Brgy. Nanguma Mabitac, Laguna

Brgy. Nanguma Mabitac, Laguna

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Nanguma Mabitac, Laguna, Government Organization, Manila.

07/09/2021

Magandang araw po!

-Para po sa lahat ng mga Kgg. na Kagawad, BNS, BHW at mga mamamayan ng Barangay Nanguma base po sa Balita ng Pag-Asa ay malakas po ang Bagyo ang lahat po ay pinag-iingat.

Paalala:
- Making po ng Balita sa Radyo
- Manood ng Balita sa T.V.
- at makiramdam po sa panahon
- Kung kinakailangan pong lumikas, ay magsabi lamang po ng maaga
- Ang atin pong Evacuation/Likasan ay sa palengke po

Maraming salamat po at Magandang araw!

Kapt. Bonzai

07/09/2021

Pamamahagi ng ayuda at pangangailangan ng mga covid positive sa pangunguna ni Punong Barangay Leslie I. "Bonzai" Retoriano katuwang ang Sangguniang Barangay

Hangad po namin ang inyong pag-galing💖🙏

14/08/2021

Ayon sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, napagdesisyunan ng IATF na palawigin hanggang sa Agosto 20, 2021 ang umiiral na Enhanced Community sa ating lalawigan.

Ito ay matapos mag-anunsyo kahapon si Sec. Harry Roque Agosto 13, na tayo ay mapapasailalim na sa MECQ mula Agosto 16 hanggang 31. Paumanhin po ukol dito.

Muli, ang Laguna po ay patuloy na sasailalim sa ECQ hanggang Aug. 20 batay sa IATF.

Patuloy po tayong mag-ingat. Salamat po.

13/08/2021

Narito ang mga guidelines o alituntunin na dapat tandaan at sundin ngayon na nasa MECQ ang ating lalawigan mula Agosto 16 hanggang 31, 2021.

1.) Stay at home. Ang paggalaw ng lahat ng mamamayan ay limitado sa pag-access sa mga essential goods and services, at para sa trabaho sa mga pinahihintulutang tanggapan o mga establisimiyento lamang.

2.) Ang mga kabataang wala pang 18 taong gulang, mga nasa edad 65 pataas, mga buntis, may immunodeficiency, comorbidity, at iba pang health risk ay dapat manatili lamang sa loob ng tahanan.

3.) Magpapatupad ng curfew mula 8:00 pm hanggang 4:00 am. Hindi kabilang sa curfew ang mga APOR, workers, cargo at delivery vehicles, at public transportation.

4.) Magsasagawa ng checkpoint sa mga Quarantine Control Points sa mga border ng mga lugar sa loob ng NCR Plus kabilang na ang Laguna. Tanging mga APOR ang papayagan na makadaan. Kailangan magpakita ng katunayan at identification gaya ng IATF I.D. mula sa mga regulatory agency, o valid I.D. at anumang dokumentong nagpapatunay sa inyong trabaho na kabilang sa mga industriyang pinapayagang mag-operate.

5.) Mananatiling operational ang public transportation sa kasalukuyang kapasidad at protocols na ipinapatupad ng Department of Transportation.

6.) Pinapayagan ang individual outdoor exercise (walking, jogging, running, biking) sa area of residence o barangay.

7.) Ipinagbabawal ang mga pagtitipon sa labas ng tahanan. Ang mga religious gathering ay limitado sa 10% capacity ng venue.

8.) Full operational capacity ang mga ospital; health, emergency, at frontline services; manufacturers ng gamot, medical supplies, devices at equipment; agriculture at fishery sector; delivery and courier services para sa mga pagkain, gamot, at essential goods; at lahat ng iba pang mga private establishments and industries na pinayagang mag-skeleton workforce o 50% operational capacity noong ECQ.

