21/08/2026
Isang makabataang araw, Magdaleños! ‼️🇵🇭
Ngayong Agosto 21, isinagawa ang ating Tree Planting Activity sa Brgy. Bucal bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, upang sama-samang pangalagaan at protektahan ang ating kalikasan. 🌱
Nagsimula ang araw sa mga makabuluhang mensahe na nagbigay-inspirasyon sa bawat kabataan na makiisa at maging bahagi ng mga gawaing naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran.
Ang pagkakaroon ng seminar tungkol sa Climate Change at Solid Waste Management ay nagsilbing mahalagang paalala na bilang mamamayan, mayroon tayong responsibilidad na pangalagaan ang ating kalikasan upang sa mga susunod na henerasyon ay manatili itong makabuluhan at kapaki-pakinabang.
Matapos nito, isinagawa ang Tree Planting Activity sa Brgy. Bucal, kung saan bawat isa ay nagkaroon ng pagkakataong magtanim at makibahagi sa isang simpleng hakbang upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan at mabawasan ang epekto ng Climate Change. 🌳
Kasabay ng ating mga gawain ay isinagawa rin ang pamamahagi ng food packs sa mga benepisyaryo. Ang munting handog na ito ay naging bahagi ng ating layunin na hindi lamang pangalagaan ang kalikasan, kundi magbahagi rin ng malasakit at suporta sa ating kapwa. 🤝💚
Hindi naging madali ang paghahanda para sa kaganapang ito, ngunit sa tulong ng SK Chairperson ng Magdalena, Hon. Daniela Marie Togado, at ng ating LYDO, Sir Zoren, naging maayos at masaya ang isinagawang mga aktibidad para sa Linggo ng Kabataan.
Sa tulong at suporta rin ng ating Kagalang-galang na Punong Bayan, Kgg. Dario A. Lapada Jr., naging mas makabuluhan at mas masaya ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026.
Maraming salamat sa lahat ng tumulong at nakiisa upang maging matagumpay ang ating mga gawain. Ang tulong at pakikiisa ng bawat isa ay naging malaking hakbang upang maging mas makabuluhan at kapanapanabik ang ating kaganapan.
Tunay ngang ang bawat Magdaleño ay may malasakit at pakikiisa para sa ikabubuti ng ating bayan. Ang inyong tulong ay naging daan tungo sa isang mas magandang kinabukasan.
✨ Ang pagkilos para sa susunod na henerasyon ay makatutulong sa pagbabago at pag-unlad na nais ng bawat mamamayang Magdaleño. ✨
SPECIAL MENTION:
Capt. Nomar L. Suna
Inspirational Messages
LYDO- G. Zoren Lester Burbos
SKF-Hon.Daniela Marie Dogado
LYDC Farmer Leader-G. Jhon Albert D. Alcantara
MENRO Staff at Aministrative Assistant 1- Bb. Tess L. Watchon
Municipal Mayor- Kgg. Dario A. Lapada Jr.
Municipal Admin-Maam Christine Lao-Criste
Municipal PnP in Chief-
MSWDO-Cherry Sulapat
Kagawad ng Sangguniang Barangay ng Bucal-Kgg. Crisanto Bucal
📷 Photo: Josh Naithan Cupon, Ashley Hernandez
🖼 Layout: Josh Naithan Cupon, Cassey Klem Dasmariñas
✍🏻 Caption: Josh Naithan Cupon, Cassey Klem Dasmariñas