19/12/2023
NATURAL MEDICINE
AMAZING ABOCADO
😁❤🍀🚩✔Alam mo ba Isa pinakamasustansiyang prutas ay ang abokado. Ito’y nagtataglay ng good cholesterol. Mayaman ang abokado sa calcium na kailangan para maging malusog at matibay ang mga buto at kasukasuan. Mayaman din ang abokado sa Vitamin A.
🍀Hindi lang pagkain ang abokado. Pangunahin din itong herbal medicine. Ang nilagang dahon ng abokado ay mabisang gamot sa mga may rayuma. Ang pinakuluang balat ng abokado ay nagpapasigla sa daloy ng regla ng babae. Ang diarhea at constipation ay madali ring napapawi ng abokadong inilaga para inumin ng may nagrerebeldeng tiyan. Gaya ng kaymito, bayabas at iba pang mapapaklang prutas, mabisang panlinis ng sikmura ang abokado.
🍀Ang bunga ng abokado taglay nitong Vitamin A ito ay pampalinis ng balat. Napatunayan na ang magulang na dahon ng abokado ay nagpapakinis ng kutis ng babae kaya ito’y importante sa mga mahilig maging ‘‘flawless’’
🍀Pagkokombulsyon. May ilang mga pag-aaral na nagsasabing makatutulong ang katas ng dahon ng abukado bilang pangontra sa pagkokombulsyon at panginginig ng mga kalamnan sa mga bata.
🍀Pagbaba ng asukal sa katawan (hypoglycemia). Ang katas ng dahon ng abukado ay maaari ring makatulong sa pagkontrol ng lebel ng asukal sa katawan.
🍀Altapresyon. Ang mga katas ng dahon at buto ng abukado ay maaring inumin upang pabagsakin ang mataas na presyon ng dugo.
🍀Mga tumor. Ang pagkakaroon ng mga tumor sa katawan ay maaari rin daw mapaliit o mabawasan sa tulong ng mga substansya na makukuha sa hilaw na bunga ng abukado.
🍀 Impeksyon ng bacteria. Ang ilang mga sakit na dulot ng impeksyon ng bacteria sa katawan, gaya ng tuberculosis, ay maaaring mapagaling ng tuloy-tuloy na pag-inom ng katas ng dahon ng abukado.
🍀Impeksyon ng fungi. Ang mga katas din ng dahon at balat ng kahoy ng abukado ay ginagamit na gamot laban sa ilang mga sakit na dulot ng impeksyon ng fungi. Maaari itong inumin o kaya ay ipahid mismo sa bahagi na apektado ng sakit.
🍀Mga sugat. Ang kangis na nakukuha mula sa bunga ng abukado ay maaaring ipahid sa sugat upang mas mapabilis ang paghilom nito. Tumutulong din ang langis ng abukado para maiwasan ang pamamaga ng sugat.
🍀Ulcer sa sikmura. Pinapababa ng pag-inom ng katas ng dahon ng abukado ang produksyon ng mga asido at likido sa sikmura upang mas mapabilis ang paghilom ng ulcer dito.
🍀Pananakit ng ngipin. Maaring gamitin ang katas ng buto upang ipangmumog nang mawala ang pananakit ng ngipin. Maaari ring isiksik ang maliit na piraso ng buto sa butas sa ngipin upang mabawasan ang pananakit.
🍀 Sakit sa atay at bato. Ang katas ng dahon ay sinasabing may mabuting epekto sa paggaling ng mga karamdaman na nakaaapekto sa laman ng atay at bato.
❤✔AVOCADO: Pampaganda, Para sa Puso, Cholesterol, Tiyan at Mata
🍀Good for the heart. May oleic acid, isang good fat, na mabuti sa puso at pampababa ng cholesterol.
🍀Mayaman sa Potassium para may energy kayo. Mataas sa Folic Acid na maganda sa buntis at may depression.
🍀Dahil medyo mataas sa calories, isang pisngi lang ang kainin sa bawat kainan.
🍀Higit sa lahat, pampaganda ng kutis dahil may good fats na taglay.
🍀Maganda ang Avocado sa BUNTIS at may stress at depression. Dahil sa taglay na FOLIC ACID.. Para ligtas si Baby sa nerve defects.