9.) Tanging mga DOT accredited hotel o accommodation establishments lamang ang maaaring mag-operate at tumanggap ng guests na may lehitimong layuning pangkalusugan gaya ng accommodation para sa mga frontline health workers at gagamitin ito bilang isang isolation and quarantine facility.

10.) Bukas ang mga mall para sa essential stores and services lamang (grocery, drugstore, hardware, pet supplies, bank, service providers, etc).

11.) Ang mga restaurant ay limitado sa outdoor o al fresco dining (50% capacity), take-out, at delivery lamang.�

12.) 50% operational capacity ang lahat ng iba pang mga private establishments and industries na hindi pinayagang mag-operate noong ECQ, maliban sa mga nasa entertainment, leisure, tourism, sports, at personal care services.�

13.) Hindi pinapayagan mag-operate ang mga entertainment venues, recreational venues, amusement parks, indoor and outdoor tourist destinations, indoor and outdoor sports venues, casino at iba pang betting at gaming shops, at personal care services (spa, salon, etc.).

14. Ang mga ahensiya ng pamahalaan at mga tanggapang nasa ilalim nito ay fully operational na may itinalagang skeleton workforce sa mismong tanggapan, at ang nalalabi naman ay sasailalim sa alternative work arrangement na inaprubahan ng punong ahensiya, maliban sa mas higit na na nangangailangang ahensiya na naglalaan ng health and emergency frontline services, laboratory and testing services, border control, at iba pang kritikal na serbisyo, na naaayon sa mga mahalagang batas at regulasyon na ibinigay ng CSC.

Ang akin pong walang sawang paalala na mag-ingat at pangalagaan po natin ang ating mga sarili at pamilya sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standards.

13/08/2021
11/08/2021

Magandang araw po!

Para po sa mga Taga Barangay Nanguma

Na nakatanggap ng vaccine pass at nakaschedule na babakunahan po ngayong araw sa Agarao gym August 12, 2021

Pakisunod po ang mga ilang paalaala:

* Magdala po ng sariling ballpen

* Magdala po ng Face shield

* Magsuot po ng facemask
Bawal po ang coatmask ( surgical mask po
ang gagamitin

* panatilihin po ang social distancing

Mula PO sa Sangguniang Barangay
Sangguniang Kabataan

Kapt. Bonzai
Maraming salamat po

06/08/2021

Mapagpalang araw!

Nais po naming ipaabot sa inyong kaalaman na tuloy po ang ating "RESBAKUNA" sa susunod na linggo mula August 10-13, 2021 .

Batay po sa Advisory no.70 "Guidelines on the Conduct of Vaccination Activities in areas under Enhanced Community Quarantine" magkakaroon po tayo ng mas maingat na pagbabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng covid virus.
At dahil ECQ po tayo, magbibigay po kami ng VACCINATION PASS sa darating na Lunes August 9 sa bawat brgy na ipapamahagi naman po ng mga BHWs sa mga lehitimong tatanggap ng bakuna.
Makipag-ugnayan na lamang po sa inyong barangay.

Hindi po muna tatanggap ng "Walk-in clients" . Priority po ang mga nakapagparehistro na. Limitado lamang po ang bilang ng bakuna na ibibigay kada araw para masunod ang Minimum Public Health Standards.
Kung sakali na hindi aabot sa bilang ay maghintay po lamang ng panibagong skedyul.

Mga Paalala:
1. Magdala ng inuming tubig at pagkain
2. Magsuot ng Face mask at face shield
3. Magdala ng alcohol at sariling ballpen at pamaymay.
4. Maging mapagpasensya at maunawain sa lahat ng oras.

Maraming salamat po at hangad po namin ang inyong pang-unawa.

Narito po ang schedule kung kailan po pupunta sa vaccination site per brgy.

Photos from Brgy. Nanguma Mabitac, Laguna's post 06/08/2021

Patuloy na pag-lilinis ng Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Leslie I. "Bonzai" Retoriano kasama ang mga Kagawad at volunteer

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Manila