02/06/2026
📚🏫 BRIGADA ESKWELA DAY 2 🏫📚
Patuloy ang pagkakaisa at bayanihan para sa ikagaganda at ikalilinis ng ating paaralan. Maraming salamat sa mga g**o, magulang, mag-aaral, at mga boluntaryong walang sawang naglaan ng oras, lakas, at suporta upang maging handa ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.
Maraming salamat po sa Barangay Macaboboni Barangay Council, sa pangunguna ni Hon. Barangay Captain Ernie Esparaguerra sa paglaan po ng inyong oras sa pagtulong sa paglilinis at paghahanda ng ating paaralan. 💖
Ipinapakita nitong sa sama-samang pagkilos, mas nagiging maayos, ligtas, at kaaya-aya ang ating paaralan para sa bawat mag-aaral.
01/06/2026
Matagumpay na isinagawa ng Abagatanen Integrated School ang unang araw ng Brigada Eskwela 2026, sa pangunguna nina Dr. Arlene Batalla Nacario at Ma'am Julie Nilo Menor. Nagkaroon ng maikling paunang programa bilang pormal na pagsisimula, pagkatapos ay nagsimula nang maglinis sa iba't ibang bahagi ng paaralan ang mga g**o, mga mag-aaral, mga magulang at iba pang mga volunteers.
Bawat pintura, bawat paglilinis, at bawat tulong ay hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga mag-aaral. Dahil hiindi lamang ito basta-bastang paglilinis ng paaralan, bagkus ito ay pagtatanim ng pag-asa, pagkakaisa, at pagmamahal para sa kinabukasan ng bawat mag-aaral.
Kaya't taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa unang araw ng Brigada Eskwela. Sa bawat kamay na tumulong, isang pangarap ang mas lalong nabigyan ng pagkakataong umusbong. Nawa'y mas dumami pa po tayo sa mga susunod na araw. 💖
Nais ding magpasalamat ng buong paaralan sa mga nagbigay ng kanilang mga donasyon, na sina Hon. Vice Mayor Jonathan Doromal, Hon. Municipal Councilor Kristine Feble, at Hon. Municipal Councilor Lenelyn Navidad. Maraming salamat po! 💖
27/05/2026
Isang araw na may halong kalungkutan, ngunit mas nangibabaw ang kagalakan.
Naghandog ang kaguruan ng Abagatanen Integrated School ng isang send-off party para kay Sir Almer Colcol, na magsisilbi ng Head Teacher III sa Enrico T. Prado National High School, Aguilar, Pangasinan, matapos ang 12 taong pagtuturo sa AIS. Kasabay na rin dito ang Thanksgiving Party ng mga g**o nating nakapagkamit ng kanilang promosyon ngayong taon.
Sir Almer, mahirap man para sa aming ika'y lilipat na ng paaralan ngunit mas masaya kami para sa nakamit mong promosyon dahil alam naming sobrang deserve mo 'yan. Maraming salamat sa lahat ng mga naging kontribusyon mo sa AIS at maging sa distrito ng Agno. Mananatili pa ring bukas palagi ang AIS para sayo.
Maraming salamat din po sa mga nagpaunlak sa aming imbitasyon, kina Ma'am Arlene Espejo, Ma'am Resie Deocampo, Sir Vladimir Arizala, at Sir Gerald Catabay, na nagdagdag ng kaligayahan sa programa. Maraming salamat din po sa pamilya ni Sir Almer, lalo na sa kaniyang asawa na si Ma'am Jessa Colcol.
Muli, pagbati sa lahat ng mga g**o nating na-promote, at lalong-lalo na kay Sir Almer Colcol. Nawa'y mas marami ka pang makamit na tagumpay sa iyong bagong landas na tatahakin. 💖
24/05/2026
Sending our warmest birthday greetings to Sir Ems Laulita! May you receive all the things you desire. 🥳💖
20/05/2026
🔊 ANUNSYO:
Inaanyayahan ng Abagatanen Integrated School ang lahat na magtungo na sa paaralan upang magpa-enrol, na magsisimula sa Mayo 18-21, Mayo 25-28, hanggang sa Hunyo 1-5, 2026, sa mga oras ng 8:00 am - 12:00 nn at 1:00 pm - 4:00 pm.
Para sa mga incoming Kindergarten, magdala ng photocopy ng birth certificate.
Para naman sa mga incoming Grade 1, Grade 7, Grade 11, Balik-Aral, at Transferees, dalhin ang SF9 (report card) , SF10 (if available), photocopy ng birth certificate, at accomplished enrollment slip.
Para naman sa mga incoming Grade 2 - 6, 8-10, at 12, dalhin ang SF9 (report card) at accomplished enrollment slip.
Sa darating na Hunyo 1-5, inaanyayahan din ang lahat na makilahok sa ating Brigada Eskwela 2026. Sama-sama po nating ihanda ang ating paaralan para sa mas maayos at malinis na pagsisimula ng ating klase sa darating na Hunyo 8, 2026.
10/05/2026
DepEd Abagatanen IS formally opens the ARAL SUMMER Program 2026. This runs from May 6 to June 2, 2026, providing intensive reading and mathematics remediation to address learners' learning gaps. The 20-day program on intensive, face-to-face tutoring sessions is a meaningful
journey where learners continue beyond the regular school.
It is also designed to help learners strengthen their skills, build confidence and prepare for greater success in the coming school year.
,Grow,Succeed
05/05/2026
It is with immense pleasure and pride that we extend our sincerest congratulations to the esteemed teaching and non-teaching staff of Abagatanen Integrated School who were recently promoted under Extended Career Progression (ECP):
Dr. Arlene Nacario, School Principal I to School Principal III
Mrs. Joan Espejo, Teacher III to Teacher VI
Mrs. Rowena Corpuz, Teacher III to Teacher VI
Mrs. Nora Carolino, Teacher III to Teacher VI
Mrs. Nida Bragado, Teacher III to Teacher VI
Mrs. Marites Barandoc, Teacher III to Teacher VI
Mr. Elton John Cabais, Teacher III to Teacher VI
Ms. Remalyn Planas, Teacher II to Teacher V
Mrs. Lennie Navarrete, Teacher I to Teacher IV
Ms. Daisy Gonzales, Teacher I to Teacher IV
May this significant achievement serve as an inspiration for all of you to pursue even greater steps in the future. Your AIS family joyfully celebrates your accomplishments with you. Again, congratulations!
13/04/2026
Congratulations to team MACABOBONI, especially to our former students, on winning the Season I of the Mayor's Cup Basketball Tournament. Special mention also to YVEX JHONDEL A. BALIOLA for his incredible 3-point winning shot, securing a 2-0 victory in the best-of-three series.
05/04/2026
Sending our warm birthday wishes to our TVL Teacher, Ma'am Remalyn Sagun Planas! May your birthday be as special as you are to your students. You are an incredible teacher and an even better person.
31/03/2026
Today, we are wishing a happy, happy birthday to our Grade 9 adviser, Ma'am Lennie B. Navarrete! Wishing you all the best, ma'am! 🥳😍🥰