11/05/2025
๐ณ๏ธ NGAYON NA ANG ARAW!
Ang 2025 National at Local Elections ay gaganapin ngayon, Mayo 12, 2025! Sa lahat ng rehistradong botante, magsama tayo sa makulay at makapangyarihang araw ng halalan.
Ang iyong boto ngayon ay maghuhubog sa kinabukasan ng ating bansa. Maging matalino at responsable sa pagpili ng mga lider na magtataguyod ng ating mga adhikain.
Ang bawat boto ay may kapangyarihan. Maging bahagi tayo ng makulay at makapangyarihang araw ng halalan.
11/05/2025
๐๐๐๐ก๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐๐๐๐ก๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ง๐๐ข ๐ง๐๐ก๐๐๐ข๐ก, ๐๐จ๐ฆ๐๐ข๐ก๐, ๐๐ข๐ฆ, ๐ ๐๐๐จ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ข ๐๐๐ ๐ก๐ข๐ฅ๐ง๐, ๐ก๐๐๐ฆ๐๐๐๐๐๐ฆ ๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐จ๐ ๐๐ก๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ง๐ ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐จ๐ ๐๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐ง ๐ฆ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ก ๐ฆ๐๐ก๐ฆ๐จ๐๐ง ๐ก๐๐ฆ
Kusiong, DOS, Maguindanao del Norte - Napilitang lumikas ang ilang residente ng Sitio Tinabon matapos umanong mamataan ang grupo ng mga kalalakihang dumaong malapit sa baybaying bahagi sa tapat ng Bai Haninan Sinsuat National High School.
Batay sa salaysay ng mga nakasaksi, hapon ng araw ng insidente nang mapansin ang mga lalaking sakay ng bangka na nagtungo sa lugar na malapit sa paaralan. Dahil sa takot at kawalan ng kasiguruhan kung sino ang mga ito at ano ang kanilang layunin, minabuti ng ilang pamilya na pansamantalang lumikas para sa kanilang kaligtasan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pangangalap ng karagdagang detalye habang ang mga awtoridad ay nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng mga naturang indibidwal. Nananatiling naka-alerto ang lokal na pamahalaan at hinihikayat ang publiko na manatiling mahinahon at agad na magsumbong sa kinauukulan sakaling may makita o maranasan na kahina-hinalang aktibidad.
11/05/2025
COMELEC: Walang Disqualification Ruling laban kay Teng Mangudadatu
Mariing itinanggi ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kumakalat na maling impormasyon kaugnay sa umanoโy disqualification ni Suharto "Teng" Mangudadatu sa gubernatorial race ng Maguindanao del Norte.
Ang nasabing impormasyon ay unang kumalat sa social media, partikular sa mga account na konektado sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP), kung saan sinasabing diniskwalipika na si Mangudadatu sa darating na halalan.
Gayunman, sa opisyal na pagtatanong sa COMELEC, walang anumang dokumentong nagpapatunay sa naturang disqualification. Ayon sa ahensya, hindi sila naglabas ng anumang ruling laban sa kandidatura ni Mangudadatu.
Tinawag itong malinaw na disinformation na layong sirain ang reputasyon ng kandidato at linlangin ang mga botante. Pinayuhan ng COMELEC ang publiko na huwag magpapaniwala sa mga hindi beripikadong ulat at umasa lamang sa opisyal na impormasyon mula sa ahensya at lehitimong mga news source.
Para sa patas na halalan, maging mapanuri sa impormasyong tinatanggap at ibinabahagi.
11/05/2025
๐๐ผ๐ฟ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป: ๐๐ฎ๐น๐๐ฒ ๐๐น๐ฎ๐ถ๐บ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฎ๐๐ ๐ง๐ฒ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฑ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐๐'๐ ๐๐ถ๐๐พ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ถ๐ฟ๐ฐ๐๐น๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฏ๐ ๐จ๐๐๐ฃ ๐ฆ๐๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฒ๐ฟ๐
Earlier reports, primarily disseminated through social media channels linked to the United Bangsamoro Justice Party (UBJP), falsely claimed that Suharto "Teng" Mangudadatu had been disqualified by the Commission on Elections (COMELEC) from the Maguindanao del Norte gubernatorial race. These claims have been verified as inaccurate.
