07/10/2026
“AMLC, HINDI PUWEDENG MAG-TESTIFY” — KIM HENARES
Kinuwestyon ni Kim Henares ang pagpapatawag sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para magbigay ng testimonya sa impeachment proceedings.
Ayon kay Henares, confidential umano sa ilalim ng batas ang impormasyong hawak ng AMLC at wala itong exception. Aniya, maaari mang i-subpoena ang ahensya, hindi ito dapat mag-testify tungkol sa confidential information.
Iginiit din ni Henares na maaaring hindi na kailangan ang testimonya ng AMLC dahil na-subpoena na ang mga bank records na naglalaman ng impormasyong nais makuha.
“Ang AMLC, hindi siya pwede mag-testify. Kasi ’yun ang maliwanag sa batas nila,” ani Henares.