08/10/2026
#๐๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฒ: โ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ฌ๐๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ขโ
Kapag marami ang ani pero pabago-bago ang presyo, may mga gulay na nauuwi sa pagkaaksaya. Kaya para sa 30 farmer-beneficiaries ng Calvario Farmers Association (CAFA) sa Lila, Bohol, naging pagkakataon ang processing training ng DA-SAAD na matutunan kung paano gawing bagong produkto ang kanilang mga aniโmula sa banana at taro chips hanggang pickled vegetables at malunggay powder.
Bukod sa bagong recipe na naiuuwi ng mga magsasaka, natutunan din nila ang tamang food handling, packaging, sealing, at pagkuwenta ng production costs at presyo.
Sa ganitong paraan, tinutulungan ng DA-SAAD ang CAFA na magkaroon ng dagdag na paraan para mapakinabangan ang kanilang ani, mabawasan ang post-harvest losses, at makahanap ng panibagong oportunidad para sa kanilang samahan at pamilya.