabuhay ang kabataang Mangalit.

02/06/2026

Huwag po nating palampasin ang pagkakataong ito para masig**o ang ating health insurance at benepisyo. Magtulungan po tayo para sa kalusugan ng bawat pamilya sa Barangay Mangalit!

Para sa mga katanungan, maaari po kayong magsadya sa Barangay Hall. Kita-kita po tayo!

01/06/2026

Mga ka-Barangay! Inaanyayahan po ang lahat na pumunta sa ating Barangay Hall para sa PhilHealth Registration (YAKAP RHU I).
Magkakaroon po tayo ng registration mula June 1 hanggang June 15, 2026 (First 100 daily).

Sino ang pwedeng pumunta?
LAHAT PO AY WELCOME! May PhilHealth man kayo ngayon o WALA pa, pwedeng-pwede po kayong mag-apply o mag-update ng inyong record.

📋 Mga Kailangang Dalhin (Requirements):
-Birth Certificate
-Cellphone (Pakisigurado pong may load/internet para mai-download ang eGov PH app)
-Kahit anong Valid ID (primary)

Huwag po nating palampasin ang pagkakataong ito para masig**o ang ating health insurance at benepisyo. Magtulungan po tayo para sa kalusugan ng bawat pamilya sa Barangay Mangalit!

Para sa mga katanungan, maaari po kayong magsadya sa Barangay Hall. Kita-kita po tayo!

25/05/2026

NOTICE TO ALL BARANGAY MANGALIT RESIDENTS:

In view of the holiday on May 27, 2026, the Mabalacat City Veterinary Office advises the public that the scheduled free massive anti-rabies vaccination has been moved to June 29, 2026.

We highly encourage all pet owners to take note of this updated schedule to ensure the continuous protection of our community against rabies. Thank you for your cooperation and understanding.

21/05/2026

𝗔𝗧𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 SA AMING MGA KA-BARANGAY!

Inaanyayahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga kwalipikadong indibidwal mula sa mga 𝗣𝗿𝗶𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝘀 upang magparehistro online.

✅ House Helpers
✅ Construction Workers
✅ Gasoline Attendants
✅ Bantay-Bayan

📌 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗯𝗮𝗹𝗮𝗰𝗮𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆.

Ang online registration ay bukas hanggang 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲 lamang. I-scan ang QR Code o i-click ang provided link upang makapag-register.

✨ Huwag sayangin ang pagkakataong ito! Magparehistro na at maging bahagi ng Priority Sectors Program.



𝗔𝗧𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔𝗖𝗔𝗧 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦!

Inaanyayahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga qualified individuals mula sa mga 𝗣𝗿𝗶𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝘀 na mag-register online.

✅ House Helpers
✅ Construction Workers
✅ Gasoline Attendants
✅ Bantay-Bayan

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗯𝗮𝗹𝗮𝗰𝗮𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆
Ang registration ay hanggang 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲 lamang.
I-scan lamang ang QR Code o i-click ang provided link para makapag-register.

📌 Huwag palampasin ang opportunity na ito! Mag-register na at maging bahagi ng Priority Sectors Program.



Photos 21/05/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Mabalacat?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Mangalit Mabalacat City Pampanga
Mabalacat
2010