Barangay Addition Hills - Senior Citizen Affairs Office

Barangay Addition Hills - Senior Citizen Affairs Office

Share

Public Page for:
Announcements
Updates

22/03/2026

📢 ABISO SA ATING MGA SENIOR CITIZENS (FEBRUARY BIRTHDAYS)

​Magandang araw, Barangay Addition Hills! Narito na ang iskedyul ng Birthday Payout para sa ating mga lolo at lola na nagdiwang ng kaarawan nitong buwan ng Pebrero.

​🗓️ ISKEDYUL NG PAYOUT:

​March 23, 2026 (9:00 AM)
📍 Molave Covered Court
​March 24, 2026 (9:00 AM)
📍 New Barangay Hall Lobby (Ground Floor)

​⚠️ MAHALAGANG PAALALA:

​Sino ang mga KASAMA? – Ang payout na ito ay para sa mga regular birthday celebrants ng Pebrero.

​Sino ang HINDI KASAMA? – Hindi po muna kasama sa mga petsang ito ang mga sumusunod:

​Mga may edad 80 hanggang 89 years old.
​Mga may edad 90 years old pataas.

​Para sa mga 80-90+ Years Old: Huwag mag-alala! Mangyaring antayin ang hiwalay na abiso kung kailan at saan ang inyong espesyal na payout schedule.

​Ano ang dapat dalhin? – Huwag kalimutang dalhin ang inyong Original Senior Citizen ID.

​Maraming salamat po at Happy Birthday sa ating mga celebrants! 🎂💙

Photos from Barangay Addition Hills - Senior Citizen Affairs Office's post 21/03/2026

Isang "Purple Saturday" na puno ng saya at serbisyo! 💜

Ngayong umaga, naging makulay at masigla ang ating pagdiriwang ng National Women’s Month sa Barangay Addition Hills. Sa pangunguna ng Association of the Senior Citizen in Mandaluyong (ASCIM) - Addition Hills Chapter, matagumpay nating naisagawa ang:

🏃‍♀️ Zumba Fitness Marathon sa Molave Court – kung saan ipinamalas ng ating mga lola at kababaihan ang kanilang lakas at liksi!
🍲 Feeding Program – sa pakikipagtulungan ni Kagawad Andrea Alim, upang masiguro na hindi lang katawan ang malakas, kundi busog din ang lahat.

Salamat sa lahat ng nakiisa at naki-Zumba! Tunay na ang mga kababaihan sa ating komunidad ay simbolo ng kalusugan, katatagan, at malasakit.

12/03/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO: PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENS 📢

Pinapaalam sa lahat na ang PhilSys (National ID) ay kinikilala na bilang PANGUNAHING ID na tatanggapin ng DSWD para sa inyong Social Pension Payout.

Upang masiguro ang mabilis na proseso, magkakaroon tayo ng eksklusibong PhilSys Registration dito sa ating barangay!

📍 SINO ANG MAAARING MAG-REGISTER?

Mga Senior Citizens na wala pa ring National ID.

PAALALA: Ang schedule na ito ay para lamang sa ating mga nakatatanda (Exclusive for Senior Citizens). Magpo-post po kami kung kailan at saan.

🛏️ PARA SA MGA BEDRIDDEN:
Hinihikayat ang mga pamilya ng ating mga ka-barangay na bedridden o hindi na kayang makapunta sa registration site na makipag-ugnayan o mag-update sa ating Barangay Office. Ito ay upang maitala ang inyong pangalan para sa PERSONAL NA PAGBISITA ng PSA team sa inyong tahanan para sa registration.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa mas madaling transaksyon sa ating gobyerno.

Magtulungan po tayo para sa kapakanan ng ating mga lolo at lola! 👵👴

05/03/2026

PARA SA ATING MGA LOLO AT LOLA SA ADDITION HILLS! 👵👴

​Kailangan niyo ba ng bagong tungkod para sa mas ligtas na paglalakad? Narito ang magandang balita! Maaari na kayong makipag-ugnayan sa ating barangay.

​📍 Saan pupunta?

Sa Tanggapan ng Senior Citizen Affairs ng Barangay Addition Hills.

​📜 Ano ang kailangang dalhin?

Photocopy o Xerox ng ​Senior Citizen ID (Dapat ay naka-address sa Barangay Addition Hills)

​👤 Sino ang hahanapin?

​Hanapin lamang si Ms. Jing Demadura o kahit sino sa ating mga masisipag na kawani ng departamento.

​Mahalaga ang mas ligtas at matatag na paghakbang! ❤️

05/03/2026

📢 ANUNSYO PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENS! 📢

​Pinapaalalahanan ang lahat ng mga Senior Citizen sa Barangay Addition Hills na kasalukuyang nakatatanggap ng Social Pension na magtungo sa ating tanggapan.

​Ito ay para sa pagpaparehistro sa programang:
✨ "BASTA BERIPIKADO, MABILIS ANG SERBISYO" ✨

​Layunin ng programang ito na mas mapabilis at mapadali ang paghahatid ng mga benepisyo para sa inyo.

​📍 Saan: Senior Citizen’s Affairs Office - New Barangay Hall Addition Hills

🆔 Requirement: National ID o Senior Citizen’s ID

​Siguraduhin nating updated ang inyong record para sa tuluy-tuloy at mabilis na pagtanggap ng inyong mga benepisyo. Share po natin ito sa ating mga Lolo at Lola! 👵👴

29/12/2025
29/12/2025

Sa pagtatapos ng 2025, baon ng bawat Trustees ang pagmamahalan at pagkakaisa upang mas mapagtagumpayan pa ang bawat hamon at mga aktibidad na paparating.

Hangad namin ang maayos, matiwasay at mapagpalang taong 2026.

