16/07/2026
16 July 2026
10-52 ( AMBULANCE NEEDED )
LOCATION: 760 Capt. Gabriel Brgy Old Zaniga Mandaluyong
INVOLVED: PICK UP PATIENT TRANSPORT
APPARATUS: Ambu 20
T/O: J.R. Dela Cruz
T/L: C.R. Quinlog
T/X : J. Larcada
REMARKS: The patient was properly assessed and transported from home to Sta Ana Hospital
20
14/07/2026
🚨𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 l
📅July13, 2026
🚑𝐁𝐋𝐒𝐔 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄 🚑
Matagumpay na naihatid ng ating 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐔𝐧𝐢𝐭 (𝐁𝐋𝐒𝐔) ang isang buntis na residente mula sa J. Vicencio Street, Old Zaniga patungo sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) upang mabigyan ng agarang atensyong medikal.
Patuloy ang ating BLSU sa pagbibigay ng mabilis, maaasahan, at dekalidad na serbisyong medikal para sa kapakanan at kaligtasan ng ating mga residente.
Maraming salamat sa ating masisipag na BLSU responders sa kanilang dedikasyon at agarang pagtugon sa oras ng pangangailangan.
💙💛 Serbisyong may malasakit, para sa bawat residente ng Barangay Old Zaniga.
13/07/2026
🚨 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝗕𝗟𝗦𝗨 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
📅 July 13, 2026
🚑 𝐏𝐀𝐓𝐈𝐄𝐍𝐓 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 🚑
Sa patuloy na pagbibigay ng agarang serbisyo sa ating mga kababayan, matagumpay na naihatid ng BLSU- Barangay Life Support Unit Barangay Old Zaniga ang isang pasyente mula sa Aglipay Manggahan Street, Barangay Old Zaniga patungo sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) upang mabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon.
Ang serbisyong ito ay bahagi ng ating layunin na matiyak na ang bawat residente ay may mabilis at maayos na akses sa mga serbisyong pangkalusugan, lalo na sa oras ng pangangailangan.
💙💛 Serbisyong Mabilis, Maaasahan, at Laging Handa para sa Mamamayan.
13/07/2026
🚨𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 l
📅 JULY 12, 2026
🚑𝐁𝐋𝐒𝐔 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄 🚑
Matagumpay na naihatid ng ating 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐔𝐧𝐢𝐭 (𝐁𝐋𝐒𝐔) ang isang residente mula sa NHA, Barangay Old Zaniga patungo sa Mandaluyong City Medical Center upang mabigyan ng agarang atensyong medikal.
Patuloy ang ating Barangay Life Support Unit Barangay sa pagbibigay ng mabilis, maaasahan, at dekalidad na serbisyong medikal para sa kapakanan at kaligtasan ng ating mga residente.
Maraming salamat sa ating masisipag na BLSU- Barangay Life Support Unit Barangay Old Zaniga responders sa kanilang dedikasyon at agarang pagtugon sa oras ng pangangailangan.
💙💛 Serbisyong may malasakit, para sa bawat residente ng Barangay Old Zaniga.
12/07/2026
📢 UPDATE | BLSU NIGHT PATROLLING & MONITORING
🗓️ July 12, 2026
🕚 As of 11:23 P.M.
Sa kabila ng patuloy na pag-ulan dulot ng Enhanced Habagat, patuloy ang Barangay Life Support Unit (BLSU) sa pagsasagawa ng night patrolling at area monitoring sa iba’t ibang bahagi ng Barangay Old Zaniga upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kabarangay.
Batay sa isinagawang inspeksyon, nananatiling passable ang mga pangunahing kalsada sa kasalukuyan. Patuloy naman ang ating monitoring sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagtaas ng tubig sakaling magpatuloy ang malakas na ulan.
🚨 Paalala sa lahat:
* Mag-ingat sa pagbiyahe lalo na sa madidilim at basang kalsada.
* Iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan.
* Patuloy na makinig sa mga opisyal na abiso ng Barangay Old Zaniga.
