15/03/2023
Irene
god believers
15/03/2023
04/10/2022
Alam mo ba kung kailan ka mamatay?
Walang kahit sino sa atin na alam ang kanyang kamatayan. Dahil bigla lang itong dumating sa atin, bata man, binata o matanda ito'y walang pinipili na edad at walang pinipili na panahon.
Kaya dapat lang na ito'y ating paghandaan.
Anong klaseng paghahanda?
Sabi ng ating Panginoon, But seek first His kingdom and His righteousness, and all these things will be given to you as well. - Matthew 6:33
Marami kasi tayong mga bagay na inuuna - inuuna natin ang yumaman, inuuna natin na makamit kung ano ang gusto natin sa buhay.
Mali po yun, dapat unahin natin ang Dios dahil lahat ng bagay na kailangan natin ay ibibigay niya. Kasi aanhin mo naman kung makamit mo ang lahat ng bagay ngunit mapunta ka naman sa impyerno?
Kung ano kasi ang inuuna natin ay siyang panginoon natin.
Kung inuuna mo ang magkaroon ng maraming pera, ang dios mo ay ang pera.
So kung ang Dios mo ay ang Dios na nandoon sa langit dapat lang na siya ang unahin mo.
▪︎Unahin mong magkaroon ng totoong relasyon sa kanya.
▪︎Unahin mong makilala siya at makilala ka rin niya.
▪︎Unahin mo siya higit pa sa ano mang bagay.
Dahil kung inuna natin siya palagi, dumating man bigla si kamatayan hindi tayo matatakot. Kasi lilipat lang tayo ng tirahan doon sa langit.
Ang Langit ay totoo at ang impyerno ay totoo. Kung gusto mong sa langit mapunta dapat lang na unahin mo siya. At araw araw ay mamuhay ka na ayon sa kalooban niya.
Unahin mo ang ating Panginoong Jesus. Isuko mo ang buhay mo sa kanya at magsisi ka sa mga mali na nagawa mo sa buhay.
JESUS is the WAY the TRUTH and the LIFE no one comes to the FATHER except through Him.
Click here to claim your Sponsored Listing.
