Kagawad.Arcel Estrella Crisolo

Kagawad.Arcel Estrella Crisolo

Share

Poblacion ang panalo

26/05/2026

ABANGAN..


Photos from Kagawad.Arcel Estrella Crisolo's post 01/05/2026

Sa pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa, nakibahagi ang inyong lingkod, Kagawad Arcel Crisolo, sa isinagawang PROMIKOmmunity Pantry sa Barangay Poblacion—isang simpleng inisyatiba ng pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan para sa ating mga manggagawa at residente.

Sa pangunguna ni Brgy. Captain Miko Villena at ng PRO-MIKO, naging daan ang gawaing ito upang maipakita ang pagkakaisa at malasakit sa komunidad, lalo na sa mga patuloy na nagsisikap para sa kanilang pamilya at kabuhayan.

Isang taos-pusong pagpupugay sa sipag, tiyaga, at dedikasyon ng bawat manggagawang Pilipino. Mabuhay ang ating mga manggagawa!



Photos from Kagawad.Arcel Estrella Crisolo's post 15/04/2026

Walang kasing tamis ang ngiti ng ating mga seniors! ❤️

Isang masayang pagbati at pagpupugay sa ating mga minamahal na senior citizens sa Barangay Poblacion. Sa pangunguna nina Punong Barangay Miko Villena at Kagawad Arcel Estrella Crisolo, katuwang ang MAC Employees , matagumpay nating naabot ang bawat tahanan para ihatid ang Birthday Cake na handog ni Mayora Nancy Binay, City Council at City Government ng Makati para January to March Birthday Celebrant.

Ang munting regalong ito ay simbolo ng ating walang hanggang pagmamahal at pagkilala sa inyong mahalagang ambag sa ating komunidad. Mabuhay po kayo! 🎂✨






10/04/2026

Maligayang kaarawan sa ating kagawad Arcel Estrella Crisolo! 🎉 Nawa’y patuloy kang pagpalain at gabayan sa iyong paglilingkod.

Photos from Kagawad.Arcel Estrella Crisolo's post 10/04/2026

Mula sa direktiba ni PB Miko Villena, Isinagawa ang Poblacion Vendor’s Meeting sa pangunguna ng inyong lingkod kasama ang iba pa Kagawad na sina Kagawad Gio Labares at Kagawad Julian San Mateo, na ginanap sa Poblacion Park bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap na mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at pagkakaisa ng ating mga tindero at tindera para sa mas maunlad na komunidad.



Photos from Kagawad.Arcel Estrella Crisolo's post 02/04/2026

PAGLILIPAT NG KRUS
simbolo ng pananampalataya at sakripisyo

“Sa paglilipat ng krus, ipinapaalala sa atin ang dakilang sakripisyo ni Hesus—isang paanyaya na magmahal, magpatawad, at maglingkod sa kapwa.”

Samahang Buklod
Samahang St. Paul
Samahang Padre Zamora
Samahang Pagbabago
Samahang KIMPE
Samahang Ma. Aurora


29/03/2026

Blessed Palm Sunday! 🌿✝️
Sa pagwagayway ng palaspas, inaalala natin ang pagdating ni Hesus na may dalang pag-asa, pagmamahal, at kaligtasan. Nawa’y mapuno ang ating puso ng pananampalataya at kapayapaan ngayong Mahal na Araw. 🙏✨



Want your business to be the top-listed Government Service in Makati?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Brgy. Poblacion
Makati
1210