Ang ating BLSU, Bantay Bayan, at mga volunteer responders ay nakaantabay at handang tumugon sa anumang emergency.
Mataas na Antas ng Paglilingkod. Laging Handa. Laging Nakaantabay.
12/07/2026
🚨 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝗕𝗟𝗦𝗨 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
📅 July 12, 2026
VEHICULAR ACCIDENT RESPONSE 🚑
Agad na rumesponde ang ating BLSU- Barangay Life Support Unit Barangay Old Zaniga ng Barangay Old Zaniga sa isang self-motorcycle accident na naganap sa M. Lerma Street, Barangay Old Zaniga.
Matapos mabigyan ng paunang lunas, ligtas na naihatid ang pasyente sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) para sa karagdagang pagsusuri at agarang medikal na atensyon.
Patuloy ang ating kahandaan at mabilis na pagtugon upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan.
💙💛 Serbisyong Mabilis, Maaasahan at Laging Handa para sa Mamamayan.
11/07/2026
🎉 Happiest Birthday, Mumay! 🎉
Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod bilang ating BLSU- Barangay Life Support Unit Barangay Old Zaniga medic volunteer. Nawa’y pagpalain ka ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at marami pang kaarawan.
Maligayang Kaarawan, Mumay! 💙💛
Mula sa Pamunuan ng Barangay Old Zaniga sa pangunguna ni Akting Kapitana Erika Javier, SK Chairman KC Paradero kasama ang buong Konseho at mamamayan ng Barangay Old Zaniga.
10/07/2026
📢 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 l 𝗕𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗱𝗮𝘆 🌪️🌧️
Ang ating BLSU- Barangay Life Support Unit Barangay Old Zaniga kasama ang ating Akting Punong Barangay Erika Javier ay nakapaghanda at nakaposisyon upang tumugon sa anumang sakunang maaaring idulot ng Bagyong Inday.
Patuloy tayong nakabantay at handang magbigay ng agarang tulong at serbisyo sa ating mga kababayan kung kinakailangan.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras.
⚠️ PAALALA SA MGA RESIDENTE
• Manatiling alerto at makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo ng PAGASA, CDRRMO, at Pamahalaang Barangay Old Zaniga.
• Maghanda ng emergency go bag na may pagkain, inuming tubig, gamot, flashlight, power bank, at mahahalagang dokumento.
• Bigyang-pansin ang kaligtasan ng mga bata, senior citizens, buntis, at persons with disabilities (PWDs).
• Iwasang lumusong sa baha at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon.
🛵 PANSAMANTALANG PARKING PARA SA MGA MOTORSIKLO
Bukas na ang mga sumusunod na ligtas na parking area habang may banta ng pagbaha:
📍 Barangay Hall – Parada Street
📍 Barangay Multi-Purpose Hall – Vicencio Street
🚗 PARA SA MGA SASAKYAN
Kung kinakailangan, maaari ring pansamantalang magpark sa kahabaan ng Aglipay Street, basta’t hindi ito makahahadlang sa daloy ng trapiko at sa pagdaan ng mga emergency vehicles.
🚨 KUNG KAILANGAN NINYO NG TULONG
Kung kayo ay nasa mababang lugar at nangangailangan ng rescue, paglikas, o anumang agarang tulong, makipag-ugnayan lamang sa ating mga emergency responders na nakaantabay anumang oras.
BARANGAY OLD ZANIGA HOTLINES
📞 0992-907-0398
📞 0955-739-0500
MANDALUYONG CDRRMO
☎️ (02) 8533-1897
☎️ (02) 8533-2225
📱 0956-427-3727
📱 0961-696-5141
🚑 MCMC: (02) 8539-5500
🆘 National Emergency Hotline: 911
🤝 Ang PAAC, sa pakikipagtulungan ng Office of the Akting Punong Barangay at ng buong Pamahalaang Barangay Old Zaniga, ay patuloy na nakaantabay upang magbigay ng mabilis, maayos, at maagap na serbisyo sa bawat residente.
Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing prayoridad. Isang tawag lamang, handa kaming tumugon.