Sangguniang Kabataan 697

Sangguniang Kabataan 697

Share

Official page of Sangguniang Kabataan ng Barangay 697 Zone 76 District V Manila

02/03/2026

Happy Women’s Month! 💜🌸
Kami po ay bumabati sa lahat ng kababaihan sa ating komunidad. Kayo ang ilaw ng tahanan, lakas ng pamilya, at inspirasyon ng barangay. ✨

This month is all about celebrating your strength, courage, and love.
Saludo kami sa inyong sipag, sakripisyo, at malasakit araw-araw. 🙌

Patuloy nating iangat ang boses ng kababaihan at suportahan ang isa’t isa. 🩷

20/02/2026

DID YOU NOTICE? 👀🧧🕌
This year, Lunar New Year, the Lenten Season, and Ramadan all started in the same month!

It’s a beautiful reminder that even if we come from different beliefs, cultures, and traditions, we can share the same moment in time. ✨
Kahit iba-iba ang ating faiths, we can move forward together with respect and understanding. ✝️

Different traditions, one community.
Isang Barangay, isang puso. 💙

14/02/2026

💐 Happy Valentine’s Day, Barangay 697! 💕💖
May today remind us to show love not just to our partners, but to our family, neighbors, and community. 🌹
A little kindness goes a long way.

11/02/2026

LIQUIDATED ✅🧾

Na-liquidate na rin po natin ang payout ng allowances para sa ating mga Solo Parents, Persons with Disabilities (PWDs), at Senior Citizens. Naisakatuparan po ito nang maayos, kumpleto, at naaayon sa tamang proseso.

11/02/2026

Kasunod ng pakikipulong sa ating Alkalde ng Maynila na si Yorme Isko Moreno Domagoso, ikinagagalak po naming ianunsyo na ang ating Barangay ay isa sa mga Liquidated Barangays ng Lungsod ng Maynila.

Natapos po natin ang lahat ng kinakailangang proseso nang maayos at walang anumang aberya o pagkaantala.

11/02/2026

697 COMMUNITY!
May concern ba kayo?
📞 Tawagan kami sa aming NEW LANDLINE

Handa po kaming makinig, sumagot, at tugunan ang inyong mga katanungan at concerns 24/7.

11/02/2026

Simula noon, hindi talaga nakasanayan sa ating Barangay ang paglalagay ng malalaking mukha at pagbabandera ng mga pangalan sa bawat dokumento o proyekto. Ngayon, mas inayos pa natin ang ating certificate templates. Tinanggal ang mga pangalan ng opisyal at committee para mas maipakita na serbisyo ang bida 💙

Tuloy-tuloy lang sa malinaw, maayos, at EPAL-free na serbisyo para sa lahat.

04/02/2026

Allowance Distribution Summary | Brgy. 697

Matagumpay na naipamahagi ang tulong-pinansyal mula sa City Government of Manila sa ating barangay:

• Senior Citizen: 153 na benepisyaryo – ₱237,000
• PWD (23 Adult, 2 Minor): 25 na benepisyaryo – ₱45,500
• Solo Parent: 2 na benepisyaryo – ₱4,000

📊 Kabuuan: 180 benepisyaryo | ₱286,500 na tulong

Maraming salamat sa patuloy na malasakit ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa kapakanan ng ating mga Manilenyo sa Barangay 697. 💙

29/01/2026

Good day, Brgy. 697 kids and parents!

As the School Year 2026–2027 approaches, on behalf of Aurora A. Quezon Elementary School, we would like to invite and welcome all incoming learners to participate in the Early Registration for Enrollment.

We kindly ask parents and guardians to please be guided by the instructions and requirements listed below to ensure a smooth and orderly registration process.

Your cooperation and support are greatly appreciated as we prepare for another productive and meaningful school year for our children.

28/01/2026

📢 ALLOWANCE PAYOUTS 📢

Sa ating mga Seniors, Persons with Disability (PWD), at Solo Parents —
ipinapaalam po namin na matatanggap na po ninyo ang inyong allowances sa darating na ika-30 ng Enero ngayong taon.

Ito po ay sa patuloy na suporta at malasakit ng ating Alkalde, Yorme Isko Moreno, para sa kapakanan at pangangailangan ng bawat Manileño.

Mangyari lamang po na maghintay ng karagdagang anunsyo para sa oras at iba pang detalye ng payout.
Maraming salamat po at mag-ingat tayong lahat 💙

31/12/2025

Muli, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa tiwala at suportang ipinagkaloob ninyo sa amin ngayong taon. Nawa’y salubungin natin ang bagong taon nang may kapayapaan, kasiglahan, at puspos ng pag-asa.

Maligayang Bagong Taon, Barangay 697! 🎉✨

22/12/2025

Sa aming mahal na mga senior na nakatanggap na ng Shirataki Rice, ito po ang tamang at madaling paraan ng pagluluto upang mas lalo ninyo itong ma-enjoy:

1️⃣ Ihanda ang Shirataki Rice
Maglagay ng 100g ng shirataki rice sa isang mangkok.

2️⃣ Lagyan ng Mainit na Tubig
Magdagdag ng mainit na tubig sa ratio na 1:1 (pantay ang dami ng bigas at tubig).

3️⃣ Takpan at Hintayin
Takpan ang mangkok at hintayin ng 12–18 minuto upang lumambot nang maayos ang bigas.

4️⃣ Handa nang Kainin
Pagkatapos ng ilang minuto, handa na po ang inyong shirataki rice. Maari na itong i-partner sa ulam na inyong nais.

Malugod po naming inihahandog ito at nawa’y makatulong sa masustansya at masarap na pagkain araw-araw. 🌾💚

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Malate
Manila
1004

Opening Hours

Monday 10am - 8pm
Tuesday 10am - 8pm
Wednesday 10am - 8pm
Thursday 10am - 8pm
Friday 10am - 8pm
Saturday 10am - 8pm
Sunday 10am - 8pm