DMW Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program

DMW Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program

Share

Information to prevent illegal recruitment & trafficking in persons
MAGING MATALINO, HUWAG MAGPALOKO!

31/05/2026

News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
31 May 2026

๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฒ๐—ฑ ๐—›๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ผ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ

๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ช๐˜ต๐˜บ, ๐˜—๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด โ€” Matagumpay na sinalubong ng Department of Migrant Workers โ€“ Migrant Workers Protection Bureau (DMW-MWPB) kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Bureau of Immigration (BI), Criminal Investigation and Detection Group โ€“ Cordillera Administrative Region (CIDG-CAR) at Philippine National Police Aviation Security Group Terminal 1 (PNP-AVSE Group T-1) ang pitong (7) Pilipinong biktima ng human trafficking na na-repatriate mula sa Cambodia.

Bandang alas-5:15 ng umaga ngayong Mayo 31, 2026, dumating sa bansa ang mga biktima na agad sumailalim sa kinakailangang proseso at ibat ibang serbisyo ng mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kanilang kaligtasan, kapakanan, at agarang suporta mula sa pamahalaan.

Sa isinagawang processing, isa sa mga na-repatriate na indibidwal na nakilalang si John Lerry Amit ay inaresto ng mga awtoridad matapos mapag-alamang siya ay isang suspek sa kasong Qualified Human Trafficking, alinsunod sa umiiral na warrant of arrest na inilabas laban sa kanya.

Ipinaalam kay Amit ang dahilan ng kanyang pag-aresto at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal. Matapos nito, dinala siya sa tanggapan ng PNP-AVSE Group T-1 para sa kaukulang booking procedures at mugshot documentation, bago ihatid para sumailalim sa nararapat na detention at pagdinig ng kanyang kaso.

Patuloy na pinaiigting ng DMW at ng mga katuwang nitong ahensya ang kampanya laban sa illegal recruitment, human trafficking at iba pang anyo ng pagsasamantala sa mga Pilipino sa ibamg bansa. Kasabay nito, nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagligtas, pagprotekta, at pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga biktima ng illegal recruitment at human trafficking, gayundin ang pagpapanagot sa mga sangkot sa ganitong uri ng krimen.


21/05/2026

News Alert
Migrant Workers Protection Bureau

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐˜‚๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ, ๐—ป๐—ฎ๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ธ๐—ผ; ๐Ÿฎ ๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐˜‚๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ

๐˜Ž๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜›๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜ด, ๐˜Š๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ โ€” Sa ikinasang operasyon ng Department of Migrant Workers (DMW), katuwang ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), agad naaresto kagabi sa General Trias, Cavite ang dalawang hinihinalang ilegal na rekruiter na sina Elmina Hajiruk Jawad alyas โ€œMauโ€ at Angelina Paridjal Abduhasan alyas โ€œJoshโ€ matapos ireklamo ng kanilang mga biktima dahil sa napakong pangakong trabaho sa Dubai.

Ayon sa reklamo, tatlong aplikante ang pinangakuan umano nina โ€œMauโ€ at โ€œJoshโ€ ng trabaho bilang nanny sa Dubai na may sahod na 1,600 dirhams kada buwan. Ipinakilala rin umano ng mga suspek na lehitimo ang proseso ng kanilang deployment at sinabing naghihintay na lamang ang mga aplikante ng kanilang pag-alis patungong Dubai.

Gayunman, sa isinagawang beripikasyon ng DMW, napag-alamang walang aprubadong job order para sa Dubai ang recruitment agency na ginagamit ng mga suspek para makapagpadala ng manggagawa sa nasabing bansa. Dahil dito, agad na nagsampa ng reklamo ang mga biktima sa tanggapan ng DMW Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) kahapon nang umaga.

Habang ikinakasa ang operasyon laban sa mga suspek, nadiskubre rin ng mga awtoridad ang iba pang mga aplikanteng umanoโ€™y nabiktima sa nasabing lugar, dahilan upang agad silang ma-rescue ng mga operatiba.

Kasalukuyang inihahanda ng mga awtoridad ang mga reklamong isasampa laban kina โ€œMauโ€ at โ€œJoshโ€ kaugnay ng paglabag sa mga batas laban sa illegal recruitment.

Nananawagan ang DMW Migrant Workers Protection Bureau sa iba pang mga biktima nina โ€œMauโ€ at โ€œJoshโ€ na mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng https://www.facebook.com/dmwairtip upang mabigyan ng libreng tulong legal.


15/05/2026

VISA CONSULTANCY SA PASIG, IPINASARA NG DMW SA ILEGAL NA RECRUITMENT SA US! Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang State 101 Travel Visa Consultancy matapos mahuling ilegal na nag-aalok ng caregiving jobs sa California, USA kapalit ng โ‚ฑ150,000 processing fee.