Following a direct inquiry to the COMELEC, no official documentation exists confirming the disqualification of Mr. Mangudadatu. The previously circulated information is therefore demonstrably false and constitutes the deliberate spread of disinformation. Any previous reporting suggesting otherwise is incorrect. The COMELEC has not issued any ruling disqualifying Mr. Mangudadatu.
The dissemination of this false information is a serious attempt to manipulate public opinion and undermine the electoral process. Voters are urged to rely solely on official COMELEC statements and verified news sources for accurate information regarding the candidacy of Suharto "Teng" Mangudadatu and all candidates in the upcoming election.
11/05/2025
๐๐๐ญ๐ฎ ๐๐๐ซ๐ฌ๐ก๐๐ฅ๐ฅ ๐๐ข๐ง๐ฌ๐ฎ๐๐ญ: ๐๐๐ง๐๐ข๐๐๐ญ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐ซ๐จ-๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐๐๐ซ ๐ง๐จ๐จ๐ง, ๐ง๐๐ ๐ก๐๐ก๐๐ง๐ ๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐๐๐ฅ๐ข๐ค ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ซ๐ข๐ก๐๐ง!
Maguindanao del Norte โ Sa muling pagharap ni Datu Marshall Sinsuat sa entablado ng pulitika bilang kandidato sa pagka-Bise Gobernador sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), hindi naiiwasang balikan ng mamamayan ang kanyang kontrobersyal na liderato noong siyaโy nasa kapangyarihan.
Pagmimina sa Datu Blah T. Sinsuat: Kanino ba talaga pumapabor?
Hindi malilimutan ng mga residente ang panahong isinulong ni Datu Marshall Sinsuat ang pagmimina sa mataas na bahagi ng bayan ng Datu Blah T. Sinsuat, kung saan naglabas ng mga barko at heavy equipment na malinaw na indikasyon ng planong extractive operations.
Walang malawakang konsultasyon. Walang malinaw na benepisyo para sa mamamayan. Sa halip, naging banta ito sa kapaligiran, kabuhayan, at seguridad ng mga lokal na naninirahan.
10/05/2025
๐ง๐ฎ๐ธ๐ผ๐ ๐ผ ๐ง๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ? ๐๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป, ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ธ๐ผ๐
Isang video mula sa kampo ng UBJP ang kasalukuyang kumakalat at pumupukaw ng pangamba. Sa nasabing video, makikita ang presensya ng ilang armadong lalaki na tila ipinapamalas bilang puwersa ng partido. Higit na naging kontrobersyal ang video dahil sa tugtuging ginamit isang awitin na may tono ng kaguluhan o labanan, na sa halip na magbigay-inspirasyon ay nag-iiwan ng damdamin ng banta at takot.
Sa gitna ng mga pagsusumikap ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na muling buuin ang tiwala ng mamamayan at pagtibayin ang kapayapaan, ang ganitong klase ng pagpapakita ay isang hakbang paatras. Hindi ito simpleng kampanyang pulitikal isa itong malinaw na pahiwatig ng panggigipit.
Sa mga lugar kung saan matagal nang ninanais ang katahimikan, ang paglalabas ng ganitong imahe ay lalong nagpapalala ng pag-aalinlangan. Ang halalan ay hindi larangan ng tunggalian, kundi isang demokratikong proseso kung saan ang taumbayan ang may kapangyarihang pumili malaya, hindi takot.
