12/05/2026
League of Filipino Students - UP Manila
UP Manila chapter of League of Filipino Students, the leading anti-imperialist youth organization of the Philippines
12/05/2026
28/04/2026
JUNK, JUNK EDCA! FROM IRAN TO THE PHILIPPINES, STOP THE US WAR MACHINE!
Today marks the 12th anniversary of the Enhanced Defense Cooperation Agreement since it was signed last 2014 and the second month of the ongoing war between US-Israel against the sovereign of Iran in their attempt to control their oil industry and their regime.
To start this historic day, the End the US War on Iran Coalition NCR was officially launched through a press conference this morning at Kalaw cor. Taft. Then, we marched to the United States Embassy and amplified the calls for the removal of all US military bases in the Philippines through the withdrawal of all unequal treaties between the US and our country. We also called on the end of the deadly war on Iran that has killed 3,375 Iranians and injured 26,500+.
We marched under the scorching heat of the sun to Rajah Sulayman Park, where we continued with performances and speeches from different advocacy groups. This is just a commitment of a challenging yet inspirational goal of strengthening the anti-imperialist movement in the Philippines. This Labor Day, we will march again for justice and peace for the Filipinos and all victims of the imperialist wars of agressions in all parts of the world.
NO JUSTICE, NO PEACE!
FOREIGN TROOPS OUT NOW!
FROM IRAN TO THE PHILIPPINES, STOP THE US WAR MACHINE!
24/04/2026
Sama kamiii!
23/04/2026
πππππ‘π π‘πππ₯π’π¦! ππ¨π¦π§ππ¦π¬π π£ππ₯π π¦π π‘πππ₯π’π¦ ππ΅!
ππ¨π¦π§ππ¦π¬π π£ππ₯π πππ¬ πππ¬π¦π¦π ππππ‘π’ ππ§ π¦π πππππ§ π‘π ππππ§ππ π π‘π π£ππ¦ππ¦π§ππ‘π π₯ππππ ππ‘π π¨π¦-π ππ₯ππ’π¦ ππ₯!
Mula sa LFS UPM, ipinapaabot namin ang pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Alyssa Alano, UPD University Student Councilor na kabilang sa 19 na pinaslang ng 79th Infantry Battalion noong Abril 19 sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Dahil sa karahasang ito, mahigit 653 residente mula sa 168 kabahayan ang sapilitang pinalayas. Ang dislokasyon at pagpatay sa mga sibilyan sa komunidad ay malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law at isang krimen ng rehimeng US-Marcos-Duterte laban sa sambayanan.
Ang Negros ay nananatiling sentro ng malalim na kawalan ng tunay na repormang agraryo. Ang mga magsasaka ay patuloy na nagdurusa sa kawalan ng lupa, mababang kita, at kawalan ng sapat na suporta mula sa estado. Marami sa kanila ang nabubuhay sa atrasadong kalagayanβbaon sa utang, umaasa sa hindi makatarungang hatian sa ani, at walang katiyakan sa kanilang kabuhayan. Samantala, ang lupaing kanilang binubungkal ay patuloy na nire-reclassify at inaangkin upang bigyang-daan ang interes ng mga asyendero at malalaking korporasyon, kabilang ang dayuhang kapital. Sa ganitong sistema, pinagkakaitan ng karapatan ang mga pesante at sistematikong itinataboy sila mula sa kanilang sariling pinagkukunan ng kabuhayan. Sa kabila nito, patuloy silang nag-oorganisa at lumalaban para sa kanilang karapatan. Subalit ang tugon ng estado ay militarisasyon, red-tagging, extrajudicial killing, at mga operasyong nagreresulta sa sapilitang pagpapalayas. Ang hulma ng ganitong sistema ay matagal na at patuloy pa rin na umiiralβisang indikasyon ng malalim na krisis sa kung paano tinutugunan ng estado ang lehitimong hinaing ng mamamayan.
Si Alyssa Alano ay isang lider-estudyante at anti-imperyalista na piniling iugnay ang kaniyang edukasyon at kakayahan sa konkretong kalagayan ng masa. Sa halip na manatili sa loob ng apat na sulok ng unibersidad, tinahak niya ang direktang pakikipamuhay at pakikibaka kasama ang mga pesante. Ang pagtungo niya sa kanayunan ay isang malay na paglalagak ng kaniyang sarili sa hanay ng masaβisang proseso ng pagkatuto, pakikiisa, at aktibong pakikibahagi sa kanilang araw-araw na laban para sa lupa at karapatan. Sa pakikipamuhay sa mga komunidad ng magsasaka, naharap siya sa konkretong reyalidad ng kawalan ng lupa, mapagsamantalang sistemang agraryo, at tuluy-tuloy na militarisasyon. Ito ang mga kondisyong hindi lamang binabasa sa mga libro, kundi nararanasan sa gutom, sa utang, sa banta ng pagpapalayas sa lupain, at sa presensya ng armadong pwersa ng estado.