14/05/2026

News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
14 May 2026

๐—ฉ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—๐—ผ๐—ฏ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—จ๐—ฆ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐— ๐—ช

๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜จ, ๐˜—๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด โ€” Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pangunguna ni Usec Bernard P. Olalia, Undersecretary for Adjudication and Regional Offices, kasama si Asec Jerome A. Alcantara at mga Director ng Migrant Workers Protection Bureau at DMW NCR ang State 101 Travel Visa Consultancy (State 101) alinsunod sa Closure Order No. 12, Series of 2026 matapos itong mahuling ilegal na nag-aalok ng caregiving jobs para sa mga nais magtrabaho sa Amerika.

Ayon sa imbestigasyon, sinasabing may ka-tie up umanong employer sa California, USA ang State 101 at pinapangakuan ang mga aplikante na makakapagtrabaho bilang caregiver gamit lamang ang tourist visa.

Nabisto rin na naniningil ang nasabing consultancy ng processing fee na umaabot sa Php 150,000 kapalit ng trabahong may alok na sahod na USD 1,800 o tinatayang Php 109,800 kada buwan. Ayon pa sa kanilang alok, libre umano ang tirahan at pagkain ng mga manggagawa sa Amerika.

Mahaharap sa kasong illegal recruitment ang corporate officers, directors at mga empleyadong kaugnay sa operasyon ng State 101. Bukod pa rito ay mapapasama rin sila sa DMW List of Persons and Entities with Derogatory Records.

Pinaalalahanan ng DMW ang publiko na hindi maaaring magsagawa ng anumang recruitment activities para sa trabaho abroad ang mga kumpanyang nag-aalok lamang ng visa consultancy services.

Hinihikayat ng DMW ang mga biktima ng State 101 Travel Visa Consultancy na mag-report lamang sa pamamagitan ng [email protected] o sa Facebook na https://www.facebook.com/dmwairtip upang mabigyan ng libreng tulong.



14/05/2026

DMW Shuts Down State 101 Travel Visa Consultancy located at 2nd floor, Unit 223, One Oasis Hub B Conduminium, Ortigas Avenue Extension, Pasig for Illegal Recruitment, Strengthening Protection for OFWs and Innocent Job Seekers

12/05/2026

Patuloy na pinaigting ng Department of Migrant Workers (DMW) ang operasyon laban sa illegal recruitment matapos ipasara ang Polaris Manpower and Documentation Services dahil sa umanoโ€™y ilegal na pag-aalok ng trabaho abroad habang nagpapakilalang โ€œpartner agencyโ€ ng DMW. Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alamang nag-aalok umano ang ahensya ng ibaโ€™t ibang trabaho sa Taiwan, New Zealand, Canada, at Finland kapalit ng processing fee na umaabot sa โ‚ฑ260,000 kahit wala itong lisensya o awtoridad para magsagawa ng recruitment activities.

12/05/2026

News Alert
Migrant Workers Protection Bureau

๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด โ€œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ป๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐˜†โ€ ๐—ป๐—ด ๐——๐— ๐—ช, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ

๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข, ๐˜—๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด โ€” Pinaigiting pa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang laban kontra illegal recruitment matapos ipasara ang opisina ng Polaris Manpower and Documentation Services (Polaris) na nagpapakilala bilang isang โ€œpartner agencyโ€ na may kakayahan umanong magpadala ng mga aplikante para sa trabaho abroad.

Batay sa imbestigasyon, nabisto ang modus ng Polaris kung saan ay patago itong nagsasagawa ng orientation activities bilang umanoโ€™y โ€œpartner agencyโ€ ng DMW sa opisina nito na matatagpuan sa 1653 Tecson Street, Sta. Cruz, Manila upang hindi mahuli ng mga awtoridad. Napag-alaman din na ang umanoy operations manager ng Polaris na kinikilala bilang si Yolanda M. Naag ang nagsasagawa ng nasabing orientation sa mga aplikante.

Napag-alaman rin sa operasyon ang mga alok ng Polaris na trabaho bilang hotel worker, production operator, production packer, at cleaner sa mga bansang Taiwan, New Zealand, Canada, at Finland kapalit umano ng sahod na halagang Php 170,000 hanggang Php 210,000. Naniningil din umano ang Polaris ng halagang Php 260,000 bilang processing fee kung saan nakapaloob aniya rito ang โ€œdocumentation at visa expensesโ€.

Walang kaukulang lisensya o awtoridad na magsagawa ng kahit anong recruitment activities ang Polaris para sa anumang trabaho abroad kung kayaโ€™t ibinaba ng DMW ang Closure Order No. 11, Series of 2026 para sa pagpapasara nito.

Pinapaalalahanan naman ng DMW ang publiko na katumbas lamang ng isang buwang ipinangakong sahod ang maaaring singilin bilang placement fee sa mga aplikante para sa trabaho abroad. Hindi rin maaaring maningil ng placement fee sa ilang mga bansa gaya ng New Zealand at Canada.

Mahaharap sa kasong illegal recruitment ang mga taong nasa likod ng operasyon ng Polaris. Higit pa rito ay irerekomenda rin ng DMW na mapasama ang kanilang mga pangalan sa List of Persons and Entities with Derogatory Record.
Hinihikayat ng DMW ang mga biktima ng Polaris na dumulog sa pinakamalapit na opisina ng DMW sa inyong lugar o mag-mensahe sa [email protected] upang makatanggap ng libreng tulong legal.