Kung tunay na serbisyo at kaunlaran ang layunin ng isang partido, itoโy dapat magsimula sa isang kampanyang tapat, marangal, at walang halong pananakot. Huwag gamitin ang alaala ng karahasan bilang sandata sa pulitika. Igalang natin ang kapangyarihang dala ng boto hindi baril ang dapat manaig, kundi puso at malasakit.
Panahon na para piliin ang lider na may tunay na layunin, hindi ang gumagamit ng takot upang mamuno.
10/05/2025
๐๐๐ญ๐ฎ ๐๐๐ซ๐ฌ๐ก๐๐ฅ๐ฅ ๐๐ข๐ง๐ฌ๐ฎ๐๐ญ: ๐๐๐ง๐๐ข๐๐๐ญ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐?
๐๐ซ๐จ-๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐๐๐ซ ๐ง๐จ๐จ๐ง, ๐ง๐๐ ๐ก๐๐ก๐๐ง๐ ๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐๐๐ฅ๐ข๐ค ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ซ๐ข๐ก๐๐ง?
Maguindanao del Norte โ Sa muling pagharap ni Datu Marshall Sinsuat sa entablado ng pulitika bilang kandidato sa pagka-Bise Gobernador sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), hindi naiiwasang balikan ng mamamayan ang kanyang kontrobersyal na liderato noong siyaโy nasa kapangyarihan.
โ๏ธ Pagmimina sa Datu Blah T. Sinsuat: Kanino ba talaga pumapabor?
Hindi malilimutan ng mga residente ang panahong isinulong ni Sinsuat ang pagmimina sa mataas na bahagi ng bayan ng Datu Blah T. Sinsuat, kung saan naglabas ng mga barko at heavy equipment na malinaw na indikasyon ng planong extractive operations.
Walang malawakang konsultasyon. Walang malinaw na benepisyo para sa mamamayan. Sa halip, naging banta ito sa kapaligiran, kabuhayan, at seguridad ng mga lokal na naninirahan.
10/05/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐. ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐!
๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐. ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐. '๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Hindi na bago sa serbisyo-publiko si Suharto โTengโ Mangudadatu โ isang lider na may puso, gawa, at malinaw na bisyon para sa bawat mamamayan ng Maguindanao del Norte.
Sa panahon kung kailan puro pangako ang maririnig sa iba, si Teng ay may konkretong resulta na maipagmamalaki.
PLATAPORMA AT AGENDA PARA SA BAYANG MAUNLAD, MALUSOG, AT MAPAYAPA.
1. LIBRENG HOSPITAL HANGGANG BARANGAY (NO CASHIER POLICY) Walang kailangang bayaran. Serbisyong medikal ay abot-kamay sa bawat sulok ng barangay.
2. LIBRENG EDUKASYON PARA SA LAHAT
Mula kinder hanggang kolehiyo, libreng matrikula, libro, uniporme, at school supplies.
3. MODERNISASYON NG SERBISYO AT PASILIDAD
Digital na gobyerno, modernong pasilidad para sa mas mabilis at episyenteng serbisyo.
4. MAAYOS NA MGA DAAN MULA FARM TO MARKET
Kalsadang matibay at maayos para mas mabilis na makarating sa pamilihan ang produkto ng mga magsasaka.
5. DISENTENG PAMUMUHAY PARA SA BAWAT PILIPINO
May trabaho, may pagkain, may tirahan โ ito ang hangad ni Teng para sa bawat pamilya.
6. KAPAYAPAAN AT KATAHIMIKAN SA MGA PAMAYANAN
Ligtas na komunidad, malayo sa krimen at droga.
7. TULONG SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA
Libreng binhi, abono, gamit, at suporta sa presyo ng produkto.
8. KALIKASAN AT KALINISAN
Malinis na kapaligiran at likas-yamang inaalagaan.
9. PROGRAMANG PABAHAY PARA SA LAHAT
Abot-kayang pabahay na may kuryente, tubig, at ligtas na tirahan.