Sa ganitong konteksto, ang desisyon niyang ito ay malinaw na politikal na paninindigan. Ipinapakita nito na ang tunay na pag-unawa sa lipunan ay hinuhubog sa aktwal na pakikipag-ugnayan sa mga sektor na pinakamatinding naaapektuhan ng umiiral na mga istruktura ng kapangyarihan. Ang kanyang karanasan sa hanay ng masa ay nagpatibay sa pagsusuri na ang mga ugat ng armadong tunggalian ay nakapaloob sa mas malalim na problema ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo.
Mariing kinokondena ng LFS UPM ang AFP at ang papet na rehimeng USβMarcos Jr. sa kanilang lantaran na paglapastangan sa International Humanitarian Law. Ang kasaysayan ng AFP ay matagal nang inuukit ng mga ulat ng masaker at pag-atake laban sa masang Pilipino. Ang paggamit ng pondo ng bayan upang pondohan ang mga operasyong nagdudulot ng pagkasawi at pagpapalayas sa mga sibilyan ay gera laban sa mahihirap, laban sa mga magsasaka, at laban sa sinumang nangangahas na manindigan at lumaban para sa kanilang mga karapatanβisang gerang nagpapatuloy dahil sa kawalan ng pananagutan ng gobyerno at sa patuloy nitong pagsandig sa dahas bilang pangunahing tugon sa panlipunang krisis.
23/04/2026
End the US War on Iran Coalition NCR presents our concept note:
Pope Leo XIV said, βEnough of the idolatry of self and money! Enough of the display of power! Enough of war! True strength is shown in serving life.β Donald Trump and Benjamin Netanyahu must give peace a chance.
The missile attacks on Iran started last February 28, killing over 170 students, teachers and parents in an all-girls school in Minab, Iran as well as Iranβs Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei. More than a month has passed and the death toll has ballooned to more than 3,575 with an additional 26,500 Iranians injured. In response to the daily missile strikes, Iran has closed the Strait of Hormuz, only allowing ships from non-hostile countries to pass through and targeted US military bases in the Middle East.
It is clear that the US and Israel launched this war to control Iranβs oil reserves. Weekly threats by US President Donald Trump such as βa whole civilization dies tonight, never to be brought back againβ has escalated the conflict. The US has also launched a naval blockade against Iran. The war has expanded to Lebanon, where Israeli forces have conducted a ground invasion bombing entire villages to rubble. There has been a ceasefire between Iran and the US while talks have been held to reach a peace deal.
We recognize that our lives are deeply connected to the drivers who earn almost nothing due to oil price shock, the farmers who are not subsidized, the workers, some of whom are our parents, who try their best to put food on the table despite the band-aid solution offered by the Philippine government, and even with the Palestinians, Iranians, Venezuelans, Cubans, and Lebanese whose hearts similarly beat for their homeland.
Time and time again, the masses are always the most affected in times of crisis and war. We cannot let this normalization of war and violence that has killed millions of dreams continue. Our future is on the line.
End the US War on Iran Coalition β National Capital Region is an alliance of peace-loving religious, civil society, youth leaders and organizations, and institutions united in calling for the immediate end of the ongoing US-Israel-led aggression against the sovereign country of Iran.
The demands of our coalition are as follows:
- Immediate end of the ongoing war waged by the US and Israel against Iran and Lebanon!
- Hold Trump and Netanyahu accountable for their crimes against humanity!
- Justice for all victims of the wars of aggression around the world!
We must continue beating the drums of peace through activities such as prayer vigils, peace forums, press conferences, candle lighting, March for Peace on April 28, and many more.
If you would like to join our coalition, you can message our page.
23/04/2026
HUSTISYA PARA SA 19 PINASLANG SA TOBOSO, NEGROS OCCIDENTAL! HUSTISYA PARA SA MGA ANTI-IMPERYALISTANG BAYANI NG SAMBAYANAN NA SINA ALYSSA ALANO AT RJ LEDESMA! DEFEND NEGROS! UPHOLD INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW!
Ang rehiyon ng Negros ay deka-dekada nang nakakaranas ng marahas na militarisasyon, lalo noong inimplementa ang Memorandum Order 32, na naglagay sa Negros sa βState of Lawless Violenceβ. Kaliwaβt kanan ang paglabag sa karapatang pantao ng 79th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang nagpapasok at protektor ng mga dambuhalang proyektong umaagaw sa lupa sa mga magsasakang Negrense.
Nitong Abril 19, walang habas na pinaulanan ng bala ng nasabing batalyon ang Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental kung saan halos 168 na pamilya at 653 na mga indibidwal ang napilitang magbakwit palayo sa kanilang mga tahanan at lupain. Ang karahasang ito ay kumitil sa buhay ng 19 na indibidwal, kabilang sina UP Diliman University Student Council Education and Research Councilor Alyssa Alano at writer-editor ng PaghimutadβNegros na si RJ Nichole Ledesma.
Hindi masukat ang kasahulang ito ng Armed Forces of the Philippines, na ginagamit ang pondo ng bayan laban mismo sa mga mamamayan. Imbes na itutok ang kanilang armas sa mga tunay na kriminal sa pamahalaan na mga rason ng paghihirap ng mga magsasaka at manggagawang Pilipino, napakadali para sa kanilang pumatay ng mga mamamayang nagnanais ng kaunlaran sa buhay at maayos na kinabukasan.
Mariing kinukundena ng League of Filipino of Students National Capital Region ang karahasang itong pinahihintulutan ng tuta, pasista, at pahirap na rehimeng Marcos Jr. at Duterte. Dapat managot si Marcos Jr. bilang commander-in-thief ng AFP na nanakot, nangha-harass, at pinapatay ang buhay ng mga kapwa natin Pilipino. Para sa mga ganitong pagpatay ginagamit ng AFP ang kanilang pakikipagtulungan sa Estados Unidos, sa kanilang pagbili ng mga armas doon at pagkakaroon ng mga base militar nila sa ating bansa. Ang gera ng inutil at mamamatay-taong AFP ay laban sa mamamayang naghihirap.
Isa ang rehiyon ng Negros na nananatili pa rin ang matinding pyudal at atrasadong sistema, na patuloy na naglalagay sa ating mga magsasaka sa matinding kahirapan. Dapat maunawaan ni Marcos Jr. at AFP na danas ng mamamayang Negrense ang lahat ng rason para sila ay lumaban at walang masama kung ang mga kabataan at manggagawa ay makipamuhay at makiisa sa kanila upang makamit ang hustisyang panlipunan pinagkakait sa kanila ng bulok na pamahalaan.
Ang mga kabataan katulad nina Alyssa at JR, na lumahok sa pakikibaka ng mga magsasaka ay hindi naligaw o nagkamali, ngunit mga ehemplo ng mga makabayang Pilipinong matapang na pinanghawakan ang kanilang lugar sa pakikibaka nang may lubos na pag-aalay ng kanilang talino, talento, at lakas para sa bayan. Walang naratibo ng estado ang makakapagbaluktot ng dakilang prinsipyo ng mga bayaniβt martir na pinaslang ng AFP.
Sina Alyssa, RJ, at ang 17 pang pinaslang ng AFP sa Toboso ay mga patunay na hanggaβt hindi nareresolba ang ugat ng krisis sa lipunan, may mga patuloy na mamumulat, mao-organisa at kikilos sa abot ng kanilang makakaya. Marami pang kabataang anti-imperyalista ang uusbong at maghahangad ng pagpapabagsak sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo.
Kaisa kami sa panawagang makamit ang hustisya para sa 19 na pinaslang sa Negros Occidental. Gayundin, nananawagan kami ng agarang tulong para sa mga daan-daang nag-bakwit. Walang lugar ang mga mamamatay-taong AFP sa mga komunidad. Dapat silang managot sa kanilang karahasan! Militar sa kanayunan, palayasin!
Sa tumitinding krisis sa lipunan, hindi titigil ang mamamayan at patuloy na dadaluyong ang paglaban ng mga mamamyang api at pinagsasamantalahan mula sa mga pamantasan, pagawaan, komunidad hanggang sa kanayunan.
DEFEND NEGROS! UPHOLD INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW!
INUTANG NA DUGO NG PASISTANG REHIMEN, SINGILIN, SINGILIN, PAGBAYARIN!
Basahin ito para sa sitwasyon sa Negros island: https://www.facebook.com/NNARAYouth/posts/pfbid02aXUYWmxyGF49oAyCqhuqkxsWLbbFKwKfV4cQvFnnPVZmwYkocDbgFywDK26WgQeWl
Click here to claim your Sponsored Listing.
