Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila

Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila

Share

OFFICIAL PAGE OF BARANGAY 19 ZONE 2 DISTRICT 1

P/B Josephine Fajardo

02/06/2026

RAFFLE FOR A CAUSE πŸŽ—οΈ

Mga Kabarangay, humihingi po kami ng kaunting tulong at suporta para sa ating minamahal na Barangay Tanod na si Ate Beth na kasalukuyang nakikipaglaban sa cancer.

Sa pamamagitan ng Raffle for a Cause, ang bawat slot na inyong mabibili ay direktang makakatulong sa kanyang mga gastusin sa pagpapagamot at iba pang pangangailangan habang siya ay nagpapagaling.

Ang inyong munting tulong ay malaking bagay para sa isang taong buong pusong nagsilbi sa ating Barangay.

Sama-sama nating iparamdam kay Ate Beth na hindi siya nag-iisa sa laban na ito. Bawat tiket ay pag-asa, bawat ambag ay pagmamahal.

Maraming salamat po sa inyong kabutihan at suporta.

πŸ’–πŸŽŸοΈ RAFFLE FOR A CAUSE – BUY A SLOT, SAVE LIVES! πŸŽŸοΈπŸ’–

Sometimes, the smallest act of kindness can make the biggest difference. Today, we humbly ask for your support for our beloved Auntie Beth as she bravely continues her fight against cancer. Every raffle slot purchased will go directly toward helping with her medical expenses, treatments, and recovery needs.

✨ HOW TO JOIN:
🎫 Slot Price: β‚±100 per slot (open slot)
πŸ“© Send us a private message to reserve your slot.
πŸ’³ Payment QR code will be provided individually.
πŸ“… Draw date will be announced soon.

πŸ† PRIZES TO BE WON:
πŸ₯‡ 1st Prize: 10 kilos Mighty Clean Powder Detergent
πŸ₯ˆ 2nd Prize: Set of Kitchen Knives
πŸ₯‰ 3rd Prize: 1 Automatic Umbrella

By joining this raffle, you're not only getting a chance to win amazing prizesβ€”you are also giving hope, strength, and support to someone who needs it most. ❀️

Every ticket counts.
Every share matters.
Every act of kindness makes a difference.

Together, let us show Auntie Beth that she is not alone in this battle. Your support, prayers, and generosity mean more than words can express. πŸ™β€οΈ

πŸ“© Grab your slot now through private message!

β€οΈπŸŽ—οΈ

02/06/2026

BACK TO SCHOOL πŸŽ’πŸ«
FREE HAIRCUT AND HAIR COLOR πŸŽ¨βœ‚οΈ

Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, malugod naming inaanyayahan ang mga kabataan ng Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila na makilahok sa ating Libreng Gupit at Hair Color Program!

πŸ“… Hunyo 6, 2026 (Sabado)
πŸ•˜ 9:00 AM – 12:00 NN
πŸ“ Barangay 19 Hall

Ang programang ito ay isang inisyatibo ng ating Committee on Livelihood at Committee on Women and Family sa pangunguna ni Kagawad Ma. Cristina Nick Aguilar-Cerna katuwang ang ating Punong Barangay Josephine Fajardo bilang suporta sa ating mga kabataan sa kanilang pagbabalik-eskwela.

Photos from Manila Public Employment Service Office's post 02/06/2026
Photos from Sangguniang Kabataan - Barangay 19's post 02/06/2026
Photos from Sangguniang Kabataan - Barangay 19's post 01/06/2026

GAWAD PARANGAL OFFICIAL LIST✨

Photos from Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila's post 30/05/2026

MAY 30, 2026 | Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga kawani ng Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila sa pamumuno ng ating Punong Barangay Josephine Fajardo katuwang ang Brgy Council, Tanod, Lupon, Street Sweepers, BADAC Auxiliaries at Staff.



29/05/2026

ANUNSYO PARA SA LAHAT NG RESIDENTE NG Barangay 19 Zone 2 Tondo, Manila β€Ό

Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente na sagutan ang ating RBI o REGISTRY OF BARANGAY INHABITANTS gamit ang QR Code o sa pamamagitan ng link na ito:

πŸ”—https://forms.gle/jY7inu9TPNiN5qiP8

Maaari na po kayong mag-register sa pamamagitan ng pag-click ng link o pag-scan ng QR Code.

πŸ“ŒAng pagpaparehistro ay para sa LAHAT NG KASALUKUYANG NANINIRAHAN sa ating barangay β€” mula sanggol hanggang senior citizen, botante man o hindi.
πŸ“ŒINDIBIDWAL po ang pagsagot sa form. BAWAT TAONG NAKATIRA sa inyong bahay ay kailangang mairehistro at magkaroon ng sariling sagot sa form.
πŸ“ŒMaaari pong gumamit ng iisang Gmail o email address para sa buong pamilya o sambahayan.

Upang kayo ay matulungan sa inyong mga katanungan at pagpaparehistro, iikot po ang ating mga Kagawad, SK Chairman at Barangay Secretary sa LINGGO, MAY 31, 2026 sa kanilang mga nakatalagang lugar:

πŸ“STA. BARBARA STREET
β€’ Kagawad Elizabeth Valdez
β€’ Kagawad Romeo Agustines

πŸ“ STA. ROSA STREET
β€’ Kagawad Jonathan Fajardo
β€’ Kagawad Miguelito Bacolcol

πŸ“ ZARAGOSA STREET at KAGITINGAN STREET
β€’ Kagawad Lea Uy
β€’ Kagawad Rogel Dela Cruz

πŸ“ SAN DIONISIO STREET
β€’ SK Chairman Allyssa Eunice Nanca

πŸ“ SAN SIMON STREET, SAN BASILIO STREET at SAN FRANCISCO STREET
β€’ Kagawad Ma. Cristina Cerna
β€’ Sec. Rosalyn Casaljay

Inaasahan po namin ang inyong kooperasyon.

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

920 Kagitingan Street
Manila
1012