03/01/2026
NEW YEAR 2026
Pero tuloy tuloy na serbisyo publiko 🫡
Manila’s Finest Station-11 Tactical Motorcycle Riding Unit (To Serve and to Protect)
03/01/2026
NEW YEAR 2026
Pero tuloy tuloy na serbisyo publiko 🫡
🫡🫡🫡
30/11/2025
BINONDO COPS
TEAM PS-11
29/11/2025
FOR TAKE ALL 💯
18 Karat Gold
Bangle, Earrings, Ring
PM‼️
22/11/2025
Whaaaaaat!?!
Kayo raw nagpapasahod samin?
Eh pano? bakit?
kami ba, hindi nagbabayad ng tax?
Para bang kayo lang ang nag-aambag,
kami libre?
Tuwing petsa de peligro, kita nyo ba ’yong payslip namin?
Bawas dito, kaltas doon—
withholding tax,PhilHealth, Pag-IBIG—
parang listahan ng utang
na hindi mo naman inutang,
pero obligado kang bayaran.
Kayo, nagbabayad ng buwis.
Kami, nagbabayad din.
Pero may dagdag kaming bayad
na hindi sinisingil sa inyo:
’Yong puyat sa checkpoint,
’Yong kaba sa operasyon,
’Yong buhay na laging nakatali
sa pagitan ng tungkulin at panganib.
Kaya bago kayo magsabi na
kayo ang nagpapasahod sa ’min,
tandaan nyo ’to:
Hindi lang pera ang ambag namin sa bansa.
May tax kami sa papel, oo—
pero mas mabigat ’yong
‘buwis-buhay’ na araw-araw naming binabayaran
para sa katahimikan n’yong hindi nyo namamalayan.
Kaya kung sahod lang ang usapan,
pantay tayo.
Pero sa kabayaran ng panganib—
hindi nyo kami kayang sabayan.”-Lonewolf (CTTO)
16/11/2025
🙏🏻
ACPNP PLTGEN NARTATEZ: ANG INYONG KALIGTASAN ANG AMING PANGUNAHING PRAYORIDAD SA 3-ARAW NA RALLY
Itinaas ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang seguridad bago para sa tatlong araw na religious rally at mga public assemblies na nakatakda mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2025. Magsisimula ang paunang deployment ng mga pulis sa Nobyembre 15, at magsasagawa ng full deployment sa unang araw ng aktibidad, habang ang buong NCRPO ay nasa full alert upang matiyak ang kahandaan sa buong Metro Manila.”
Umabot sa 16,664 na personnel mula sa NCRPO, mga national support unit, at iba pang Police Regional Offices ang itinalaga para sa seguridad ng mga pangunahing lugar.
Tiniyak ni Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. sa publiko na handa ang PNP sa malakihang pagtitipon. Binanggit niya na dahil sa laki at lawak ng aktibidad, kinakailangan ang maayos at malawak na deployment ng mga personnel.
“Malaki ang bilang ng dadalo at maraming lugar ang kailangang tiyakin ang seguridad, kaya pinatibay natin ang presensya ng ating mga pulis. Layunin natin na masiguro ang kaligtasan ng lahat at mapanatili ang kapayapaan sa tatlong araw ng aktibidad,” ani niya.
Inaasahan na marami ang dadalo sa People Power Monument at EDSA Shrine para sa United Peoples Initiatives, na tinatayang aabot sa 300,000 katao, at sa Quirino Grandstand para sa religiyosong aktibidad, na tinatayang aabot sa 100,000 kada araw.
Kasama rin sa mga pangunahing lugar na babantayan ang Liwasang Bonifacio, ICI Grounds, Senado, Kamara ng mga Kinatawan, US Embassy, Ayala Bridge, at mga pangunahing kalsada sa Maynila at Quezon City.
Upang matiyak ang seguridad, ang mga personnel ay inilagay sa Quezon City, Maynila, Pasay, at mga pangunahing daan, kabilang ang mga gusaling pang-gobyerno, control points, at mga rutang may mataas na bilang ng tao papunta sa mga rally sites. Mayroon ding mga yunit para sa intelligence monitoring, logistical support, emergency response, at seaborne patrols.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGEN Randulf T. Tuaño, layunin ng malakas na presensya ng pulis na magbigay ng katiyakan sa publiko at mapanatili ang kaayusan sa buong tatlong araw ng aktibidad.
“Nais naming malaman ng lahat na nakabantay ang PNP sa sitwasyon. Mayroon kaming sapat na dami ng personnel, kagamitan, at koordinasyon sa iba’t-ibang ahensya upang matiyak ang kaligtasan. Hinihikayat namin ang lahat ng dadalo na makipagtulungan, sundin ang mga paalala sa seguridad, at panatilihin ang kapayapaan sa aktibidad.”
Habang iginagalang ng PNP ang karapatan ng publiko sa mapayapang pagtitipon, mahigpit na ipatutupad ang safety protocols upang maiwasan ang abala at masiguro ang kaligtasan ng lahat ng dadalo.
Ngayong ganap ng nakalatag ang mga security operations, handa na ang PNP na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa tatlong araw na pagtitipon.
09/11/2025
Gandaaaaa 😍
05/11/2025
Ganda naman neto, sakto sa BONUS 🤑
PM po sa Page
28/10/2025
🇵🇭🇨🇳