11/05/2026

DMW Conducts Closure Operation against POLARIS MANPOWER and DOCUMENTATION SERVICES located at 1653 Tecson Street, Sta. Cruz, Manila for Illegal Recruitment, Strengthening Protection for OFWs and Innocent Job Seekers

10/05/2026

News Alert
Migrant Workers Protection Bureau

๐——๐˜‚๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ธ๐—ผ, ๐—ฆ๐˜†๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ธ: ๐Ÿฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ธ๐—ฟ๐˜‚๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐˜‚๐—ถ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐—›๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด

๐˜‹๐˜ข๐˜ฆ๐˜ต, ๐˜Š๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜•๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ โ€” Isang matinding dagok laban sa illegal recruitment at trafficking in persons ang naitala ng DMW matapos hatulan ng Regional Trial Court Branch 38 sa Daet, Camarines Norte sina Praxedes Orpiana a.k.a. โ€œChed Llameraโ€ at Jinky Aglibot dahil sa pagre-recruit at pagpapadala sa isang Pilipina sa Syria, kahit may umiiral na deployment ban. Sa desisyong may petsang Marso 27, 2026, pinatawan ang dalawa ng life imprisonment at multang โ‚ฑ5 milyon sa trafficking case, bukod pa sa hiwalay na parusa sa iba pang kaso.

Batay sa consolidated judgment, pinangakuan umano ng mga nasabing rekruiter ang kanilang biktima ng trabaho sa bansang Dubai bilang domestic helper kapalit ng sahod na halagang USD350. Ngunit, hindi umano nagtrabaho ang biktima sa Dubai at bagkus ay napunta sa Syria kung saan kasalukuyang ipinatutupad ng Department of Migrant Workers (DMW) ang total deployment ban o pagbabawal laban sa pagpapadala ng mga aplikante para magtrabaho sa nasabing bansa.

Base sa testimonya ng biktima, bago pa siya makarating ng Syria, ang kanyang ticket palabas ng bansa ay naglalaman ng itinerary patungo sa Kuala Lumpur, Malaysia; Colombo, Sri Lanka; Bahrain, at Damascus, Syria. Nang siya ay makarating ng Syria, agad siyang pinigilan ng isang immigration officer na umalis habang hinihintay ang susundo sa kanya na isang hindi pinangalanang tao sabay nag-abot umano ng pera sa nasabing immigration officer.

Matapos makalaya ay dinala siya nito sa bahay ng kanyang employer kung saan siya ay pinapirma ng nasabing employer ng kontrata na tanging USD150 lamang ang kanyang sasahurin, taliwas sa sahod na ipinangako ng kanyang mga rekruiter. Maliban pa sa mababang pasahod ay mabigat din umano ang trabahong ibinibigay sa kanya sa bahay ng employer at limitado ang kanyang galaw sapagkat kinuha rin nito ang kanyang passport.

Nananawagan ang DMW Migrant Workers Protection Bureau sa iba pang mga biktima nina Praxedes Orpiana a.k.a Ched Llamera at ni Jinky Aglibot na mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng https://www.facebook.com/dmwairtip upang mabigyan ng libreng tulong legal.


Photos from DMW Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program's post 07/05/2026

Press Release
Migrant Workers Protection Bureau

๐—”๐— ๐—Ÿ๐—– ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฝ๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐——๐— ๐—ช ๐—ณ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ถ๐—ป๐˜ƒ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ณ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜ ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐˜‚๐—ถ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด

๐˜—๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด โ€” In a significant move to strengthen the governmentโ€™s crackdown on transnational crimes affecting Overseas Filipino Workers (OFWs), the Anti-Money Laundering Council (AMLC) has formally deputized four batches of financial investigators from the Department of Migrant Workers (DMW).

The formal deputization ceremonies, held in Ortigas, Pampanga, Cebu City, and Koronadal, mark a crucial expansion of the DMWโ€™s enforcement capabilities. Under this initiative, the newly authorized financial investigators are now empowered to conduct specialized money laundering investigations predicated on the crimes of illegal recruitment and human trafficking. This authority to conduct financial investigation aligns directly with the Departmentโ€™s core mandate to combat these exploitative schemes and steadfastly protect the rights and welfare of Filipino Migrant Workers.

This collaborative framework ensures that investigations are conducted with the high level of technical expertise, effectively tracing the illicit financial flows that fuel illegal recruitment and trafficking in persons syndicates.

โ€œThis deputation is a game-changer in our pursuit of justice for our modern-day heroes,โ€ said DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac. โ€œWe are no longer just going after the criminals, we are dismantling the financial infrastructure that allows them to prey on our OFWs.โ€

The initiative is in line with the directive of President Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr. for all government agencies to actively support the Philippines national anti-money laundering strategy.

The deputization of four batches of investigators builds on the initial success of the program, significantly expanding the DMWโ€™s reach and strengthening its capacity to combat illegal recruitment and trafficking in persons.

Want your business to be the top-listed Government Service in Mandaluyong?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

Mandaluyong

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm