LGBTQIA+Malolos

LGBTQIA+Malolos

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LGBTQIA+Malolos, Government Organization, Malolos.

02/06/2026

๐ŸŽจ๐Ÿซ BRIGADA ESKWELA 2026 ๐Ÿซ๐ŸŽจ

Makibahagi sa sama-samang pagkilos para sa mas malinis, mas maayos, at mas makulay na paaralan!

Inaanyayahan ng Maloleรฑo Youth KULAY, katuwang ang Lungsod ng Malolos at Maloleรฑo Youth, ang lahat ng boluntaryo na makiisa sa ating Brigada Eskwela 2026 sa:

๐Ÿ“ Balayong Elementary School
๐Ÿ“… Hunyo 3, 2026
๐Ÿ•– 7:00 AM โ€“ 10:00 AM

Magdala ng sigla, malasakit, at diwa ng bayanihan habang sama-sama nating pinapaganda at inihahanda ang paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral.

Ang bawat pahid ng pintura, bawat walis, at bawat oras na inyong ilalaan ay hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan ng kabataang Maloleรฑo.

๐ŸŒˆ Sama-sama sa pagkilos. Sama-sama sa pagbabago. Sama-sama para sa edukasyon.

02/06/2026

Isang makasaysayang tagumpay, isang hakbang palapit sa tunay na pagkakapantay-pantay. Ang Malolos ay patuloy na nagpapatunay: narito tayo, nakikita tayo, at karapatan nating mabuhay nang malusog, ligtas, at may dignidad.

Maraming salamt Hon. Konsehala Miel Agustin! Mabuhay po kayo! Mabuhay ang bahaghari!

Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayong Pride Month, sinalubong tayo ng isang makabuluhang hakbang na nagbibigay ng bagong pag-asa para sa ating komunidad! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœจ

Isinusulong ng Lungsod ng Malolos ang Proposed City Ordinance No. 15-2026 o ang Right to Care Programโ€”isang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng mas inklusibo, pantay, at nararapat na serbisyong pangkalusugan para sa bawat residente, anuman ang kasarian o pagkakakilanlan.

Sa pangunguna ni Hon. Miel Arthem B. Agustin, ito ay patunay na ang pagkakapantay-pantay ay hindi lamang salita, kundi karapatang dapat makamit ng lahat. Ito ay simula ng mas malawak na representasyon, mas ligtas na serbisyo, at lipunang kumikilala na ang kalusugan at pangangalaga ay karapatan ng bawat isa.

Isang makasaysayang tagumpay, isang hakbang palapit sa tunay na pagkakapantay-pantay. Ang Malolos ay patuloy na nagpapatunay: narito tayo, nakikita tayo, at karapatan nating mabuhay nang malusog, ligtas, at may dignidad.

02/06/2026

๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐—ฃ๐—”๐—ž๐—œ๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—ž๐—” EPISODE 1.โœจ๏ธ

แด›สœแด‡ สœแดษดแดส€แด€ส™สŸแด‡
Maclyn Dela Cruz
SK President of Malolos

Panoorin natin ang isa sa mga adbokasiya at pangarap para sa lungsod ng malolos. Isa lamang itong hakbang upang ang LGBTQIA+ Community ay matanggap at patuloy na ipaglaban sa loob at labas ng bansa. Kaya't halina at sabay sabay nating panuorin ang pangarap at paglaban sa lungsod ng malolos. PARA SA KABATAAN, PARA SA KABAKLAAN!๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœจ๏ธ

Maraming salamat po Pres. Maclyn! Mabuhay po kayo! Mabuhay ang bahaghari!




02/06/2026

PRIDE HAIR CARE: Beauty Beyond Labels โœ‚๏ธ๐ŸŒˆ

Hindi nasusukat ang kagandahan sa kasarian, identidad, o label. Sa bawat gupit, may kwento. Sa bawat ngiti, may tapang. At sa bawat taong ating pinaglilingkuran, ipinapakita natin na ang tunay na ganda ay nagmumula sa pagtanggap, respeto, at pagmamahal sa sarili.

Samahan kami sa isang makulay na araw ng serbisyo at pagkakaisa habang ipinagdiriwang natin ang Pride Month sa pamamagitan ng libreng gupit para sa komunidad.

๐Ÿ“… June 3, 2026
๐Ÿ“ Balayong Covered Court
โฐ 10:00 AM โ€“ 1:00 PM

Pride Hair Care: Beauty Beyond Labels โ€” dahil ang bawat isa ay karapat-dapat na maramdaman ang dignidad, kumpiyansa, at pagmamahal, anuman ang kanilang pagkakakilanlan.

Photos from Malolos Pride's post 02/06/2026

P**I is LIG sa MALOLOS ๐Ÿ˜๐ŸŒˆ

At ang kukumpleto sa ating line up sa darating na June 6, 2026, narito na si Migs Almendras, Lee Crisologo, Gino Hinolan, at Kath Alds Bernardo upang makipag-LOVELAB4N with pride ๐Ÿ’…

Para sa pag-ibig.
Para sa pagkakapantay-pantay.
Para sa pride.



01/06/2026

Free TDC ngayong Pride Month!

Pagmamaneho Tungo sa Pantay na Pagkakataon: Free TDC Para sa LGBTQIA+Malolos Republika

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month Celebration ngayong Hunyo, isang mahalagang inisyatibo ang handog ni Konsi JV Vitug para sa bahagharing komunidad ng lungsod.

Ngyong darating na June 18 hanggang 19, 2026, ay isasagawa ang Free Theoretical Driving Course (TDC) para sa mga myembro ng LGBT Community na nangangailang ng Student Driver's Permit sa Malolos Sports and Convention Center (MSCC).

Ang programang ito ay naglalayong bigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community pagdating sa batas trapiko at responsableng pagmamaneho.

Sa mga nais magsumite ng kanilang applikasyon ay makipag ugnayan lamang po sa pangulo ng ating pederasyon. Maraming salamat po.

Pauna na din po ang aking taus pusong pasasalamat sa suporta at pagtanggap Konsi JV Vitug! Maraming salamat din po Kuya Nate Roque!

Mabuhay po kayo! Mabuhay ang bahaghari!

Photos from LGBTQIA+Malolos's post 01/06/2026

Ligas, Nagningning sa Kulay ng Bahaghari: Pride Unity Walk at Almushare.

Nag-alab ang espiritu ng pagkakaisa at pagtanggap sa Barangay Ligas sa katatapos na matagumpay na Pride Unity Walk at Almushare kaninang umaga. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Sangguniang Kabataan Ng Ligas na pinangungunahan ni SK Chairwoman Myka Jane Crisostomo at mga ksama, katuwang ng LGBTQIA+ Ligas, Malolos sa pangunguna ni Pres. Nica Certifico Marcelo, na naglalayong ipagdiwang ang karapatan at pagkakakilanlan ng bawat miyembro ng komunidad.

Bitbit ang mga bandilang bahaghari at malalawak na ngiti, nagmartsa ang mga kabataan at miyembro ng LGBTQIA+ community upang ipakita na sa Ligas, walang puwang ang diskriminasyon. Ang Unity Walk ay hindi lamang parada ng ganda, kundi isang simbolo ng patuloy na laban para sa respeto at pantay na oportunidad para sa lahat, anuman ang kasarian.

Hindi lamang pagmartsa ang naging tampok sa araw na ito. Sa pakikipagtulungan kay Bokal "Ninong" Michael Aquino, naging mas espesyal ang umaga sa pamamagitan ng programang Almushare. Ang pagtulong at pagkilala sa bawat sektor ng ating lipunan ay walang pinipiling kulay. Mahalaga na ramdam ng bawat isa, lalo na ng ating mga kapatid sa LGBTQIA+, na may katuwang sila sa pamahalaan.

Sa ilalim ng Almushare, nagkaroon ng masayang salu-salo ng almusal na lalong nagpatibay sa samahan ng mga residente at komunidad. Ang pagkaing pinagsaluhan na naging simbolo ng pagkalinga at suporta para sa bawat isa.

Mabuhay kayo SK Ligas! Mabuhay ang Bahaghari!

Maraming salamat po!

31/05/2026

Happy Pride Month! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ This June, we celebrate the beautiful diversity of the LGBTQIA+ community and the courage it takes to live authentically. It is a time to honor the history of the movement while reaffirming our commitment to a future built on equality and respect. Whether you are celebrating your own identity or standing as a supportive ally, your presence makes the world a brighter, more inclusive place. Letโ€™s lead with kindness and ensure that everyone feels seen, safe, and valued for exactly who they are. May your month be filled with unapologetic joy, love, and plenty of rainbow spirit! โœจ

Photos from Malolos Pride's post 31/05/2026

Akala n'yo ba tapos na? Hindi pa, dahil itotodo natin ang saya, pagmamahal, at pagmamalaki ngayong Pride!

Makakasama natin ang nag-iisang Cong Mader Perci Cendaรฑa, ating mentor, at equality champion na matagal nang kasama sa laban mula grassroots hanggang Kongreso. Isa rin siya sa mga sumuporta sa atin noong itinatatag pa lamang ang BulSU Bahaghari, kaya tunay na espesyal ang kanyang pagbabalik sa ating komunidad.

Makikibirit at magbibigay kulay rin sa ating selebrasyon ang ating mga pambato sa kantahan na sina Mara, Emarjun, at Markdel!

At siyempre, mula sa ating Local Queens hanggang sa ating Manila Queens, handa silang rumampa, magpasiklab, at makisaya kasama natin sa pinakamakulay na pagdiriwang ng taon.

Kaya tara na at sabay-sabay nating ipagdiwang ang pagmamahal, pagkakapantay-pantay, at kalayaan. Sama-sama tayong maki-LOVELAB4N dito sa Malolos Pride! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœจ

Para sa pag-ibig.
Para sa pagkakapantay-pantay.
Para sa pride.

Magkita-kita tayo sa June 6, 2026, Malolos Amphitheater in front of Malolos City Hall ๐ŸŒˆ



Photos from Malolos Pride's post 30/05/2026

Ang LOVELAB4N sa Malolos ay hindi lang isang selebrasyon kundi kolektibong protesta at kampanya tungo sa isang malay, malaya, at pantay na lipunan.

Mula Kongreso at Senado patungo sa makasaysayang bayan ng Malolos ay sasamahan tayo ng mga Equality Champions at Good Governance Advocates natin na sina Senator Risa Hontiveros, Senator Bam Aquino, at Rep. Chel Diokno.

Para sa pag-ibig.
Para sa pagkakapantay-pantay.
Para sa pride.



Want your business to be the top-listed Government Service in Malolos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Malolos