05/06/2026
City Assessment Department - Malabon City
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Assessment Department - Malabon City, Government Organization, 3rd Floor, City Assessment Department, Malabon City Hall, Barangay Tañong, Malabon.
05/06/2026
04/06/2026
10 TAONG PAGLILINGKOD, 10 TAON DING PAGMAMALASAKIT SA MGA KAPWA SENIOR
Sa loob ng sampung taon, naging isa si Ramon Ortega sa mga unang nilalapitan ng mga senior citizen sa Brgy. Ibaba para sa impormasyon, mga katanungan, at mga concern na kailangang maipaabot sa mga kinauukulan. Anim na taon siyang nagsilbi bilang FEMASCA Chapter President at apat na taon bilang chapter officer.
Ayon sa kaniya, malaking tulong ang natanggap lalo na para sa mga senior citizen na wala nang regular na hanapbuhay at pinagkukunan ng kita.
“Malaking bagay po ito sa amin dahil wala na kaming trabaho o pinagkukuhaan ng kita . Kaya malaking tulong itong nakukuha namin sa pagbabayad ng kuryente, tubig, at iba pang gastusin sa bahay,” aniya.
Nagpasalamat din siya kay Mayor Jeannie Sandoval sa patuloy na pagkilala at suporta sa mga senior citizen na naglilingkod sa kanilang mga kapwa nakatatanda.
“Maraming-maraming salamat po kay Mayor Jeannie Sandoval. Malaking tulong ito sa aming mga senior citizen, lalo na sa mga hindi na makapagtrabaho. Ramdam po namin ang malasakit at suporta ng lokal na pamahalaan,”.
04/06/2026
🌱 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗨𝗧-𝗢𝗙-𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛: May Bagong Pagkakataon na Naghihintay sa Inyo 💙
Hindi hadlang ang pagtigil sa pag-aaral para huminto rin sa pangarap.
Bubuksan ng Public Employment Service Office (PESO) Malabon ang ECO-Youth Program para sa mga Out-of-School Youth (OSY) na nais magkaroon ng bagong kaalaman, kasanayan, at oportunidad sa kabuhayan.
Matapos ang matagumpay na ECO-Youth Project katuwang ang World Vision at DOLE, patuloy na binibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Malabueño na matuto tungkol sa green jobs, green enterprise, at sustainable livelihood.
Bukas ang programa para sa mga edad 16–24 years old na nais:
✅ Matuto ng bagong skills at kaalaman
✅ Magkaroon ng oportunidad sa kabuhayan at trabaho
✅ Makilala ang mga green careers at sustainable livelihood
✅ Maging bahagi ng mas progresibo at makakalikasang komunidad
Bahagi ito ng patuloy na adhikain ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval na masigurong walang kabataang Malabueño ang napag-iiwanan pagdating sa oportunidad at pag-asa para sa kinabukasan.
📌 Hanggang June 28, 2026 lamang ang registration
📌 Magsisimula ang ECO-Youth Program sa June 29, 2026
Kung handa kang matuto, magsimula muli, at bumuo ng mas magandang bukas, maaaring ito na ang oportunidad na hinihintay mo.
📍 Mag-register sa pamamagitan ng QR Code o sa link na ito:
[https://forms.gle/pMQX4je8R7PDLkGf8]
03/06/2026
Nagkaroon ng consultation meeting sa pagitan ng mga kinatawan ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) Central Office at ng City Assessment Department ng Lungsod ng Malabon kaugnay ng isinumiteng Proposed Schedule of Market Values (SMV) ng lungsod.
Layunin ng pagpupulong na talakayin at suriin ang mga mahahalagang aspeto ng panukalang SMV upang matiyak na ito ay naaayon sa umiiral na mga patakaran, pamantayan, at gabay ng BLGF sa real property valuation.
Nagpapasalamat kami sa mga kinatawan ng BLGF para sa kanilang mahalagang mga rekomendasyon, teknikal na gabay, at suporta na makatutulong sa higit pang pagpapabuti at pagpapatibay ng aming panukalang Schedule of Market Values para sa Lungsod ng Malabon.
Patuloy na nakatuon ang City Assessment Department sa pagsusulong ng isang makatarungan, makatotohanan, at napapanahong sistema ng pagpapahalaga ng mga ari-arian para sa kapakinabangan ng ating mga mamamayan at ng lokal na pamahalaan.
02/06/2026
02/06/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Malabon
1407
