02/06/2026
City of Malabon General Services Department
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City of Malabon General Services Department, Public & Government Service, F. Sevilla Boulevard, Malabon.
02/06/2026
02/06/2026
Pag-asa sa Gitna ng Pagsubok
Sa isang iglap, hindi lamang tirahan kundi maging mga gamit na pinagkukunan ng kabuhayan ang nawala kay G. Alfredo Roquila, 47, matapos masunog ang kanilang barracks sa Brgy. Tinajeros.
Bilang manggagawang umaasa sa kanyang mga kagamitan sa pagawaan, mabigat para sa kanya ang pagkawala ng welding machine, mga barena, grinder, at iba pang kasangkapan na matagal niyang pinaghirapan.
"Hindi ko pa rin lubos maisip ang nangyari. Pagbalik ko kinabukasan, halos wala nang natira," ani G. Alfredo Roquila.
Sa kabila ng malaking pinsala, nananatili siyang nagpapasalamat dahil ligtas ang kanyang pamilya at agad silang nabigyan ng suporta sa kanilang pangangailangan.
"Maraming salamat po kay Mayor Jeannie Sandoval, sa Department of Social Welfare and Development - DSWD, at sa Malabon City CSWDD sa agarang tulong na natanggap namin. Napakalaking ginhawa po nito habang nagsisimula kaming bumangon muli."
02/06/2026
01/06/2026
HABAGAT SEASON NA! โ๏ธ
Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa bansa. Inaasahan ang mas madalas na pag-ulan, lalo na sa mga kanlurang bahagi ng Pilipinas.
01/06/2026
๐ง๏ธ WEATHER UPDATE | Tropical Cyclone | June 1, 2026
Asahan ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa Metro Manila, Kabilang ang Lungsod ng Malabon.
Batay sa inilabas na Impact-Based Warning No. 2 ng PAGASA, inaasahan ang patuloy na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat (Southwest Monsoon) ng Tropical Cyclone โDOMENGโ mula Hunyo 1 hanggang 3, 2026 (Lunes hanggang Miyerkules). Nasa ilalim ng โMinor Impactโ risk level ang Metro Manila, kabilang ang Malabon. Gayunpaman, pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto dahil maaari pa ring makaranas ng mga pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon.
๐ก Patuloy na makibalita sa susunod na tropical cyclone bulletin ng PAGASA.
Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan.
Narito ang mga sumusunod na numero na maaaring tawagan kung mayroong emergency sa inyong lugar:
๐ Malabon Central Command and Communications Center
8-921-6009 / 8-921-6029
0942-372-9891 / 0919-062-5588
๐ TXT MJS
0917-689-8657/225687
31/05/2026
PAALALA | PUBLIC HEARING BUKAS NA
Bukas na gaganapin ang Joint Public Hearing ukol sa panukalang ordinansa laban sa paggamit ng pekeng, falsified, tampered, at expired na PWD ID sa Lungsod ng Malabon.
Inaanyayahan ang publiko na dumalo at makibahagi sa talakayan.
๐
Hunyo 1, 2026
๐ 1:00 PM
๐ Session Hall, 6th Floor, Malabon City Hall
Ang inyong opinyon at mungkahi ay mahalagang bahagi sa pagbuo ng makatarungan at epektibong ordinansa para sa mga lehitimong Persons with Disability sa ating lungsod.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Malabon
1470
