📍 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢
Muli po tayong nakibahagi sa mga talakayan sa Konseho at nagbahagi ng ating mga pananaw, karanasan, at rekomendasyon hinggil sa iba’t ibang panukalang inihain ng ating mga kasamahan.
Naniniwala tayo na ang mabubuting polisiya at programa ay bunga ng bukas na talakayan, masusing pag-aaral, at paggalang sa iba’t ibang pananaw. Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri at konstruktibong pag-uusap, sama-sama nating pinagbubuti ang mga hakbanging makaaapekto sa kapakanan ng mga Manileño.
𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝗿𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻.
Patuloy tayong maglilingkod nang may pananagutan, integridad, talino at malasakit para sa bawat Manileño.
Councilor Numero “Uno” Lim
Si Numero "Uno" Lim ay 6-Term Councilor ng Dist. 2 Tondo at Most Outstanding Councilor ng 12th City Council ng Maynila. Tapat sa Tao.
Kilala bilang Tondo Idol at sa KONSIstent na Serbisyo. Patuloy na Naglilingkod nang may Puso, Talino, at Galing!
03/06/2026
💉❤️ 𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 “𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦” 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠!
Marami na pong mga bata ang nabigyan ng dagdag na proteksyon sa ating ikalawang araw na laban natin sa tigdas sa tulong ng ating mga doktor mula sa 𝗖𝗵𝗶𝗻𝗲𝘀𝗲 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹. ❤️
Alam po natin na mas mabuti ang pag-iwas kaysa gamutan. Kaya habang libre at available ang programa, samantalahin na natin ang pagkakataong maprotektahan ang ating mga anak.
𝗕𝘂𝗸𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝘁𝗶𝗴𝗱𝗮𝘀, 𝗺𝗮𝘆 𝗱𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴:
✅ Libreng Check Up sa ating CGH doctors
✅ Booster Dose
✅ Vitamin A Supplementation
👶 Para sa mga batang 6–59 buwan gulang
📍 Chinese General Hospital Charity Pediatric OPD
📲 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗿𝗲𝘀𝗲𝗿𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗹𝗼𝘁, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮:
📞 09095091370
📞 09610812223
❤️ Walang magulang na gustong magkasakit ang kanilang anak. Kung maaari nating maiwasan, gawin natin habang maaga.
28/05/2026
🚨 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔! 💉❤️
Ang Department of Health, Chinese General Hospital, at ang ating tanggapan ay magsasagawa ng “𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦” Measles Rubella Immunization at Vitamin A Supplementation ngayong June 2026 upang makatulong na maprotektahan ang ating mga anak laban sa tigdas, German measles, at iba pang seryosong komplikasyon nito.
Layunin ng ating programa na masiguro na mas maraming batang edad 6 hanggang 59 months old ang magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa sakit. 👶🩺
📍 𝗖𝗵𝗶𝗻𝗲𝘀𝗲 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿
📅 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟭–𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲
🕘 Monday to Friday | 9:00 AM – 1:30 PM
❌ Except Holidays
👧 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗱𝗮𝗱 𝟲 𝘁𝗼 𝟱𝟵 𝗺𝗼𝗻𝘁𝗵𝘀 𝗼𝗹𝗱
✅ Libre check up
✅ Libre bakuna
✅ Libre Vitamin A
𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮:
Maaaring mabigyan ng bakuna kahit dati nang nabakunahan ang bata dahil ito ay nagsisilbing booster dose para mas mapalakas ang kanilang proteksyon laban sa sakit.
Bawat bata ay sasailalim muna sa mabilisang screening at check up ng doktor bago bakunahan upang masigurong maayos ang kanilang kalagayan.
📲 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗲𝗿𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗹𝗼𝘁, 𝗺𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴 𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝘀𝗮:
📞 09095091370
📞 09610812223
❤️ Protektahan natin ang kalusugan ng ating mga anak
-U
26/05/2026
𝐊𝐚𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧, 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐮𝐦𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐛𝐮𝐝𝐠𝐞𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐭𝐨, 𝐝𝐮𝐦𝐢𝐫𝐞𝐭𝐬𝐨 𝐧𝐚 𝐚𝐠𝐚𝐝 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐨𝐩𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚.✨
At habang papunta roon, alam ko na agad kung sinu sino ang naghihintay.
📚 Yung estudyanteng kinakabahan sa mga requirement para makapag enroll.
📄 Yung nanay na pabalik balik dahil may mali sa birth certificate.
💊 Yung lolo at lola na lumalapit para humingi ng tulong medikal.
🤝 Yung estudyante na gustong magbakasakali para sa kanyang mapapasukan na paaralan.