10. LIBRENG SERBISYONG LEGAL AT DOKUMENTO SA BARANGAY
Hindi na kailangang gumastos sa notaryo o legal papersโlahat ay libre.
11. PROTEKSYON PARA SA KABABAIHAN, BATA, AT MATATANDA
May malasakit si Teng sa bawat miyembro ng pamilya, mula sa kabataan hanggang senior citizens.
12. SUPORTA SA MALILIIT NA NEGOSYO (MSMEs)
Libreng pautang, marketing support, at training para sa micro at small businesses.
13. LIBRENG WI-FI SA MGA PAMPUBLIKONG LUGAR
Para sa estudyante, manggagawa, at negosyanteโkonektado ang bawat isa.
14. EDUKASYON SA TRABAHO AT KABUHAYAN
TESDA, skills training, at job matching para sa mga nais magtrabaho o magnegosyo.
15. TRANSPARENT AT TAPAT NA PAMUMUNO
Walang itinatago. Regular ang ulat sa taumbayan. Gobyernong may malasakit, may integridad.
โ
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ โ๐๐๐๐โ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐. ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
10/05/2025
๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐๐๐ก๐!
๐๐ฎ๐ถ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐บ, ๐ฆ๐๐๐๐ช ๐ก๐ ๐ง๐๐จ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ฆ๐๐ฟ!
MAGUINDANAO DEL SUR โ Walang makapipigil! Habang isang araw na lang ang nalalabi bago ang makasaysayang halalan 2025, Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ay lumalarga sa unahan bilang pinaka-pinagkakatiwalaan at minamahal na lider ng Maguindanao del Sur!
Ayon sa Bangsamoro Citizens Poll na isinagawa mula Mayo 4 hanggang 7, lumalabas na si Bai Mariam ay may napakataas na 69.5% ng suporta ng mga botante โ higit doble sa nakuhang 27.2% ni Mayor Ali Midtimbang.
"SIYA ANG AMING GOBERNADORA!" โ Sigaw ng Masa
Sa 18 sa 23 bayan ng lalawigan, nagliliyab ang suporta para sa kasalukuyang gobernadora. Sa mga lugar gaya ng Datu Abdullah Sangki, Guindulungan, Paglat, at South Upi, halos walang kalaban si Bai Mariam!
Hindi ito ang unang beses โ noong Abril, nagtala siya ng 91.4% sa isang Bangsamoro Poll, habang sa Vox Populi Media, umabot sa 82% ang preference rating at 90% ang satisfaction mula sa kanyang mga nasasakupan.
Ina ng Lalawigan, Haligi ng Pagbabago
Hindi na bago sa taumbayan ang tapang at puso ni Bai Mariam. Kilala siya bilang Ina ng Lalawigan, itinataguyod ang serbisyong may malasakit, at inuuna ang kalusugan, kaayusan, at kaunlaran. Sa kanya, walang naiiwan โ kababaihan, kabataan, mga katutubo, at ordinaryong mamamayan, lahat ay kasama sa kanyang adbokasiya.
Bilang kaka-isaโt natatanging babaeng gobernador sa buong BARMM, siya ay simbolo ng matatag na pamumuno ng kababaihan sa Bangsamoro.
Midtimbang, Palaging Nauuwi sa Huli
Sa kabila ng kanyang ambisyon, si Datu Ali Midtimbang ay hindi makasabay sa bilis ni Bai Mariam. Ayon sa mga tagamasid, ang kanyang kampanya ay nakapako lamang sa ilang bayan tulad ng Datu Anggal Midtimbang at Datu Salibo โ malayo sa lawak ng koneksyon ni Gobernadora sa buong lalawigan.
Pasya ng Taumbayan, Buo Na!
Sa 51,000 respondents na sinurvey, 3.3% na lang ang undecided. Malinaw: taumbayan na mismo ang pumili โ at ang pangalan nila ay iisa:
Bai Mariam Sangki Mangudadatu!