Espesyal na pasasalamat kay Pres. Menda Romero, sa kaniyang dedikasyon at paglalaan ng oras at pasensya upang mas maging matagumpay ang samahan ng ASCIM Additiin Hills Chapter.

Salamat sa mga lingkod bayan, Mandaluyong City LGU, Mayora Menchie Abalos, Sanguniang Panlungsod Vice Mayor Anthony Suva and Council, Punong Barangay Carlito T. Cernal and Council, at sa pamunuan ng Office for the Senior Citizens Affairs Mandaluyong and Staff.

Catering Services: 5A's Catering and Events by Mam Elvhie Serrano
Lights & Sounds: Francis Maragrag and Team
Videographer: Ms. Pau Ascrate
Host: Host Thoyy
Organizer: Ms. Jing Demadura & Team

Photos from Barangay Addition Hills - Senior Citizen Affairs Office's post 25/10/2025

Isang taos-pusong pagpupugay at pagdiriwang para sa ating mga butihing nakatatanda!

Lubos na kagalakan ang hatid namin sa inyo ngayong pagdiriwang ng 2025 National Filipino Elderly Week, na may temang 'Embracing Age: Living a Life with Dignity and Purpose'! Bilang pagkilala sa inyong walang sawang kontribusyon, karunungan, at pagmamahal, inihanda namin ang isang espesyal na handog.

Sama-sama tayong magpahinga at mag-relax! Iniimbitahan namin kayo sa ating: ✨ LIBRENG GUPIT AT MASSAGE! ✨

Ito ay handog ng ating mapagmahal na si Vice Mayor Anthony Suva, sa pakikiisa nina Kapitan Carlito T. Cernal at ng Konseho. Layunin namin na kayo ay makaramdam ng pagmamahal, pag-aalaga, at lubos na relaksasyon.

Huwag na pong magpahuli! Halina't makisaya at mag-enjoy sa mga serbisyong inihanda para lamang sa inyo, mga haligi ng ating komunidad. Ang inyong kaligayahan at kaginhawaan ang aming priyoridad.

Ipinapakita lang nito ang patuloy na pagsuporta at pagmamahal ng ating lokal na pamahalaan sa ating mga senior citizens. Maraming salamat sa inyong inspirasyon!

07/10/2025

⚠️ MAHALAGANG ANUNSYO MULA SA TANGGAPAN NG NAKATATANDANG MAMAMAYAN NG BARANGAY ADDITION HILLS ⚠️

Para sa Kaalaman ng Lahat ng ating Minamahal na Senior Citizens at mga Residente:

Nais naming bigyang-diin na WALANG KATOTOHANAN ang mga balita at impormasyon na kumakalat tungkol sa mga sumusunod:

PhilHealth YAKAP Program Registration: Ang Tanggapan ng Nakatatandang Mamamayan ay HINDI kaugnay o related sa anumang lumalabas na pagpapatala o registration para sa PhilHealth YAKAP Program.

Koleksyon ng PhilHealth ID para sa Social Pension: HINDI pinag-uutusan ng aming tanggapan ang mga Trustees ng bawat bloke na mangolekta ng inyong PhilHealth ID na may kinalaman diumano sa inyong Social Pension.

ULITIN NAMIN: Ang lahat ng balitang kumakalat kaugnay sa PhilHealth YAKAP Program at Social Pension/PhilHealth ID collection na idinidiin sa aming Tanggapan ay PAWANG WALANG BASEHAN at HINDI TOTOO.

Hangad namin na maging mapanuri ang bawat mamamayan ng ating barangay. Huwag magpadala sa mga fake news o maling impormasyon. Kung may katanungan o pagdududa, makipag-ugnayan lamang sa aming opisina o sa inyong Barangay Hall.

Maraming Salamat po.

Tanggapan ng Nakatatandang Mamamayan
Barangay Addition Hills

Photos from Barangay Addition Hills - Senior Citizen Affairs Office's post 25/09/2025

MAHALAGANG PAALALA SA PANAHON NG TAG-ULAN !!

🌧️ 1. Maging handa sa mga sakuna

Alamin ang lagay ng panahon sa pamamagitan ng TV, radyo, o official government sources (tulad ng PAGASA).

Maghanda ng emergency go-bag na may lamang flashlight, baterya, tubig, pagkain, first aid kit, damit, at mga importanteng dokumento.

Tukuyin ang evacuation areas sa inyong lugar.

🏠 2. Panatilihing ligtas sa loob at labas ng bahay

Linisin ang mga alulod at kanal para hindi magbara at magdulot ng baha.

I-check ang bubong at ayusin kung may tumutulo.

Siguraduhing matibay ang poste ng kuryente at hindi exposed ang mga electrical wires.

💧 3. Iwasan ang sakit

Umiwas sa baha at maruming tubig – maaaring magdulot ito ng leptospirosis, dengue, at iba pa.

Laging maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos galing sa labas.

Gumamit ng mosquito repellent at maglinis ng paligid upang maiwasan ang dengue.

🚫 4. Mag-ingat o umiwas sa paglabas ng bahay

Iwasang lumabas kung malakas ang ulan, baha, o may banta ng landslide.

I-check ang mga daan kung passable bago bumiyahe.

Gumamit ng protective gear (raincoat, payong, bota) kung kailangan talagang lumabas.

⚠️ 5. Sundin ang paalala ng mga awtoridad

Makinig sa mga anunsyo mula sa LGU at mga ahensya gaya ng CDRRMO at Barangay.

Huwag balewalain ang mga abiso ng paglikas kung kinakailangan.

Want your business to be the top-listed Government Service in Mandaluyong?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Barangay Addition Hills
Mandaluyong
1550