Iba iba ang pinagdadaanan ng bawat isa. At minsan, hindi naman talaga malaking bagay ang kailangan nila.
Kadalasan, sapat na yung may makinig, may magpaliwanag nang maayos, at may magsabi ng…
“𝐒𝐢𝐠𝐞, 𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐛𝐨𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚.” 🤍
Kaya pagkatapos ng session, balik agad sa trabaho sa opisina para tumulong sa mga affidavit, school requirements, legal advice, document concerns, legal assistance at iba pang simpleng problema na mabigat para sa mga taong lumalapit sa ating tanggapan.
At sa totoo lang, kapag may isang taong umuuwi na mas magaan ang pakiramdam at may ngiti na ulit… sulit na ang buong araw natin. 😊
24/05/2026
Pagkatapos ng pagbisita natin ngayon sa Brgy. 187, inabot na rin ako ng gutom kaya napadpad tayo sa kainan na “Ohhh Lokooo!” sa Obrero 😅
Akala ko joke lang yung presyo… pero legit pala. Sa 10+5 = ₱15.00, may ulam ka na, may kanin at sabaw ka pa. Sa mahal ng bilihin ngayon, parang mas mahal pa softdrinks minsan 😂🍛
Kaya gets na gets ko bakit tambayan ito talaga ng mga estudyante, tricycle drivers, at mga kadistrito nating naghahanap ng pagkain na nakakabusog pero hindi umiiyak ang bulsa pagkatapos kumain. Simple lang pero solid din sa sarap. Yung tipong mapapasabi ka talaga ng “Ohhh Lokooo!” sa presyo 😅
Highly recommended talaga. Salute po kay Kag Idas Sebastian sa diskarte at sa negosyo mong talagang swak na swak at nakakatulong sa masa. 👏🇵🇭
𝙈𝙮 𝙇𝙞𝙛𝙚 𝙒𝙝𝙚𝙣 𝙊𝙛𝙛𝙡𝙞𝙣𝙚 🦀❤️
After mag work buong araw…
eto naman yung part ng gabi na wala nang thoughts.
Puro himay na lang. 😂
Thank you sa nagbigay ng alimango kanina. Sulit na sulit po! 🦀🙏❤️
😂
🌴 Dumayo lang muna sa Quezon province sandali dahil naimbitahan tayo sa Pahiyas Festival…
pero pinaghirapan ko agad ang meryenda ko.
PS: Mukhang nasira ko yata lahat ng mga buko. 😂🥥
Para sa lahat ng mga Nanay ❤️
Ngayong Mothers Day, isang espesyal na handog na kanta para sa lahat ng mga Inang tahimik na nagsasakripisyo, walang sawang nag aalaga, at laging inuuna ang kanilang pamilya bago ang sarili.🙏
Sa bawat puyat, pagod, dasal, at pagmamahal na walang kapalit… saludo kami sa inyo. Kayo ang tunay na lakas at puso ng bawat tahanan.
Tag mo ang pinakamamahal mong Nanay at iparamdam natin sa kanila kung gaano sila kahalaga ngayong Mothers Day. 🌷✨
Happy Mothers Day sa lahat ng mga Ina! Mahal namin kayo. ❤️
🌸 𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗠𝗼𝘁𝗵𝗲𝗿’𝘀 𝗗𝗮𝘆 𝗧𝗶𝗻 ❤️
𝗔𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗮𝘆…
kahit pagod, mag aalaga pa rin.
kahit may problema, ngingiti pa rin.
kahit walang pahinga, lalaban pa rin para sa pamilya. ✨
Salamat sa pagmamahal na walang kapalit, sa malasakit na hindi nauubos, at sa pagiging puso at ilaw ng ating tahanan. 🌸
𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗠𝗼𝘁𝗵𝗲𝗿’𝘀 𝗗𝗮𝘆 sa lahat din ng Super Nanays! 💐
Kayo ang tunay na ilaw at lakas ng bawat pamilya. ❤️
𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: Tulong at pagkain para sa ating mga Ka-Barangay sa Barangay 262 at 264 na nasunugan.
Patuloy ang simpleng paghahatid ng tulong at mainit na pagkain sa ating mga Ka-Barangay na naapektuhan ng sunog.
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at nakikiisa.
Espesyal na pasasalamat din sa aking mga kasama sa Rotary Club of Bagumbayan Manila at higit sa lahat sa pamilya ng aking kaibigan na si Mr. Jojo Uy Ching sa kanilang malasakit at suporta.
Magkakasama tayo sa pagbangon.
𝗦𝗮 𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀, 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗵𝗮𝗹𝗶𝗴𝘂𝗲, 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴𝗼𝗻 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗶.
Click here to claim your Sponsored Listing.
